Chapter 4

44 3 0
                                    

Mayumi's POV
"Ano bang pag uusapan natin? Lel? Tita, Tito at Sophie?" Tanong ko sa kanilang lahat nang sila ay makaupo lahat sa tapat ko.

"Hmmm....Kasi....Naniniwala ka naman na bampira kami diba?" Sabi ni Tita sakin.

"'Di po masyado....Uhmmm diba ung mga bampira takot sa sikat ng araw?"

"Uhmm....Di na po, Masyado ka yatang basa ng basa ng mga twilight ate." Singit ni Sophie sa usapan.

"Oo nga, Nga pala panget, Di kami katulad ni Edward na kumikinang kinang." Sabi ni Lel habang pinaglalaruan ung isang bolpen at pinapaikot ikot sa mesa.

"Oo na Oo na, Gets ko na po UNGGOY." Pagtataray ko kay Lel

"Wag kang magulo, Ikaw talaga, paka panget mo." Sagot naman niya sakin.

"Eh bakit siya ung pinili mo maging soulmate?" Sabi ni tito na kanina pa nakikinig sa usapan.

"Uhmmm...Soulmate?"

"Ah...Un ung pag uusapan natin ngayon Mayumi, Ikaw ung pinili ng anak ko na maging Soulmate niya." Sabi ni tita.

"Lel? Ano trip natin?"

"Haha, Gusto ko kasing mahirapan ka, Hahahahaha!!" Sabi ni Lel na inirapan ni Sophie.

"Ayy....Si Kuya Lel, Torpe. Kadiriiiii!"

"Ako torpe? Upakan kaya kita?"

"Joke lang kuya Lel.....di ka naman mabiro. Hahahaha!!" Sabi ni Sophie na biglang namula.

"Hah?? Soulmate ba kamo? Lel ano yun?"

"Tanga ka ba? Ano ba yan Tanga na nga Panget pa, nakaka Turn Off Mayu!!"

"Ayy Ang kapal talaga ng mukha mo, bwisit ka!!"

"Lel, Wag mo ngang inisin yung magiging asawa mo!" Hiyaw ni tita habang si tito naman Pinapagalitan si Sophie sa kung ano man yun.

"Haaa??! Anong mapapangasawa ko po si Lel? Yung dakilang Unggoy??"

"Gwapo po ako, Fyi Panget."

"In your dreams! No! Pweeee!!"

"Wag kang magulo, Uupakan kita eh."

"Mayumi, Pinatawag ka namin dito dahil pag uusapan natin ang magiging future niyo ng aking anak."

"Huh? Ano po? Ayaw ko mapangasawa si Unggoy noh!! Tita naman eh!! Tsaka sabi ni Lel na may kukunin lang daw siya eh!!"

"Kaya ko sinabi yun para di ka makatakas!! Wala ka ng takas hahaha!!"

"Ahh ganun Lel? So may hidden desire ka sakin?!"

"Hahahaha!! Ako linoloko mo? Syempre ikaw pinili ko kasi ikaw makapag kakatiwalaan ko."

"Ah ganun? Eh diba dapat ung taong mahal mo ung pinipili mo para maging Soulmate."

"Kahit yun ung gusto kong gawin, Hindi parin pwede, Nakasalalay kasi sakin ung lahi namin." Wika ni Lel.

"May mahal ka na? For real? Tsaka Ano? Nakasalalay sayo?"

"Oo, May napupusuan na ako Mayu, Yun na lang sasagutin ko- sa ngayon. I hope you'll understand."

Ouch. Bakit parang sumakit dibdib ko? Haha....tapos patulo na luha ko. Hahaha mukha kong tanga.

"Ateeee huwag ka iyyaaakk." Sabi ni Sophie nang napansin niya ang kalagayan ko.

"Hahaha, Wala naalala ko lang si Soph, Nakakamiss na kasi siya eh."

"Akala ko naiiyak ka kasi sinabi ko na may mahal na akong iba Panget eh, Wag kang mag alala, Ikaw na lang mamahalin ko simula ngayon, Hahaha!!" Pang aasar pa sakin ni Lel. Grrrr nakakainis na talaga tong Unggoy na to!!

"Ayaw ko nga!! Ako pa pagtripan ng mga linta mong fangirls eh!"

"Syempre di na na yun mababago."

Confidence talaga niya. Wow amazing sarap ibato sa third floor pababa!

"Sama mo! Nakakainis ka!"

"Ano? May fangirls ka kuya? Yuck kakaiba taste nila ha." Singit ni Sophie na di makapaniwala sa sinabi ko.

"Lel, Since siya ang pinili mo maging mate, Siguro mas mabuti pag ikaw na magbantay sa kanya." Sabi ni tito

"Wala na akong magagawa diba? Okay lang, palagi naman talagang kaming magkasama eh." Wika ni Lel sabay kamot ng ulo.

"Mayumi, nga pala, May magtuturo sayo tungkol sa lahi namin, At tuturuan ka niya maging perpektong reyna kapag naging Hari na ang anak ko." Pagsisingit ni Tita

"H-hari po...?? Tita...??"

"Mama na lang Mayumi, magiging anak na rin naman kita eh, Tsaka oo, Ang pamilya namin ang namumuno sa mga bampira, Andito lang naman kami sa dimensyon ng lupa para makuha ka na namin."

"Uhmm...Paano po pamilya ko?"

"Alam na nila yun ija." Sabi naman ni tito.

"Pumayag po sila?!"

"Oo naman, Hindi rin naman sila normal na tao eh." Sabi ni Lel.

"Ano daw? Ibigsabihin ba niyan hindi kami tao?"

"Oo Panget, Ang magulang mo ay ang hari at reyna ng mga Lobo."

"Lobo ba kamo?!?"

"Ang dami mong tanong. Sasagutin na lang namin yan sa tamang panahon."

"Okay...." Iyon na lamang ang nasagot ko.

"Hayyy!!! Ang tahimik naman!!" Sabi ni Sophie pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan.

"........" Ang nasagot ko lamang.

*ring* *ring* *ring* *rin*
"Ahhh....Wait lang ha." Sabi ni Lel na sinagot ung tawag sabay labas.

Sinilip ko siya ng konti sa labas,

Wow. Nakingiti ha!! In fairness yun ung crush niya siguro.

Haha, yan nanaman, sumasakit nanaman dibdib ko.

"Ahhhh...Sorry." Sabi ni Lel na bumalik na sa pwesto. Nanakangiti pa rin.

"Kuya, Adik ka na yata eh, Nakangiti ng walang dahilan" Sabi ni Sophie.

"Walang basagan ng trip ha! Tsaka Mayumi, halikana, Sunduin na natin si Thea."

"Ok Lel..." Wika ko sabay paalam na sa kanila.

"Tita, Tito, Sophie, Aalis na po ako. Hanggang sa muli." Sabi ko sa kanila sabay Lakad papunta sa kotse ko.

"Psssst!! Panget hintayin mo ako!!

Di ko namalayan na naiwan ko pala si Lel.

Di ko pa siya napapatawad! Dami niyang tinatago sakin!

"Ewan ko sayo! Gamitin mo ung Powers mo kung gusto mong makahabol! Itse!"

Pagkasaradong pagkasarado ko ng kotse, di ko namalayan na nasa tabi ko na si Lel.

"KAILAN KA PA NANDYAN!!" Sigaw ko sa kanya dulot ng gulat ko.

"Eh sabi mo gamitin ko powers ko diba? Baliw ka rin no." Pabalang na sagot ni Lel.

"Oo na Unggoy!!"

"Bilisan mo, hinihintay na tayo no Thea."

"Bahala ka nga! Unggoy!" Ang sinabi ko na lang habang hinahanda na yung kotse.

Lost Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon