Chapter 5

1.7K 21 1
                                    

Maaga akong nagising kinabukan, ganoon din si Joaquin dahil ngayon aalis sila mama at nandito kami sa labas. Sinasakay na ng driver ang mga luggage nila sa sasakyan.

"Mag iingat kayo dito. Joaquin son, take care of your sister" tinapik pa ni tito si Joaquin tsaka tumango, nagtinginan kami ni Joaquin ginalaw niya ang kilay niya pataas sa akin kaya inirapan ko siya, as usual tumawa ulit siya pero mahina lang.

Nag bye na ako ng makasakay na sila ng sasakyan, pumasok na rin ako sa loob dahil inaantok pa ako mamayang 10 pa naman ang alis namin nung manyak na 'yon papuntang Nueva Ecija.

Naalimpungatan ako sa hindi ko alam na dahilan, naaninag ko na nakatayo si Joaquin sa harapan ko at seryosong pinagmamasdan ako.

"Anong ginagawa mo dito? Anong oras na ba?"

"It's already 9:30 dragon sis, sabihin mo kung hindi na tayo pupunta"

Napatingin ako sa oras, ang sabi ko iidlip lang ako pero masyado akong nasarapan matulog kaya naman tinulak ko na siya palabas dahil sinabi kong magreready na ako.

Nang matapos maligo ay nagbihis na rin ako kaagad, nagsuot lang ako ng black halter top tsaka fitted na jeans, and white shoes naka pony din ang buhok ko dahil siguradong mainit na mamaya.

Nang lumabas ako ng kwarto ay tinanong ko sa helpers kung nasaan si Joaquin at sinabi nila na nasa rooftop ito kaya napairap na lang ako tsaka siya pinuntahan doon, ano nanaman kayang ginagawa ng magaling na lalaki na iyon doon?

"Magaling na lalaki"

Dahan dahan siyang lumingon sa akin, naninigarilyo pala kaya pumunta dito. Sumandal siya sa glass na harang nitong rooftop habang ang kamay ay nakapatong din doon patalikod, hindi ko alam kung bakit mukha nanaman siyang asong nakangisi sa akin ngayon, humithit siya sa sigarilyo niya. Hindi inaalis ang tingin sa akin, tsaka ibinuga ang usok paitaas.

"Tara na hoy, ngisi ngisi ka pa 'dyan, anong oras na ho" nagpamewang pa ako sa harapan niya na parang sinesermonan siya.

Tinapon na niya ang upos ng sigarilyo niya tsaka na naglakad palapit sa akin, ng dumaan siya ay narinig ko pa ang sinabi niya na nagpakunot ng kilay ko.

"If only you weren't really my stepsister" nagtaka ako dahil doon, ano naman ngayon kung stepsister niya ako?

"Bakit anong meron?" Tanong ko sa kanya, pero tuloy tuloy na siyang naglakad na parang hindi ako naririnig, naka white siyang polo shirt, umiling siya bilang sagot sa tanong ko.

Nagmamaneho na siya ngayon, kung ano anong music ang pinapatugtog niya at siya lang naman ang nag vivibe doon.

"Got a sweet asian chick she got low mane..." Binombastic side eye ko siya dahil sa kinakanta niya, akala mo naman talaga'y napaka ganda ng boses e, mukha naman iniipit na ibon.

"Wow tito outfit ah" tinignan niya ako tsaka tumawa ng mahina, naka gold watch din siya para na siyang si tito Enrique kung manamit.

Isang oras at kalahati rin ang naging byahe namin dahil puro siya shortcut. Nang makarating kami dito sa university ay lunch time na pala kaya andami ng na sa hallway na mga estudyante. Bago kami bumaba ay nagsuot muna siya ng jacket tsaka shades at nag spray din ng pabango, napaka arte talaga e.

Pagbaba namin ay pumakat na kaagad sa kanya ang mga mata ng mga dalaga dito, nakita kong tinatanggal niya ang shades siya tsaka kinikindatan yung mga babae, gusto kong tusukin ang mata niya dahil doon, tama nga ang hinala ko, babae lang ang target niya dito kaya siya sumama.

"I really like the view here hm" sambit niya nakangiting aso.

"Syempre puro babae, gusto mo talaga" tumawa siya ulit dahil sa sinabi ko na iyon. Inakbayan niya pa ako para daw kumalma ako pero agad ko rin iyon tinanggal dahil nabubwisit lang ako lalo sa kanya.

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now