CHAPTER TWO : I'm quite amazed of her

4 1 1
                                    

APE's POV

Pagdating namin sa cafeteria humanap agad kami ng upuan tapos nilagay namin yung mga bag namin at pumili na ng makakain.

Habang nakapila kami at pumipili ako ng makakain, napansin kong andami nyang tinuturo sa nagtitinda. What the?! Wag nya sabihing ililibre nya ako dahil sa sobrang tuwa nya. Naku nakakahiya ako tong lalaki eh. Ako dapat manlibre sa kanya.

Pipigilan ko na sana sya sa pagtuturo ng lumingon sya sa akin ng may malaking ngiti. Familiar yung ngiti nya. Hindi ko lang maalala saan ko nakita eh. Hindi naman siguro parang ngayon ko lang din sya nakilala eh. Di bale na nga ang importante maawat ko sya sa binabalak nya.

"Hey!" Tawag ko sa kanya. Paano ba naman pagkatapos nya magtuturo ng mga pagkain na andami talaga, at ngumiti sakin ng parang ewan bigla ba naman sya tumahimik na parang nahiya sa dami ng inorder nya.

Pag angat nya ng tingin sakin nagtama ang mga mata naming dalawa ngayon ko lang napansin na hindi pala kulay itim o brown na syang common sa karamihan ang mga mata nya. Kundi ito ay kulay abuhin na green. Saglit akong natigilan at bigla kong naalala yung mga matang katulad na katulad ng mga matang nakikita ko ngayon. Posible kayang ? Ah hindi. Baka magkaparehas lang sila ng lahi.
O nagkataon lang siguro. Isa pa, dapat hindi ko iniisip yan ngayon dahil -

Naputol ako sa pagiisip ng tapikin nya ako sa balikat sabay nguso What the f*ck?! Sinasabi ko na nga ba! Tsk.

Bago pa ako tuluyang makapag salita nauna na sya sa table namin sabay sigaw

"Hey, pakuha naman nung iba pang order ko thanks." 

With matching ngiting malapad. Tapos inginuso nanaman nya yung sa gilid ko. Dun ko lang napagtanto na kaya pala sya ngumuso kanina ay para ituro yung mga inorder nyang iba pa. So meaning nakapagbayad na sya? Wtf. Sa sobrang paglipad ng utak ko kung saan hindi ko na sya napigilang bayaran lahat ng inorder nya. Tsk. Di bale babayaran ko nalang sakanya yung kakainin ko.

Kinuha ko na nga yung mga inorder nyang naiwan at naglakad papunta sa table namin. Pagdating ko sa table agad akong nagsalita. Mahirap na baka maunahan nanaman nya ako magsalita. Madaldal pa naman ang isang to.

"Uh andami naman nito. Hindi ka na sana nag abala pa. Ayus lang naman sakin na tulungan ka." Sabi ko na may pagkamot pa sa batok. Nakakahiya kasi eh. Ako pa nilibre nya.

Pero imbes na makatanggap ako ng matinong sagot eh hagalpak ng tawa ang natanggap ko galing sakanya. Na ipinagtaka ko naman. Bakit sya natawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Naman oh.

"AHAHAHAHAHHAHAAHAHHAHAHAHAHAHHAAHA Shet ang sakit sa tyan! Haha imba kadin eh no? Komedyante ka pala. Di mo naman ako ininform agad. AHAHAHA"

Sabi nya ng natatawa tawa padin habang hawak ang tyan nyang sumasakit na daw sa katatawa. Jusko! Anu ba naman tong babaeng to may sayad ata to eh.

"Uhh. Anung nakakatawa sa sinabi ko?" 

Sabi ko naman ng may nakakairitang ekspresyon ng muka. Nakakabanas yung tawa nya eh. Nakakalalaki eh.

Tumigil naman sya sa kakatawa tapos uminom muna sa pepsi nya bago nagsalita ulit.

"Sasagutin ko yang tanong mo, kaso baka matawa kadin katulad ko. I am giving you the heads up already hahaha" sabi nya tapos nagpause saglit kasi sumubo sya ng ulam at kanin.

Hanep tong babaeng to nagsasalita ng puno yung bibig. Walang kapoise poise.

Hinintay ko nalang syang malunok yung nginunguya nya. Kesa naman daldalin ko sya mabilaukan pa sya kasalanan ko pa. Tsk. Napansin nya sigurong nanahimik ako. Hudyat na yan na medyo naasar na ako. Gutom na kasi ako eh.

"Well, let me start with this I'm Gebriyell Aphrodite. You can call me Gab, Gabby, or what ever you like.  And you are?" Pagpapakilala nya.

Shoot! Oo nga pala hindi pa pala namin alam pangalan ng isa't isa. Dyahe naman.

"Call me Ace." Matipid kong sagot sa pagpapakilala nya.

"Ang ikli naman ng name mo. Anyways, sorry pala kanina natawa lang talaga ako. You can leave me now. Para makapag order kana din ng sayo. Salamat pala sa pagdala nung ibang order ko."

Sabi nya na nagpataas ng kilay ko. Don't get me wrong hindi ako bakla okay? Nakakagulat lang talaga yung sinabi nya.

"Huh?"

Sa sobrang gulat ko di ko maprocess yung sinabi nya agad kaya yan ang reaksyon ko from

  ( ̄﹏ ̄) to this (⊙o⊙)?

nung nagets ko na ang nangyayari.

"What the?!" Favorite expression ko yan.

Sya naman parang nagulat sa reaksyon ko at nagtatakang napatingin sa akin. Nakaawang pa yung bibig habang naiwan sa ere yung kutsarang isusubo na nya sana. 

"Bakit Ace?" Tanong nya ng may pinaghalong pagtataka at pagkalito.

"May problema ba? Wala kabang pambili ng pagkain? May extra pa ako dito. Gusto mo pahira-"

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita at nagpaalam na akong oorder na ako.

Pagkakuha ko ng order ko, nilantakan ko na agad. Hanep naman pala. Akala ko inilibre nya ako yun pala - sa gitna ng pagkain ko bigla nya ako inabutan ng sandwich na ngayon ay kinakain nadin nya yung kanya. Hanep tapos na sya sa tatlong combo meals sandwich naman ngayon.

"Sakin na ba to? Baka kasi kulang pa sayo yung kinakain mo. Hahaha" sabi ko ng may pailing iling pa grabe hindi ko alam na matakaw pala sya. I'm quite amazed of her. She has a real big apetite for a lady like her. I wonder buti hindi sya katulad ng mga babaeng takot na tumaba at hindi rin sya masyadong figure concious.  Astig!








To be continue...
****************************************************************************************************************
So ayan. Si ateng Gabby napa amazed nya si kuyang masungit na Ace. Hmm .. Anu kayang mangyayari sa susunod?

Keep on reading. Enjoy ! 😉

His Hidden PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon