CHAPTER THREE : Uhh Pwedeng bang...

4 1 0
                                    

APE's POV

So ayun pagkatapos namin kumain naglakad lakad lang kami saglit para bumaba yung kinain namin. Tinour ko sya saglit sa building nila. Itinuro ko din yung building namin.

Magkaiba kasi kami ng building sila sa mismong main building kasi dun yung CAS para dun sa mga katulad ng course nyang Psych, sa kabilang side naman yung CBET para naman sa mga course na may kinalaman sa Business at sa isa pang side is yung CED para sa Education. samantalang yung samin naman which is CEIT para sa mga tulad kong Engineering dun kami sa malapit sa main gate. Bukod talaga yung building namin kasi masyadong marami yung papulasyon namin compared sa kanila.

Pagkatapos ko sya itour saglit ay nakatanggap ako ng text galing sa tropa ko.

1 MESSAGE RECEIVED

Fr: Jackson
09*********

Pre. San kna? 10 mins strt na kami. Blik kna dto.

- END OF MESSAGE

Pinapabalik na ako para daw mauna ako sa pila. In 10 mins daw kasi mag oopen na ulit sila. Nagreply naman agad ako

To: Jackson
09*********

Ge pre. W8 lng. Otw na. Ty.

SENT ✔

Pagkasend ko ng reply ko binalingan ko agad si Giddy diko kasi maalala yung name nya Giddy nalang tutal ang giddy nya sa pagkain kanina. Hahaha parang hindi babae eh. Ibang klase.

"Hey Giddy. Tara na balik na tayo sa pila. Nagtext na sakin yung kaibigan ko 10 mins magoopen na ulit yung pila. Tara." Yaya ko naman kay Giddy.

"Hey what?! Bakit Giddy ang tawag mo sakin? Naman. Nagpakilala naman na ako ah! Kinalimutan mo siguro yung name ko."

Sagot nya sabay nag pout pa. Anak ng ! Parang bata eh. Psychiatrist in the making ba talaga to? Hahahah parang sya yung pasyente eh.

"Hindi ah. Alam ko pangalan mo. Gusto ko lang yan ang itawag sayo para unique diba? So pag may tumawag sayo nyan alam mo na agad na ako yun. "

Palusot ko nalang. Muka namang naniwala sya kasi hindi na sya nagtanong. Muka naman syang nagiisip ng malalim ngayon.

"Anong iniisip mo? Baka pinagbabalakan mo na ako ng masama nyan ha. Hahahahaah"

Biro ko na nagpasimangot sakanya. Hahah ang kulit ng ekspresyon nya napaka transparent alam mo agad ano nararamdaman nya hahahah 😂

Sa halip na sagutin ako ay nagpaalam sya na magsi cr lang muna sya at pahintay nalang sya sa labas. Nung una sabi ko ako nalang magdadala ng bag nya sa upuan namin tapos dun ko nalang sya aantayin o kaya naman ay mauuna na ako doon para makapagsave ng upuan. Pero sabi nya antayin ko sya dahil mabilis lang naman sya. Masyadong mapilit e. Hayaan na pagbigyan na nga ang bata hahaha 😂

Nagtype nalang muna ako ng text sa tropa ko habang inaantay ko si Giddy.

To: Jackson
09*********
Pre. Start nba? Cr lng kmi sglt. Otw na.

SENT✔

Habang inaantay ko yung reply ni Jackson Nag Cr nalang din ako saglit lang naman ako eh. Tsaka wala padin naman si Giddy. Bibilisan ko nalang.

Pagkatapos ko magbanyo lumabas na agad ako. Syempre mahirap na baka hanapin ako ni Giddy.

Ilang saglit pa tumunog yung cp ko nagtext na siguro si Jackson, chineck ko agad yung text.

His Hidden PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon