Chapter 33: Paano na ako?

807 25 3
                                    

Chapter 33: Paano na ako?

GANITO TALAGA SIGURO ANG NAG MAMAHAL NUH! KAHIT ALAM MONG NASASAKTAN KANA HINDI MO PARIN SIYA MAGAWANG IWAN

-Cynthia

Cynthia's POV

"Ano pa gusto mo cynthia?

nandito kami ngayon sa karinderya ni aling Mirasol sikat na kainan malapit sa Black University, Maraming tao ang kumakain dito bukod kasi sa masarap ang pag kain ay mura lang ito. Habang naka sakay kami sa Taxi kanina tinanong niya ko kung saan ko gusto kumain ang sabi ko kay aling mirasol na lang ayoko naman kumain sa mamahaling restaurant nuh!.. sapat na sakin ang lutong karinderya

Ang sabi ko nga dati sa sarili ko dadalhin ko dito yung lalaking mahal ko, gusto ko dito mangyari ang first date namin, alam kong masyadong cheap sa ganitong lugar pero hindi naman kailangan mag date kayo sa mamahaling restaurant diba? basta magkasama, masaya kayong kumakain at nag mamahalan kayo sapat na yun . Iniisip ko tuloy kung papayag kaya si aden na sumama sakin dito.

"Hey! cynthia I'm talking to you?"

nakatingin lang ako sa kawalan, wala akong pakialam kung kinakausap ako ni nerd ang gusto ko lang ngayon ay mapunta sa lugar kung saan tahimik at makakapag isip ako ng maayos, sa ngayon kasi walang ibang pumapasok sa utak ko kundi yung nangyari sa condo ni Aden

Dapat hindi ako ganito kalungkot, wala namang akong karapatan mag reklamo at magalit kay aden dahil wala naman siyang kasalanan hindi naman niya gustong halikan si jeca! yung babae lang na yun ang humalik sa honey bunch ko dapat sa babae na yun binabalatan ng buhay! Alam ko marami ang naiinis sa'kin mga taong gusto akong iumpog sa pader para matauhan ako sa mga nangyayari sa'kin pero ano gagawin ko sadyang mahal ko talaga si aden at kahit na ano pa man ang makita ko at kahit saktan niya ako ay hindi ko parin siya kayang layuan , GANITO TALAGA SIGURO ANG NAG MAMAHAL NUH! KAHIT ALAM MONG NASASAKTAN KANA HINDI MO PARIN SIYA MAGAWANG IWAN, tanga na ako kung tanga Martir na kung martir eh sa Pinanghahawakan ko ang salitang MAHAL ko siya..

inaasahan ko na hindi maaring maging sakin si aden, na kahit kailan ay hanggang LIKE lang talaga niya ako at iba ang MAHAL niya. Sino naman ba kasi ako para mahalin ng katulad niya? niwala nga ako sa kalingkingan niya at ng mga nag daan niyang Girlfriend

Natawag ng pansin ko ang pag sigaw ni mr. nerd sa pangalan ko

"Ayaw mo ba ng mga inorder kong pagkain?" Mr. nerd

"No... actually ito lahat ang binabalik balikan ko dito" malungkot na sabi ko.

"Si aden ba? siya ba ang dahilan ng pagiging malungkot mo?!" malungkot at may galit na tugon niya sakin

"O-oo akala ko kasi may sakit talaga siya kaya hindi siya nakapasok kaya ko nga siya pinuntahan dahil gusto ko siyang alagaan, kung hindi ko na siguro tinapos yung Basketball kanina edi sana.....sana ako yung kasama niya ako yung kausap niya at hindi sana ako nasasaktan ng ganito"

naluluha na naman ako, ang Laki ko kasing tanga!!

"Ano ba kasi na gustuhan mo kay aden?, oo nga gwapo siya, mayaman, matalino, varsity player in other words he is the Ideal BoyFriend of all girls. Lahat na lang kayo na babaliw diyan kay aden, hindi niyo naman siya deserve he is not worthy for your love not only you but also to jeca. You deserve someone who is really care about your feelings, hindi yung kagaya niya wala siyang pakialam sayo, sa pagkakaalam ko nililigawan ka niya right? pero nasaan siya ngayon? wala diba? nasa ibang babae! kaya cynthia magising ka nga kyong dalawa ni jeca hindi para sainyo si Aden may ibang taong nakalaan para sainyong dalawa"

I get his point, pero paano gagawin ko? kahit paulit- ulit kong itatak sa utak ko na hindi ko dapat siya mahalin na dapat ibaling ko na lang tong nararamdaman ko sa iba hindi ko magawa! Siguro nga Magsasawa din ako sa kakahabol sa kaniya at pag papakatanga, ngunit hindi pa ngayon ang panahon na yun, pero ramdam ko na malapit na.. sobrang..sobrang lapit na akong sumuko..

I'm falling in love with my CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon