Chapter 6

1.6K 20 0
                                    

Katulad nga ng sinabi ni Joaquin, hindi ako lumalabas ng classroom hangga't hindi siya dumarating. Isang linggo na yata kaming ganito, hindi pa rin umuuwi sila mama, nag extend pa daw si tito ng one month doon, kaya hindi nalang ako kumibo. Gusto ko rin naman mag enjoy si mama doon kaya hindi ko na pinigilan. Kapag sinusundo ako ni joaquin dito ay yung mga mata ng babae niya sakin ay hindi maganda. Siguro kung hindi ko lang kasama si joaquin nun ay sinabunutan na ako ng mga iyon.

Kung alam lang nila, hindi ko aagawin sa kanila 'tong lalaki na ito saksak nila sa baga nila, walang araw na hindi kami nag away ng walang hiyang 'to.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakasalubong ko si Cassie, kaagad siyang bumeso sa akin. Nagpaalam na muna siya sa mga kasama niya tsaka kumapit sa braso ko.

"We have a party tomorrow, you need to be there because most of the students here will be there yani" sambit niya, dahan dahan lang kaming naglalakad ngayon dahil nga nagsasalita siya.

"Ha? Saan naman 'yan?"

"I'll send you the address later" ngiti niya sa akin, kaya tumango naman ako.

"Wala akong kasama, baka hindi ako makapunta tsaka hindi ako pinapa alis muna mag isa ni Joaquin" nagtaka naman siya dahil sa sinabi ko.

"What? Why? if you have a problem with the car, Cedrick and I will pick you up again"

"Salamat ha, kase ano...dahil doon sa naging away namin ni Andrea ba yon? Ang sabi niya magsusumbong daw iyon sa kuya niya" parang natahimik siya dahil sa sinabi ko, kaya tinignan ko siya. Para talaganv may mali sa mga nangyayari sa paligid ko.

"May problema ba?"

"Andrea's older brother is the leader of the gang, he has also killed once" parang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi ni cassie na iyon, mahina lang dahil madaming estudyante dito na naglalakad at nakakasalubong namin, hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya dahil doon.

"Joaquin is right, don't leave alone. maybe they will follow you, I know that is Joaquin's enemy too" sambit niya, napahinto ako dahil sa sinabi niya, tama ba yung narinig ko? Kaaway ni joaquin iyon?

"Kaaway? Bakit?" Tumingin siya sa paligid bago tumingin sa akin pabalik.

"Wag tayo dito, madaming tenga"

Nilapag na nitong barista yung order namin, nag thankyou rin ako. Tinanong ko na kaagad si Cassie tungkol doon sa sinasabi niya kanina, hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay may nakabaon na tinik sa akin at kailangan ko iyon tanggalin sa pamamagitan ng sagot ni Cassie.

"Joaquin also a gang leader, why didn't he tell you?" Umiling naman ako, kahit siraulo yon hindi siya nagbabanggit sa akin ng mga ganitong bagay, siguro masyadong personal.

"So maybe when Andrea's older brother finds out that you are Joaquin's step sister, he will hurt you yani"

"Kung kaaway niya yung kuya ng andrea, bakit nakikipag kita siya sa babae na iyon?"

"He gets information from andrea, it's just his secret. he's good at turning a woman's mind, even me i have a fling with joaquin before" pag amin niya tsaka kumain ng cake, nakatingin lang ako sa kanya ngayon

Parang hindi ko malunok at manguya itong pagkain ko dahil sa mga nalaman, ako ang maglalagay ng panganib sa buhay ni Joaquin?

"Tomorrow at the party I'm sure your stepbrother will be there, I've never been to a party without him. Party boy"

Tawa niya pa. May iilan pa kaming pinag usapan tsaka na napagdesisyunan na bumalik na sa university, hinatid niya pa ako sa classroom ko tsaka na nagpaalam sa akin

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now