1

6 0 0
                                    


Kanto bois<<<

Vince pangit
HOY EVERYONE
Uuwi na si Harvi bukas😭

Yeshua bait-baitan
Owwwwsss???
@Harvi baby bear
Totoo ba?

Harvi baby bear
Ano bang mahirap intindihin sa secret muna ha @Vince pangit 😒

Fourth pikonin
Hahahahahahaha
Kahit sa chat madaldal ka talaga vicente

Kurt pogi
Hoy harvi sinong susundo sayo? Di kami available ni Pierce

Harvi baby bear
Kayo 'tong mga kapatid ko tapos di niyo ko uunahin?
Wow ah

Yeshua bait-baitan
Kami na ang susundo sayo don't worry
Hoy Fourth at Vince sasama kayo
Period.

Vicente pangit
Aisssshhhh naman oh

Fourth pikonin
Okay po🙃

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Kervy @Kvylvste

Best night ever hoooo

562 Likes

→ Nico @Nic.d'amelio
Last na 'to huhuhuhuhu
Ayoko nang uminom

Argus @argusventuras
Ako din masaya hahahahaha

Grae @Gchim
Ewan ko sa inyo
Iingay niyo pag nalasing

Kino @Kleviste
Naku ni Kuya lagot ka talaga

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"Hoy Kervy! Umuwi na tayo, malapit na mag alas dose!" Singhal ni Grae.

Nilingon ko siya. "Bro, wala namang maghahanap sa atin–"

"Wala nga pero may exam tayo bukas siraulo ka!" Singhal naman ni Argus at pinghihila na kami palabas.

Nasa exit naman si Nico at may katawag. Nang makita niya kam ay lumapit siya at pinalo ang balikat ko.

"At talagang nakapag post ka pa kahit may exam bukas. Kapag nakita yon ng prof natin patay ka." Aniya.

Inikotan ko lang siya ng mata.

At dahil nga gustong-gusto na nilang umuwi ay wala na ako'ng nagawa. Sayang at nag-enjoy talaga ako ngayon kaso killjoy mga kasama ko.

"Teka bigla ako'ng nahihilo."

Agad naman naming hinawakan si Nico. Ba't bigla siyang nahilo? Siyempre uminom.

"Ilan ba naubos mo?" Ani Argus.

"Sampo."

Sabay namin siyang nasigawan kaya mas lalo daw sumakit ang ulo niya.

"Sige na, bibilisan ko na ang pagmamaneho para makauwi ka na tutal wala namang checkpoint ngayon." Sabi ni Grae.

.

.

.

.

"Mr. Leviste!"

Napatalon ako bigla. Shit kasi, inaantok pa ako.

"Bakit blanko parin ang test paper mo at bakit ka natutulog sa oras ng exam?"

I bit my lips. "Sorry prof."

"One last warning, Mr. Leviste."

Napatango na lang ako at kahit inaantok, pinilit kong isulat ang sagot kahit hindi ako nakapag study.

Nang sa wakas ay natapos na rin ang exam ay nagpunta kaming apat sa cafeteria para matulog.

"Hoy Kervy! Gising nga, snack area ito hindi kwarto mo." Bara ni Nico.

Sumandal ako.

"Im so sleepy okay!"

"Shhh!"

Tinakpan ni Argus ang bibig ko.

"Mabuti pa lumabas na lang tayo mamaya, mag arcade tayo, mag games, kumain at kung ano-ano baka sakaling mawala yang badtrip at antok mo." Anas ni Grae.

"Gusto ko uminom ng gatorade."

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"Welcome back Harvi my man!"

Salubong sa akin ng tatlong kumag at mabilis ako'ng niyakap. Natawa ako at niyakap na rin sila.

"Tama na ang yakapan okay!" Awat ko. "Alam niyo, namiss ko yong drinks na pinapa-inom niyo sa akin kapag pagod ang katawan ko. Ano nga ba yon?"

"Ah gatorade! Don't worry, bibili tayo." Ngiting sabi ni Vince bago kami lumakad.

.

.

.

.

Naglibot kami sa loob ng 7-eleven para lang mahanap at bumili ng gatorade, sana naman mayroon pa gustong-gusto ko talagang uminom 'non.

At sa wakas, may nakita na rin ako kaso nag-iisa na lang.

Agad ako'ng tumakbo para makuha iyon at nang mahawakan ko na nga, may humawak rin.

Nilingon ko iyon at natigilan ako. Ang ganda niyang lalaki.

"Akin 'to." Aniya.

My forehead creased. "Huh? Ako ang nauna, sorry."

Mariin siyang pinikit, mukhang naiinis. At siya pa talaga ang may karapatang mainis eh ako una nakahawak.

"Ako ang unang nakakita."

Ayaw patalo. Tibay.

"Excuse me pero pagod na pagod ako galing flight at gusto kong uminom nito–"

"Ba't di ka mag kape?"

Bago ko pa siya masugod ay pinigilan ako nina Vince.

"Teka ano'ng nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Fourth habang inaawat ako.

"Ito ang tanungin niyo! Ako una nakahawak sa gatorade tapos aangkinin niya!" Sigaw ko.

Agad na tinakpan nilang tatlo ang bibig ako at hinila na ako palabas.

Nang makalabas kami ay inalis ko ang mga kamay nila sa bibig ko.

"Harvi naman, parang gatorade lang nakikipag-away ka? Pwede naman tayong bumili sa kahit saang store eh." Yeshua scolded me.

I rolled my eyes.

Kahit naiinis ako sa lalaking yon hindi parin maalis sa akin na sobrang ganda niya para sa isang lalaki. Hays!

GatoradeWhere stories live. Discover now