Chapter 3

1.8K 27 1
                                    


Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko ngayon. Masakit parin ang ulo ko hanggang ngayon dahil sa alak, hindi ko alam kung paano ako nakauwi dito, kaya kaagad kong hinanap si Joaquin.

Nakita ko siya sa balcony, kaya kaagad akong lumapit para magtanong.

"Paano ako nakauwi, anong nangyari kagabi?" Nagkakape siya dito sa taas ng lapitan ko, tumayo siya kaya sumunod naman ako.

"Sagutin mo ako, anong nangyari kagabi?"

Mukha akong asong sumusunod sa kanya ngayon, hanggang sa makababa ay nakasunod pa rin ako sa kanya, naghihintay ng sagot niya sa tanong ko.

"You were drunk last night, so I put you on bed"

"Ano?!"

"I didn't do anything to you, don't start a scandal, we'll both be scolded when they know that we both come home drunk" sambit niya tsaka kumuha ulit ng inumin sa ref.

"Bakit? Sino ba may kasalanan? Ang sabi ko kagabi uuwi na ako 'di ba? pero inuna mo pa ang party na iyon na puro pakikipaghalikan sa mga babae lang ang ginawa mo"

Inagaw ko sa kanya ang iniinom niya tsaka iyon tinikman, nabuga ko ito bigla sa mukha niya dahil alak pala!

"What the hell..." napapikit siya dahil sa nagawa ko, kaagad akong napangiwi at hindi alam kung paanong sorry ang gagawin ko sa kanya, basang basa na ang mukha niya at may bahid din sa damit, kagigising ko pa naman.

"S-sorry, akala ko kape bakit kase alak agad tinutungga mo?"

Hindi niya ako pinansin at 'agad nagpunas, matalim na tingin ang iginawad niya sa akin kaya napalunok ako. Umupo na kami sa hapag ng dumating na sila mama.

"Goodmorning child" bati ni tito ngumiti lang ako sa kanya ng bahagya, lumingon ako kay Joaquin na nagpupunas pa rin hanggang ngayon.

"Anong nangyari d'yan?" Tanong ni mama sa kanya.

"Ah, nothing tita" ngiti nito tsaka masamang tumingin sa akin, kaagad naman akong umiwas tsaka umaktong kumakain.

Kumain na kaming apat, nag uusap lang si mama at tito ng bumaling sa amin ang mga mata nila.

"Anong oras kayo umuwi kagabi"

"8 pm"

"9 pm"

Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa kaya bigla siyang napatayo dahil yata sa gulat, kumunot ang kilay ni tito dahil doon, lalong tumalim ang tingin niya sa akin at nagtatanong ang expresyon ng mukha niya.

"Anong oras ba talaga?"

"9 dad"

"Pumunta po kase-"

"Sa birthday celebration, one of my classmate" tinignan ko si Joaquin dahil sa dinahilan niya, tumango naman si tito at hindi na kumibo, anong birthday celebration? Napaka sinungaling niya talaga!

Weekend ngayon kaya nandito lang ako sa bahay n'yan buong hapon, bumaba ako at nakita si Joaquin na pumasok sa isang kwarto kaya sinundan ko ng palihim, tsaka ko dahan dahan binuksan ang pintuan, ng makita ko ang na sa loob ay mga sasakyan na pang racing at puro mga tropy, certificate, at medal.

"Racer siya?"

Nakatalikod siya sa akin ngayon at nagsusuot ng gloves, nanlaki ang mga mata ko ng maghubad siya ng damit kaya aktong lalabas na sana ako pero naka lock na ang pinto!

"So, what the view do you see behind me?"

Hindi ako sumagot dahil alam kong mang aasar nanaman siya dahil sa tono ng boses niya ngayon, hawak ko ang doorknob ngayon at pilit itong binubuksan, ng maisuot na niya ang damit niya ay humarap na siya sa akin, tsaka hinawi ang buhok pa atras.

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now