Irita kong tiningnan si Fourth. Gagi 'to! Ginamit talaga ang account ko at nag comment pa sa tweet ni Kervy. Shit talaga!Inakbayan ako ni Vince.
"Bro calm down, ikaw naman oh. Hindi naman magagalit yong si Kervy–"
"Pero ako galit! Paano kung mag assume yon na papansin ako? No way!"
"Eh bakit? Ano'ng masama? Okay naman kayo diba?"
Irita kong inalis ang pagkaka-akbay niya sa akin at masamang tiningnan si Fourth na tawa ng tawa maging ang mga kapatid ko.
Binato ko ng unan si Kuya at Pierce.
"Shut up!"
"Kalma lang Vi ano ka ba, oh sige iti-text ko na ako yong nag reply, napaka sensitive mo naman!"
"Bilisan mo!"
"Oo na po! Gagi!"
Binato ko siya ng unan.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Fourth
Fourth
Uh Hi good morning Kervy
Uh sorry ha ginamit ko account ni Harvi doon sa tweet mo
Ako yung nag tweet ng sweet dreams
Sorry ah inaasar lang kasi namin si Harvi>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
When i read Fourth's message, i kinda felt like uhm dissapointed? Wtf? Bakit naman ako madidissapoint?
"Kuya–"
"Ano?!"
Napaatras naman sa gulat si Sejun maging ako nagulat sa biglaan kong pagsigaw.
"G-Galit ka ba Kuya?"
"Uhm....hindi ano, sorry wala lang ako sa mood."
Napatango naman siya at nagpaalam nang pumunta sa kwarto niya. Napasandal ako sa couch at pinagsampal-sampal ang pisngi ko.
"Nababaliw ka na ba?"
Mas lalong nawala ako sa mood ng makita si Nico at Argus.
Tumatawa silang lumapit sakin at tumabi, ako naman ay masamang nakatingin sa dalawa.
"Bakit masama ang tingin mo samin? Wala naman kaming ginawagang masama ah." Ani Nico.
Napangiwi ako.
"Tara lumabas naman tayo Kervy, wala naman tayong pasok ngayon eh." Saad naman ni Argus.
Dahil wala rin naman ako'ng magawa dito sa bahay pumayag na rin ako. Sinama na din namin si Sejun tapos si Kino naman umalis din kasama ang mga kaibigan.
At ang mga walang hiya, sasakyan ko pa talaga ang gagamitin.
Pagkarating namin sa mall ay marami na namang nakikita itong si Sejun at gustong bilihin. Pinabayaan ko na tutal it's his money naman hindi akin.
"Let's eat, nagugutom na ako." Nakangusong sabi ni Nico.
"Okay you're hungry pero huwag ka nang ngumuso, hindi bagay sayo." Nginiwian ko siya.