chapter 44: Battle of the Bands

717 18 3
                                    

Chapter 44: Battle of the Band

Cynthia's POV

Ang bilis ng tibok ng puso ko feeling ko lalabas na ito sa dibdib ko, Tumingin ako sa mga taong nandito wala man lang kakaba kabang makikita sa kanilang mukha na bubukod tanging ako lang ang makikitaan ng kaba

Hinanap ko si jeca sa paligid hindi ko pa kasi siya nakikita, nag sisimula na kasi yung contest pero wala parin siya, Ano na kaya nangyari dun baka naman nag back- out na siya, pero malabong mangyari yun hindi basta basta mag papatalo ang isang Jeca Kanno

(Boggssh)

Lahat kami na patingin doon sa pintuan, galit ang mukhang pumasok si Jeca sa loob ng mapatingin ito sa'kin biglang nag iba ang pinta ng itsura nito, Unting unti siyang lumalapit sa'kin na papaatras naman ako

Nang maramdaman ko nakadikit na ako sa dingding ay napapikit na lang ako, Diyos ko wag muna sana akong saktan ni jeca pwede bang mamaya na lang pagkatapos ng contest, Naka pikit lang ako ng ilang minuto ng mapansin kong wala pang nangyayari sa'king kakaiba dumilat ako at nakita ko siya sa harap ko.

Naka cross arms pa siya at naka ngisi, Bigla namang nag taasan ang mga balahibo ko sa katawan. Ngayon ko lang na pansin parang may kakaiba sa kaniya!

"Huwag mo namang ipahalata na takot na takot ka sa'kin" sabi nito, pinag papawisan na ko ng malamig dahil sa takot. Bakit nga ba ako natatakot sa kaniya! Wala naman akong dapat ikatakot pero kasi yung aura niya, yung itsura niya kakaiba parang sinapian siya ng kung ano

"Alam mo bang kating kati na kong makita kang nasasaktan"  baliw na siya!, ano ba ang pumapasok sa utak niya

"Kung kating kati kana ba-Bakit di mo ga-gawin" na uutal na sabi ko, ngumiti naman siya sa tugon ko

"parehas na parehas kayo ni jenny, mga nag tatapang tapangan, Alam mo bang ganyang ganyan din ang sinabi niya sakin haha. Bakit ba kasi ayaw niyong aminin na takot na takot kayo sakin"

Tumawa siya ng pagkalakas lakas at para bang hindi na siya makakatawa bukas, Nag simula ng magbulungan ang mga kasama naming contestant dito sa dressing room. Nagulat sila sa pinapakitang ugali ni jeca hindi siguro nila akalain na makakapag salita si jeca ng mga ganung bagay.

"Hindi ako nag tatapang tapangan no! At hindi ako natatakot sayo jeca, sawang sawa na ko sa pang-aaping ginagawa mo sa'kin" galit na tugon ko dito

"Kung ikaw sawang sawa na pwes ako hindi!, Hinding hindi ako magsasawang pahirapan ang katulad mong tanga haha, Oo nga pala pathetic girl yung isa pa nating karibal balita ko darating siya mamaya kakanta pa nga daw siya eh, Dapat pipigilan ko siya kaya lang naawa ako, so hinayaan ko na lang (smirk)"

Karibal? Yung ex ni aden nandito?? Makikita ko  na ang kinabaliwan ng taong mahal ko NOON! Tama Noon nakaraan na lang siya at hindi na siya mahal ni aden, ako na ang mahal niya

"pppfft.... hahahaha wow cynthia I didn't know that you can act pala, Dapat sumali ka sa drama club kahit hindi kana mag audition pasok kana haha.... diba guys she's really good in acting right?"

Anong pinagsa sasabi ng bruhang ito? pinalalabas niya ba na umaacting lang kami, na pawang palabas lang lahat ang mga sinabi niya

"Ano kaba naman ms. jeca mas magaling kang umacting sa kaniya nuh"

"Oo nga naman, Na paniwala mo nga kami na sobrang maldita mo eh"

"Pero malabong mangyaring maging maldita si ms. Jeca kasi sa tagal ba naman natin siyang nakakasama wala pa naman tayong na babalitaan na may ginawa siyang ikakasakit ng iba diba?"

"Yeah she's right, kung may masamang ugali man rito walang iba kundi yang. Gold digger na yan!" sabay turo saakin ng babaing lead singer ng isang course, Nag si sang-ayunan naman lahat ng tao sa loob

I'm falling in love with my CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon