Nagising ako sa walang tigil na pag-ring ng phone ko at pag sinuswerte ka nga naman, naiwan ko sya sa computer table kaya kailangan ko pa bumangon. Napapikit ako ng madiin at pilit inaaninag ang digital clock. Who the eff calls at 3 in the morning?
Halos gapangin ko na ang computer table para lang makuha ang phone ko. I tapped the answer button while lying down on the carpet.
"Liǎng gè xiǎoshí hòu qù wǒ de shūfáng" sabi ng nasa kabilang linya. Napamulat at napabalikwas ako ng bangon. Automatic na napa-google translate ang utak ko. "Go to my study in two hours"
"Shì de yéyé" naisagot ko na lamang bago ibinaba ng kausap ko ang tawag. Sa buong buhay ko, "yes grandpa" lang ang madalas kong nasasabi sa chinese.
Dali-dali akong naligo at kinuha ang business attire ko na halos amagin na sa taguan.
Habang nag-aayos ng sarili ay iniisip ko kung anong malalang pagkakamali ang nagawa ko para tawagin ako ni lolo ng sobrang aga.
Maya-maya pa ay nag-ring ang phone ko. Sinagot ko iyon at ni-loud speaker para maituloy ko ang pagbibihis.
"Did grandpa called you?" tanong ni Mon.
"Yeah. Any idea why?" tanong ko naman.
"None except for the death of Claudio Saavedra." mahinahong sabi ni Mon.
"Let's go together." suhestyon ko sa kanya.
"Kaya nga kita tinawagan kasi kanina pa ako dito sa baba." naiinis na sagot nya.
Hinablot ko lang ang necktie at phone ko bago bumaba. Naabutan ko si Mon na nakasandal sa sasakyan habang nagta-type sa phone nya.
"Let's go." yaya ko sa kanya. Sya na ang nag-drive habang inaayos ko naman ang sarili ko. Ah shit naiwan ko ang wallet ko, bahala na nga.
After 30 minutes, nakarating na kami sa villa. Walang makikitang tao sa paligid pero automatic na nagbukas ang gate at bumungad samin ang courtyard na ginawa na ding garden. Malyong-malayo sa atmosphere sa labas na may nagtataasang building. Puro puno, mga bonsai at pagoda ang makikita pagkapasok ng villa.
Lumabas na kami ng sasakyan at nagsimulang maglakad papunta sa office ni Lolo.
YOU ARE READING
Prelude of Happiness
General FictionA side story of Last Resort. This is Kit's story. Relax and enjoy.