CHAPTER ONE : The Meet Up

8 1 0
                                    

APE's POV

I am Ace Perzeus Eudera. 18, kasalukuyang nagaaral sa RTU, 4 th year sa kursong Civil Engineering.

Tahimik lang akong tao, hindi masyadong palahalubilo kung kani-kanino. Pero hindi naman ako snob na tao. Friendly rin naman ako kaso pili lang ang sinasamahan ko.

Kasalukuyan akong nageenroll para sa 2nd semester ko. Medyo late na nga ako nakapag enroll dahil tinamad pa ako. Ayus lang yan, saglit lang naman to kasi may tropa ako sa registry.

Habang nakapila ako, naglaro na muna ako ng mobile legends sa cp ko. Medyo mahaba haba rin ang pila. Sa palagay ko ay mamaya cut off na para sa lunch break. Siguro sa cafeteria nalang ako kakain para mabilis makabalik sa pila. At kung suswertehin ay baka matyambahan na ako palang ang tao at mauna ako.

Habang naglalaro ako sa cp ko, biglang may kumulbit sa akin sa kaliwa. Syempre ako bilang nasa kalagitnaan ng bakbakan hindi ko nalang pinansin baka kasi madeds pa ko bigla. Sayang ang pag MVP. Hahaha 😂

Maya maya pa, wala nang kumukulbit sa akin at saktong natapos na ang laro at ayus MVP nga ako. Hahahah ang galing ko talaga. Naisipan kong tumigil muna sa paglalaro at magpalinga linga ng mapansin kong may babaeng nakatayo sa bandang kaliwa ko na may bakanteng upuan. Bakit kaya hindi sya umupo eh bakante naman yung upuan ? Babalik na sana ako sa paglalaro ng biglang kinawayan nya ako sa muka as in malapitan sa muka! What the?! yung para bang sinasabing kanina nya pa ako kinakausap so tinanggal ko muna yung earphones ko at hinarap sya ng may iritableng muka.

"ANO BANG KAILANGAN MO MISS? KITA MONG NAGLALARO YUNG TAO EH ISTORBO KA ALAMOYUN?!" pero syempre joke lang yan nice guy ako dito e. Kaya hindi ko yan sinabi.

"Ah miss may kailangan kaba?" Ako habang inaayos yung earphones ko na tinanggal ko para makausap sya ng maayos.

"Sa wakas!" Sabi nya na para bang ang tagal tagal nyang inantay ang pagkakataon na makausap ako hahaha nakakatawa tong babaeng to.

"Uhh excuse me?" Ako para matapos na yung usapan. Hindi sa bastos ako at ayaw ko syang makausap ha. Talagang wala lang ako sa mood makipagkwentuhan ngayon.

" Yeah. Kanina pa kasi kita kinukulbit. Kaso hindi ka manlang matinag sa paglalaro." Sagot nya na parang naiirita na nahiya bigla.

"Uhh. Yeah kasi nasa rank game ako kanina. Sorry ikaw pala yung kumukulbit. So anu bang kailangan mo miss?" Sagot ko with matching sandal sa upuan.

"Uhh. You see kasi medyo nangangalay na yung binti ko. And wala namang ibang bakanteng upuan at wala rin ako kakilala rito kasi bago lang ako so gusto ko sana itanong kung may nakaupo ba rito?" Sabay turo sa upuang katabi ko na pinagpapatungan ko ng bag ko.

"Uhh kasi mi-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi inunahan nya ako. Magsalita. Hindi naman sya nagmamadaling makaupo ano? Hahaha

"Sige na mister, upong upo na kasi ako. Nagkandaligaw ligaw kasi ako papunta rito tapos nahirapan pa ako hanapin yung pilahan para dito. Bagong lipat lang kasi kami dito so ayun." Tuloy tuloy nyang sabi habang hinihimas yung paanan nya.

By the looks of it. Muka ngang pagod sya. Haggard na eh. So tahimik ko nalang na inalis yung bag ko dun sa upuan at hinayaan syang makaupo.

Umupo naman agad sya sabay sabing "Salamat. Anung course mo?" Habang may hinahalungkat sa bag nya.

Uhh. Kakausapin ko ba to? Mukang wala talaga syang alam masyado rito eh. Bahala na nga. Wala rin naman ako magawa.

"Welcome. Civil Engineering 4th year. Ikaw?" Tanong kodin sakanya habang inaayos yung gamit ko.

"Psych. 3rd year. Transferee ako dito." Sagot nya habang nagsusuklay ng buhok nyang gulo gulo na. Kakatakbo nya siguro kanina para maabutan yung pila.

Sasagot na sana ako ng lumabas yung tropa ko at sinabihan akong cut off na daw. Lunch break muna.

Tinanguhan ko lang sya at umalis na ng maalala ko si ateng katabi ko kanina baka nagugutom narin sya. Kaya nilingon ko sya at nakita kong nakaupo parin sya sa upuan. Kaya binalikan ko na at ng makakain na rin kanina pa ako nagugutom eh.

"Ah miss, baka nagugutom ka na din tara sabay kana sakin sa caf lang ako kakain para makabalik rin agad sa pila." Yaya ko sakanya na kasalukuyang nakatunganga sa akin na tinitignan ako na parang 'Are-You-Kidding-Me-Look'?

Kaya bago pa sya magisip ng kung ano ano nagsalita na agad ako "Sabi ng kaibigan ko kanina, cut off na daw muna para sa lunch break. Wag ka magalala bilisan nalang natin ang pagkain para makabalik agad sa pila. Malapit lang naman dito yung caf at sa loob lang rin ng building na ito. Para narin sa susunod hindi ka maligaw. Ituturo ko rin sayo yung cr kung sakaling kailanganin mo mamaya."

Siguro naman nasagot ko na lahat ng pwepweding tanong nya.

Nagisip pa sya saglit bago ngumiti at tumayo na sa upuan. Sukbit sa bag nya at sabay lakad pasabay sa akin.

Habang naglalakad kami kung ano anong kinukwento nya sakin na kanina pa raw talaga sya nagugutom talaga kaso nagmamadali lang talaga sya makahabol sa pila at buti nalang daw mabait yung napagtanungan nya at nakilala nya daw ako. Blah blah blah.

Tahimik nalang akong nakinig sakanya kasi nagugutom na ako at iniisip ko kung anong masarap ulamin mamaya sa cafeteria. So habang naglalakad kami itinuturo ko nadin sakanya yung mga lugar na dapat syang maging familiar para kung hindi kami magkita ulit hindi na sya maliligaw.

To be continue...
****************************************************************************************************************

A/N: thats it for Chap 1. Hope nagustuhan nyo!

Keep reading and Enjoy!

His Hidden PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon