Irelyn Pov
Pag kagising ko palang ay mukha na ng anak ko ang bumungad sa akin. Yes, I have a baby boy."Good mowning, Mommy!!!" Gavin said.
"Good morning, my baby love" pag bati ko naman sakanya.
"Mommy, i's sundett!! I wannn goo po kila mymyya" Masayang sabi niya saakin.
"Sure, punta tayo sa kanila ngayon, let's ready na para maaga tayo doon and you can play with them"
"Owpoww mommy" sagot niya.
Gavin Zade Gomez. He's three years old already. Nakakapag salita na siya at bulol pa. He's my life and my blood kaya kung mawawala siya saakin hindi ko kakayanin. Kahit siya lang, masaya na ako.
Agad ko siyang pinaliguan at pinakain dahil sobrang excited niya na makita ang mga magulang ko.
"Mommy, amm a hunnsam(handsome) na po?" Tanong niya saakin, agad ko naman kinurot ang pisnge niya dahil napaka cute ng anak ko. Hindi maipagkakaila na saakin siya nanggaling.
"Yes, my love, super pogi po" sagot ko naman sakanya at narinig ko siyang tumawa.
"Tawagan ko lang sila mymyla" agad kong tinawagan ang mga magulang ko.
"Hello, bakit napatawag ka?" tanong ni mommy.
"Gavin, wants to go there, free po ba kayo?" Taning ko naman.
"Oo naman. Ano ka ba! Apo namin yan, kung pwede nga saamin mo nalang ipaalaga yan lagi" sagot ni mommy.
"Okay po, we're coming. Bye, loveyou" agad kong pinatay ang phone dahil nagmamadali na si Gavin.
"Let's go, anak. Your dydylo and mymyla is waiting" agad na humawak sa kamay ko si Gavin.
*
Nang makarating kami sa bahay nila Mommy ay agad na tumakbo papasok si Gavin. Sobrang miss niya talaga ang lolo at lola niya.
"Gavin, careful, anak" agad ko siyang hinabol papasok dahil mamaya ay madapa siya.
"Mymyyaa!!! Dydyyoo!!!" narinig kong sigaw niya. Nakita ko naman siyang kinarga agad ni Daddy at kiniliti.
"Ang apo namin na napaka gwapo" napangiti ako ng marinig ko yon.
"Mommy, Daddy" binati ko sila at hinalikan sa pisngi.
"Ang agang bisita naman ng ginawa niyo rito" nakangiting sabi ni mommy.
"Gavin, wants to see both of you. Pagka gising ko palang ay gusto niya agad pumunta rito." Paliwanag ko. Tumango naman sila at inaya akong kumain.
Nang makarating kami sa hapag kainan ay sinusubuan na nila si Gavin. Psh! Spoiled nanaman ang bata.
"Mommy, Daddy, don't spoil him. Ayokong maspoiled siya." Sabi ko kila mommy.
"Anak, nag iisang apo namin ito. Gusto namin maalagaan namin siya ngayon lalo na at minsan lang kayo maka pasyal dito." Sagot naman ni daddy.
"Eh, bakit kasi hindi mo nalang muna iwan saamin ito kapag may trabaho ka?" Tanong saakin ni Mommy.
"May na hire na po akong yaya niya." Sagot ko.
"Bhe, mas maayos kung saamin mo ipapabantay si Gavin lalo na at hindi natin sure kung mabait o masama ba ang yaya niya na nakuha mo" sabi naman ni mommy. May point naman siya.
"Okay po, ipapacancel ko nalang po" ngumiti naman sila kay Gavin.
*
Matapos namin kumain ay nasa living room na kami. Nilalaro ni Daddy si Gavin. Kausap ko naman si Mommy.
"Kamusta?" Tanong sa akin ni Mommy.
"I'm fine po. Lalo na at lagi kong nakikita si Gavin." Nakangiti kong sagot.
"Sobrang gwapong bata" napangiti nanaman ako ng marinig yun. People always say that.
*
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Niv!" Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko ng marinig ko ang sigaw ni Perrie sa kabilang linya.
"What the! Perrie, hinay hinay lang. Masakit sa tenga" agad kong sabi sakanya.
"Kambal! Nakita ko si Gadiel dito sa airport!" Huh?
"Ano naman gagawin ko aber? Perrie, we broke up 4 years ago. Tapos na ang meron sa amin ngayon." Paliwanag ko sakanya.
"Paano si Gavin?" Kinabahan agad ako ng marinig ko ang pangalan ni Gavin.
"Perrie, stop. He's mine, he will always be." Sagot ko sa kabilang linya. Narinig ko naman na bumuntong hininga siya.
"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko.
"Nothing, naibalita ko lang sayo na nasa airport yung isa. Nakita niya rin ako at nagbatian kami."
"That's good. Please, don't tell anyone about Gavin."
"Don't worry. I will zipper my mouth" sagot niya at binaba ko na ang tawag.
"Sino yon?" Tanong ni mommy.
"Si Perrie po, binalita niya lang na nakita niya si Gade" sagot ko.
"Ah, ganun ba. Tignan mo anak mo. Tulog na" napatingin naman ako kay Gavin at nakita kong mahimbing na ang tulog niya. Napangiti ako.
"My greatest blessing." Naisambit ko nalang.
Binuhat siya ni Daddy at agad na umakyat sa kwarto nila para ibaba si Gavin.
~~~~~~
dia_mond_ss
YOU ARE READING
CHANCES, SAVE US
RomanceIrelyn Nivya Gomez is a successful business woman. An independent and happy woman. Muli niyang makakatagpo ang kanyang ex-boyfriend na si Gadiel Romero na isang successful na pilot narin. After how many years ay nagkita muli silang dalawa. Parehas n...