18: The Better Killer

91 9 1
                                    

AZORYA
The Better Killer

"What the fuck did you do?!" Halos mabingi ako sa pag-uusisa ni Rosh.

Ano ba ang inaarte niya? First time niya bang makakita ng putol na braso at binti? Dapat wala na lang sa kan'ya 'to. Dapat ay sanay na siya sa ganito.

Mas dumoble ang panlalaki ng mata ni Rosh nang tuluyan kong buksan ang sakong pinaglagyan ko sa kapatid niya. Umawas ang masangsang na dugo.

"K-Kuya!" Humagulgol naman si Rumi nang makita ang Kuya Rosh niya na nakatali sa kama, duguan din katulad niya. "I can't feel my legs and arms!"

Napangiti ako, humalukipkip. "And your poor brother can't feel his cock."

Nang makuha ang ibig kong sabihin, isang hiyaw ang pinakawalan ni Rumi. Lahi talaga sila ng mga may saltik.

"Fuck you!" Bumaling ako kay Rosh nang murahin niya ako. "I'll kill you!"

Habang nakasaladsad sa sahig si Rumi ay naglakad na ako palapit kay Rosh.

Nakagapos ang mga kamay niya ng kadenang nakatali sa chandelier sa itaas ng kama. Nakatayo siya ngayon sa kama nang walang anumang saplot.

"H'wag mo 'kong patawanin, Rosh," mapaglarong sambit ko. "And stop using the word 'fuck'. We both know you can't. Mamamatay kang tigang."

"Shut up!" gigil na sigaw niya.

"No, you shut up!" Sinampal ko siya. "H'wag mo 'kong masigaw-sigawan d'yan, putang ina ka! Nagbago na ang sitwasyon. I am now the player and you are my toy! Susunod kayo sa akin kung ayaw ni'yong umabot nang pitong linggo 'tong parusa ni'yo!"

Bagama't umiiyak ay pinaupo ko si Rumi saka isinandal ang likod niya sa kalapit na pader, nakaharap kay Rosh.

Ibinaba ko ang palakol at kinuha ang baseball bat sa tabi ng kama. Lumapit ulit ako kay Rumi at itinutok ang bat sa mukha niya. Halos pigilin niya ang paghinga, takot sa posibleng gawin ko.

"Kawawa naman si Rumi, oh. Para na siyang salagubang na pinutulan ng paa. Aliwin mo naman siya, Rosh."

Umigting ang panga ng sugatang lalaki. Kung hindi lang nga siya nakagapos ay sigurado akong naghalimaw na siya.

"Sayaw," paglilinaw ko.

"I see what you're doing," naiiling na sagot ni Rosh. "You're not having it."

"Ayaw mo?" Hindi ako para manakot kaya hinampas ko ang ulo ni Rumi. Dumugo iyon at halos mabasag pa.

Hinarap ko si Rosh matapos niyang sumigaw. "Sayaw," pag-uulit ko.

Kahit labag sa loob ay sumayaw siya. Dahan-dahang gumalaw ang balakang ni Rosh habang umaagos ang dugo sa binti niya. Tuluyan na akong napangiti.

"Yeah, that's it. Dance for us."

Narinig ko ang paghikbi ni Rumi sa tabi ko. Kahit kailan, ang arte niya.

Kinuha ko ang asido sa bag ni Azhria at walang pasabing ibinuhos 'yon sa mukha ni Rumi. Halos mapaos siya sa kasisigaw. Pero hindi rumehistro sa akin ang anumang awa. Deserve niya.

"Rumi!" hysterical na tawag ni Rosh.

"You've always placed great value in beauty, Rumi," sabi ko nang lumuhod ako para lumebel sa kan'ya. "Ngayon, literal na wala nang maganda sa 'yo."

Umuusok pa rin ang mukha niya at wala siyang magawa para pigilin 'yon.

"Bakit hindi mo punasan?" Natawa ako. "Oops, wala ka na pa lang kamay."

Tuluyang nagdilim ang paningin ko nang duraan ako ni Rumi. Sa gigil ay hinatak ko ang buhok niya saka ko siya pinagsasampal. Hindi pa ako nakuntento at sinaklob ko ang mukha niya ng transparent bag at binuhol 'yon. Kating-kati akong patayin siya pero may kailangan pa siyang makita.

The Art of Killing the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon