CHAPTER 18

33 2 0
                                        

WARNING... R18+

11 years ago....

"Niv, sino ba yang ka video call mo hindi ba kayo nagsasawa at araw araw nalang kayong nag uusap?" Hindi ko sinagot si mommy, yan ang routine namin ni Gadiel mula nung nagtapat siya sa akin na gusto niya ako walang araw na hindi ko siya kausap. Hanggang sa sinadya na niyang magpakita sa parents ko nagpakilala siya bilang kaibigan ko pero hindi naniwala ang daddy.

"Naku Nivya, huwag ako. Ang ganyang lalaki may gusto yan sayo hindi yan mag aaksaya ng oras na puntahan ka dito sa bahay ng kaibigan lang" todo deny pa ako noon kasi nga masyado pa kaming bata at alam kong baka gumana naman ang pagiging imbestigadora ng nanay ko. Hanggang sa naging mag MU kami ng 14 months sa loob ng mahigit isang taon na yun marami na kaming napagdaanan ni Gadiel.

Every Sunday nagsisimba kami kasama ang parents ko kung mamasyal kami sinasama ko siya kasi gusto ko din talaga siyang kasama palagi. Ganun din naman siya pinakilala narin niya ako sa buong Family niya kapag (special occasions) sila automatic invited na ako, minsan ako na ang hindi sumasama dahil nahihiya na din ako. Masaya ako sa kung anumang meron kami ni Gadiel pero hindi ko namamalayan na nasasaktan ko na siya not intentionally siguro na overwhelm ako sa feelings na nararamdaman ko sa kanya nagpaka kampante ako na mahal din niya ako na hindi niya ako susukuan anuman ang problemang meron kami.

Inaamin ko nong time na magka MU palang kami napakalaki ng pagkukulang ko kay Gadiel noon. Hindi ko naibigay yung assurance na kailangan niya sa relasyon namin nagkulang ako sa pagpapahalaga pero sa totoo lang naman para sa akin hindi ako nagkulang sa pagpapakita na mahal ko rin siya. Binigay ko rin ang best ko maiparamdam lang sa kanya na mahal ko siya pero siguro hindi yon sapat sa kanya. Sa madaling salita hindi namin nahandle ng maayos ang meron kami.

Unang break up namin tumatak sa isipan ko yon. "Niv, sorry kung hindi na matutupad ang pangako ko sayong hindi kita susukuan kasi ngayon palang sumusuko na ako" Ang sakit sobrang sakit to the point na nagkaroon ako ng anxiety iniyakan ko siya ng ilang gabi. Halos isang buwan na hiwalay kami masakit na nakikita ko siya araw-araw sa school na hindi niya ako pinapansin nasanay ako nakasama ko siya pag pasok ganon din sa uwian lagi kami sa SM para kumain muna bago umuwi nasanay ako sa ganun kami then biglang boom! wala na nagbago ang lahat dahil lang sa napagod siya sa ugali ko.

Humingi ako ng second chance noon nakiusap ako ng ilang beses balikan lang niya ako sinabi kong magbabago ako pero hindi niya ako pinakinggan. Hanggang sa tumigil narin ako sa paghabol kasi sabi niya hindi na niya ako mahal.

Kung kailan naman handa na akong magmove on doon naman siya nagparamdam, dahil mahal ko siya tinanggap ko agad at nagbigay ng label. Sa madaling salita naging official kami.

Masaya ang mga nakalipas na buwan namin pero napansin ko na hindi na ako ang priority niya. Malaki din ang pinagbago niya pilit kong binabago ang sarili ko pero siya naman ang nag iba sa akin wala na yong Gadiel na sweet, maalalahanin, laging updated, at yung Gadiel na gusto lagi akong kasama wala na yon. Nasasaktan ako everytime na nararamdaman kong mas masaya pa siya sa mga kaibigan niya kaysa sa akin. Sa kabila ng lahat ng iyon tiniis ko dahil mahal ko siya at isa pa ako ang dahilan kung bakit siya nagbago baka dahil sa maling pagtrato ko sa kanya dati.

Hanggang sa kinausap ko na.

"Niv, heto na ako nagbago na ako hindi na ako kagaya nang dati" Para akong nanghina nang narinig ko yon nasaktan ako sobra pero hindi ko pinahalata sa kanya. Iba narin siya mag chat kung dati makulit siya ngayon wala ng effort like cold ang mga chats niya ganun. Kinausap ko siya about sa pagtrato niya sa akin, tahimik lang siya hindi nagsasalita ganun naman yon kapag kinakausap then sabi niya babawi siya sa akin pero still nothing has changed. Ganun parin siya cold boyfriend pero umasa parin ako na babalik ang dating Gadiel na minamahal ako.

CHANCES, SAVE USWhere stories live. Discover now