Kinabukasan na kila mommy kami kasama ang mga pinsan ko isang linggo na akong hindi pumapasok sa opisina at nagbilin nalang ako kay Riva na siya na muna ang bahala doon at kung may problema man ay tawagan lang niya ako anytime. Gusto ko lang talagang tutukan ang anak ko dahil parang nagkatrauma ako sa pagkawala niya nong nakaraan na para akong mamatay.
Ito na rin yung ginawa kong way para maplano ang nalalapit niyang kaarawan mag four years old na pala ang anak ko. Pinapanood namin siya nila mommy, daddy, at ate Alinna na nakikipaglaro sa mga tito nya.
Biglang nagsalita si mommy "Niv, wala ka parin bang plano kung kailan mo sasabihin kay Gadiel at sa pamilyang Romero ang tungkol kay Gavin? Baka yung pagkawala ng apo ko nong nakaraan ay sign na para sabihin mo sa kanila ang totoo? Ako ang nag aalala habang pinapatagal mo ay mas lalong nagiging komplikado ang lahat" sabi ni mommy sa akin.
"Daddy, Mommy, sa totoo lang plano ko nang sabihin kay Gadiel ang tungkol kay Gavin pero hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya ng hindi niya ako kakasuklaman dahil nga tinago ko ang anak namin" natatakot ako.
Biglang tumayo si ate Alinna at hinawakan ang balikat ko "Irelyn, nandito lang kami ano man ang kahihinatnan ng pagtatapat mo kay Gadiel ang mahalaga masabi mo na sa kanya bago dumating ang kaarawan ni Gavin" sabi nito sa akin at nakatitig sa mga mata ko.
"Kahit yun nalang ang pinakamagandang regalo mo sa pamangkin ko sa nalalapit niyang kaarawan. Alam ko matutuwa yung bata pag nalaman niyang may daddy rin pala siya at nandoon sa araw ng birthday niya, iba parin kasi ang pakiramdam na may natatawag din siyang daddy lalo at nagkakaisip na yang anak mo" dagdag niya.
"Paano yong pagpapakasal nya baka makagulo kami ng anak ko"
Nagsalita rin si mommy "Bakit mo ba iniisip yon na makakagulo kayo sa kasal niya?"
"Niv, anak, hindi ikaw ang maghahandle nun kundi si Gadiel ipapaalam mo lang naman ang tungkol kay Gavin, Problema na nya yon kung papaano niya ipapaliwanag sa fiance nya. Ang mahalaga masabi mo sa kanya na may anak kayo" sabi ni mommy sa akin.
"Siya ang nang iwan at hindi ikaw tandaan mo yan, wala ka namang hahabulin sa kanya maliban lang sa gusto mong ipakilala ang anak mo sa kanya at sa pamilya nya. Pero hindi nya pwedeng angkinin ito unang una sa edad ni Gavin sa korte palang ikaw na ang mananalo pero sana huwag na kayong umabot pa sa ganun dahil kawawa rin ang anak niyo dahil maapektuhan lang ang isip ng apo ko. Paghandaan mo lang na mababawasan na ang oras ng anak mo sayo dahil ipaglalaban ni Gadiel ang karapatan nya sa anak nya hihingi yan ng oras para makasama nya ang bata dapat hindi mo ipagdadamot ito" umiling ako bigla parang naduwag ulit akong ipagtapat kay Gadiel si Gavin, parang hindi ko kakayanin na mabawasan ang oras namin nang anak ko.
Nasanay akong kaming mag ina ang laging magkasama madamot na ako kung madamot pero si Gavin nalang ang nagbibigay kasiyahan sa akin maliban sa pamilya ko pero iba ang sayang naibibigay ng anak ko sa kin. Parang malalagutan ako ng hininga kapag mawalay ng matagal sakin ang anak ko paano kung hiramin nila at hindi isauli. Binura ko bigla sa isipan ko yong naisip ko.
Tiningnan ko sila "Bigyan niyo pa ako ng konting panahon para pag isipan ko paano sasabihin kay Gadiel" sabi ko sa kanila at tumango naman silang lahat sa akin.
Nilapitan ko ang mga pinsan ko habang nilalaro nila si Gavin.
"Hi, my baby love" bati ko kay Gavin.
"Mommyyy!!!" sigaw nito at niyakap ako.
"Nandyan na yung mommy, wala na aayawan na kami ng pamangkin namin" natawa naman ako sa sinabi ni kuya Jairus.
"Oiii! Sorry, nandito ang favorite tita niya" sabat naman ni ate Alinna. Sumunod pala ito sa akin.

YOU ARE READING
CHANCES, SAVE US
RomanceIrelyn Nivya Gomez is a successful business woman. An independent and happy woman. Muli niyang makakatagpo ang kanyang ex-boyfriend na si Gadiel Romero na isang successful na pilot narin. After how many years ay nagkita muli silang dalawa. Parehas n...