Chapter 4: Nightmare (part 2)

96 2 0
                                    

KATHRYN'S POV

"Huy Kath ikwento mo na!! Ano ba tulala ka pa diyan oh?"

"Okay okay eto na eto na. Atat mashado. Kasi ganito yan..."

"Ano?!"

Ay ang atat neto ni Danyel kairita. Haist kundi ko lang siya bestfriend eh.

"Kasi nandun daw ako sa coffee shop ni tito. Kung saan lagi kaming nagkikita ni Pau."

"Oh tapos?!"

Sinampal ko siya sabay sabi ng...

"Ikaw napaka mo!! Nag-kkwento na nga ako ginugulo mo pa. Tss"

"Oo na sige na continue last na yun."

So nag-continue nalang ako.

"Pero nandun ako para magmuni muni hindi para kitain si Pau. Tapos nagulat ako bigla siyang pumasok sa coffee shop. Then sabi ko sa sarili ko "huh? may usapan ba kami ni Pau?" Pero nagulat ako kasi may kasama siyang iba. And sobrang sweet nila. Mas sweet pa samin. Para silang mag-asawa. Feeling ko kilala ko yung babae kasi nakita ko na siya somewhere eh. Kaya di ko na mapigilan yung sarili kong umiyak at tumakbo palabas ng coffee shop. Bago ako lumabas tumingin ako kay Pau tsaka dun sa babae. Nakita ako ni Paulo kaya tumakbo agad ako palayo. Pero bago pa ko makalayo naaksidente na ko. Nagising na lang ako sa hospital at sabi sakin ng nurse na nandun may inabot daw na papel sakanya si Pau na pinapabigay sakin. Nung inabot niya sakin binasa ko naman agad.

"Dear Kath,

Sorry pero di ko na kayang itago sayo ang katotohanan na may asawa na ko. Alam kong di ito ang pinaka-magandang oras para aminin to pero pinapatay na ko ng konsensya ko. Minahal kita ng sobra sobra pero di ko na talaga kaya. So i guess this is good bye? Kath, i love you, good bye.

~Paulo"

Ayun yung laman ng letter. Tas iyak na ko ng iyak. Nagwawala ako. Walang maka-pigil sakin. Tas yun na nagising na ko. DAHIL SA PAMBABASA MO SAKIN."

Napansin ko naman na pinag-papawisan na si Daniel. Luh? Mas tensed pa sakin?

DANIEL'S POV

Nanlumo ako sa kwinento ni Kath. Pano yan? Natutunugan na niya yung totoo. Pano ko sasabihin sakanya na una palang alam ko na to? Ayokong saktan si Kath. Ayokong pati ako palayuin niya para di na siya masaktan. Malaki utang sakin nitong Paulo na to.

Bigla naman akong nagising sa katotohanan na batukan ako ni Kath.

"HOY!! Ano tulala lang? Kanina lang atat na atat kang malaman ngayon parang wala kang narinig."

Sabay irap niya.

"H-huh? Ah eh ano....wala. Nagulat lang ako. A-ang lungkot naman ng bangungot mo."

"Well thank God bangungot lang. Subukan lang niya totohanin."

Kath said with a smirk.

"Uhm oo. Subukan niya lang talaga. Yari siya sakin."

Maya maya nung maka-alis na si Kath, tinawagan ko si Paulo.

Calling Paulo......

Hello?

HOY PAULO ITIGIL MO NA RELASYON NIYO NI KATH. MALAPIT NA NIYANG MALAMAN ANG TOTOO.

Anong totoo?

WAG KA MAG MAANG MAANGAN DIYAN PAULO AH. ALAM KONG ALAM MO ANG IBIG KONG SABIHIN.

Okay okay. Calm down.

ANONG CALM DOWN KA DIYAN? AYUSIN MO TO PAULO. MALAKI UTANG NA LOOB MO SAKIN KAYA WAG MO KONG GAGANITUHIN BASTA. ISANG MALING GALAW MO LANG MALALAMAN NI KATH ANG SIKRETO MO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm A Mistress? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon