Chapter 6

46 3 0
                                    

Mayumi's POV
Ang tagal na rin nilang naglalaro ng chess, Magdadalawang oras na rin, Nakakatamad din kayang umupo lang dito! Inis na sabi ko habang hinihintay na matapos ung laro nina Thea at Lel.

Ang babagal nila!

"Tapos na kayo??" Wika ko nang Tumayo na si Lel sa upuan niya, Sumunod naman si Thea tsaka na sila nag shake hands.

"Nag improve ka Thea, Congrats." Wika ni Lel na nagkakamot na ng ulo.

"Haha, Nang aasar ka yata kuya Lel eh, Ako nga natalo eh." Wika naman ni Thea tsaka sila nagtawanan.

"Nakakabilib naman Thea." Pang aasar ko pa sa kanya.

"Edi wow!!" Sabi niya sabay walk out, Umakyat na yata sa kwarto niya.

"Matulog ka na kaya?" Sabi ni Lel na nakatingin sakin ng seryoso.

"Oo nga, Medyo late na rin eh, sige matutulog na ako." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"See you tomorrow Panget." Sabi ni Lel na biglang nang halik sa pisngi sabay takbo ng napaka bilis.

"TSANSING!!" Ang napasabi ko lang, Tapos biglang uminit yung pisngi ko.

Ang weird talaga, Para akong engot..

...bahala na nga, makatulog na lang!

Sinarado ko na lang yung pinto tsaka umakyat at pumunta sa aking kwarto.

Nang nahiga na ako sa kama ko, Hinaplos Haplos ko yung pisngi na nahalikan ni Lel....

...bakit ba ako ganito kumilos? Hindi naman ako ganito ka-"attracted" sa kaniya ah...

Ginayuma ata ako ni tarantado!

Una, Nagseselos ako dun sa "Special Someone" ni Lel, Tapos namumula ako pag pinupuri niya ako...Ano kaya tong nararamdaman ko?

Yup! Gayuma talaga ito! Hay nako Lel! Desperado talaga sa buhay haha!

~Kinaumagahan

"Hmmm!!" Hiyaw ko nang mag ring ung alarm ko.

Time Check: 6:00 a.m.

Uh-oh, Thirty minutes na lang at baka malate na ako!!

Agad agad na tumakbo na ako papunta sa banyo tsaka naligo ng mabilis.

Pagkatapos ng ilang minuto, ang ayos ayos ko na. Tinignan ko naman Ang aking relo casually kasi akala ko madami pa oras kaso namuti ako ng nakita ko ang oras...

Shit! Fifteen minutes na lang!

"Kanina pa ako nandito Panget ah! Hala kakaligo mo pa lang..." Sabi ni Lel na hinatak ko na siya papuntang garahe.

"Teka! Kumain ka muna!!" Hinatak ako ni Lel pabalik ng bahay.

"Adik ka late na tayo!!" Sigaw ko nang pinasok niya ulit ako sa bahay papuntang kusina.

"Ano ka ba!! Kakain ka muna, Malate na kung malate!" Sigaw naman niyang pabalik.

Pagkatapos nun hinatak niya ako sa isang upuan tsaka pina upo.

"O dali kumain ka na." Sabi niya sakin na inihain ung pagkain.

"Ikaw nagluto?" Sabi ko nang tinikman yung pagkain.

Sarap!! Magaling pala magluto si loko?

"Oo, Ngayon ubusin mo na yan at makakahabol pa tayo!!" Sabi niya na may saya sa kanyang boses. Kumain na lang ako ng mabilis tsaka na hinatak ako ni Lel pa "Bridal Style" tsaka tumakbo ng kakaibang bilis.

Lost Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon