Chapter 54: New Life

701 18 3
                                    

Chapter 54

Nag kakagulo sa loob ng ER kung saan inooperahan si Aden, Nag simula ang gulo ng sapilitang pumasok ang magulang ni Aden na sila Mr. and Mrs. Osaka habang nasa labas ang mga ito na naghihintay sa resulta ng operasyon na pansin ng ginang na tila ba nataranta ang doctor at mga nurse ay nag simula na siyang kabahan at ng napatingin ito sa heart beat monitor nanlaki ang kaniyang mga mata ang kaninang alon alon na linya sa monitor ay biglang naging isang tuwid na linya

Hindi na kayang pigilan ni Mr. Osaka ang kaniyang asawa sa pagwawala

"Anong klaseng mga doctor kayo! Bakit hinayaan niyong mamatay ang anak ko.. ang sabi niyo sakin gagawin niyo ang lahat para mailigtas siya pero ano ang nangyari! Ano!!" sabi nito at pinag susuntok ng ginang ang doktor, pilit namang pinapaliwanag ng doctor ang mga paraang ginawa nila para mabuhay si Aden ngunit kahit ano pa ang galing ng doktor sa pag gagamot hindi parin na iligtas ang binata

"Mrs. Osaka Ginawa po talaga namin ang lahat ng aming makakaya, Siguro hanggang dito na lang talaga ang buhay ng anak niyo.. I' m really sorry Mrs. Osaka... Condolence" hindi kinaya ni Mrs. Osaka marinig ang salitang Condolence mula sa doktor, nang mga oras na yun para bang bigla itong na hilo at hinang-hina. Wala na siyang ibang nagawa kundi humagulgol at yumakap sa anak ng nakahiga sa kama.

Muling nag balik tanaw ang Ginang sa mga panahong naging masaya silang mag ina. Isa na ata sa pinaka masayang araw ni Aden ang makasama ang kaniyang ina sa Kaarawan niya noong 8 years old pa lamang siya sa halos 19 years na buhay ni Aden ito lang ang tanging nag iisang araw na naging masaya ito. Ang araw na ito ang naging dahilan para magkasama sama sila, ang unang kaarawan niyang nag celebrate ng sila lang dalawa, walang halong bisita at negosyo LITERAL na sila lang mag - ina masayang pinaghahanda ng pagkain at sunusubuan pa. May halong lungkot na nadarama ang batang si aden ng panahon na yun dahil di nila kasama ang kaniyang ama dahil nasa business trip ito. Pero naibsan naman ang kaniyang kalungkutan ng makasama niya ang ina niya sa araw ng kaniyang kapanganakan

"Anak patawarin mo ang Mommy, hindi man lang kita na alagaan ng lubos hindi ko man lang na paramdam sayo kung gaano kasaya ang mommy mo na naging anak ka. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng importanteng araw na wala ako, sa panahong may problema ka. Proud ako dahil anak ko ang isang kagaya mo.... Isang mabait na anak.... Forgive me son forgive mommy" Lumapit si Mr. Osaka sa kaniyang asawa na nginginig niyang hinawakan sa magkabilang balikat ang ginang, Hindi ito makapaniwala sa pagkamatay ng kaniyang anak, Pilit nitong pinigilan ang sariling umiyak ngunit na bigo siya hindi niya pala kayang pigilan... Kailangan niyang ilabas ang lungkot na nararamdaman niya, nais niyang humingi ng tawad para sa lahat ng kaniyang ginawa kung iisipin mo kulang pa ang salitang 'SORRY' para sa mga yun.

Ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya wala na ang kaniyang anak tanging ang paghingi na lang ang sorry ang kaya ng ibigay

"Mahal na mahal kita Anak ko" bulong ni Mr. Osaka sa kaniyang isip

------
Pinagmamasdan mabuti ni Carlos ang maamong mukha ni Jeca, Kahit na puno ng sugat at pasa pa ang mukha ng dalaga'y para sa kaniya ito ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa

Sobra ang pag-aalala niya ng malaman nitong na dukot si Jeca halos wala na nga siyang kain at tulog para lang mahanap ang dalaga. Sinisisi niya din ang kaniyang sarili sa pagkawala nito kung di siya nag inarte ng panahong battle of the bands di sana mangyayari ito

Hinawi niya ang ilang hiblang buhok na natatakip sa mukha ni Jeca at hinawakan din nito ang mainit nitong kamay. Pinag pantay ni Carlos ang mga kamay nila sinusuri niya itong mabuti na para bang may mali

"Mga kamay na natin ang nag sasabi jeca, Na para talaga tayo sa isat isa" inilagay sa pisngi niya ang kanang kamay ni jeca, Ngumiti pa ito ng pagkatamis tamis habang sinasabi kung gaano niya kamahal ang dalaga

I'm falling in love with my CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon