Kathryn's POV
Tahimik lang kami ni DJ habang bumabyahe papunta sa bahay nila. Di ko na tinanong kung bakit pinuntahan niya ko sa coffee shop eh ang usapan pupuntahan ko siya dun. Nakakahiya sinundo pa niya ko. *face palm* ang tagal tagal ko kasi eh. Leche. Maya maya di ko napansin na nandito na pala kami sa labas ng bahay nila DJ.
Daniel- "Kath, andito na tayo. Baba ka na. Mauna ka na dun. Park ko muna 'toh, sandali lang."
Kath- "Sige lang."
Tinangal ko muna seatbelt ko at bumaba na. Dumeretso ako sa kusina nila para uminom ng tubig. Welcome naman ako dito kaya feel at home na ko. Pagkatapos ko uminom dumiretso ako sa living room nila. Andun na si DJ.
Daniel- "Oh Kath, ano gusto mo kainin? Oh inumin? Your wish is my command."
Kath- "Ah wala naman. Gusto kolang mag movie marathon. Syempre kasama na dun popcorn at softdrinks."
Daniel- "COMING UP!"
Ang hyper naman ng bestfriend ko. Hahahahaha! After 10 minutes bumalik na siya. May dalang popcorn, tsaka choices of dvd's.
May dala siyang Batman the Brave and the Bold, Must Be Love, She's Dating The Gangster, Talk Back and You're Dead at Pagpag.
Pinili ko na lang ang She's Dating The Gangster, balita ko kasi kela Miles na bestfriend ko din maganda daw ito. Nakakaiyak daw siya kaya handa na ang panyo ko. Hahaha! Plinay na ito ni Daniel habang ako tahimik parin.
Daniel- "Oh Kath bat ang tahimik mo ata ngayon?"
Kath- "Shhh I'm trying to focus sa pinapanood natin. Balita ko kasi maganda daw yan."
Daniel- "Ah ganon ba? Sige."
DANIEL'S POV
Himala napaka-tahimik ni Kath. Gusto daw niya mag-focus sa palabas. Hahaha! Kelan ka kaya magfo-focus sakin? Di ako makapanood ng maayos dahil sa kakatitig kay Kathryn. Ang ganda niya talaga. Di ko makakalimutan yung araw na naunahan ako ng pesteng Paulo na yon.
Flashback...........
Nandito na ko sa mall na pagkikitaan namin ni Kath. Handa ma lahat ng gamit ko. Sana mapa-oo ko siya. Mamahalin ko siya ng buong buo. Sana ganon din pagmamahal niya sakin.
Ilang minuto pa dumating na siya. Ang ganda niya talaga. Bagay na bagay sa kanya yung suot niyang yellow na dress. Papalapit na siya ng papalapit. At sobra na ang kaba ko. Feeling ko hihimatayin ako sa harap niya.
Daniel- "Ahm K-kath......a-ano will you be----
Someone cutted me out. Its Paulo......di talaga niya ko titigilan eh. Hangga't di niya nasisira lahat sakin. May asawa na siya eh. Sana di siya sagutin ni Kath.
Paulo- "Kath will you be my girl?"
Please Kath? Say no? Pleaseeeeeee?
Kath- "Yes."
(O_O)-----------> ganyan ang itsura ko.
Di ko akalain na mangyayari 'to. Nagyakapan pa sila sa harap ko. Gulp. Di na ko nagtagal dun at tumakbo na lang ako palayo. Pumunta ko sa garden ng mall. Dun ako umiyak ng umiyak. Magkahalong gigil, sakit at galit ang iniiyak ko ngayon. Di ko kinaya.
End of flashback...........
Nako napahaba ata ang pagfflashback ko ah? Nakatulog na si Kath sa balikat ko ng di ko namamalayan. Akala ko ba magfofocus siya sa movie? Haha! Ang gulo talaga niya. Ang cute niya matulog. Parang anghel na bumaba sa lupa. Tapos na din pala yung movie. Haay ang lalim naman pala talaga ng iniisip ko.
Anong oras na ba? Napatingin ako sa relos ko. Nagulat ako 6:00 na pala. *face palm* gisingin ko na nga si Kath. Kakain na lang kami sa labas.
Daniel- "Kath.....gising na. Kain na lang tayo sa labas. 6:00 na oh. Sorry di kita nagising agad."
Kath- "Ah sige Daniel cr muna ko. Pagbalik ko alis na tayo. Handa mo na lang yung kotse, gutom na rin kasi ako."
Daniel- "Sige. Aantayin na lang kita sa labas."
Tumango na lang siya at dumeretso sa cr. Ako naman deretso sa garage para ihanda yung kotse. Gutom na pala si Kath, buti napag-isipan ko na kumain na lang kami sa labas. Di nagtagal eh lumabas na rin si Kath.
Kath- "Tara na."
Di na ko sumagot. Inalalayan ko na lang siya papasok at pumasok na rin ako ng kotse. Nag-drive na ko. After 5 minutes nag-parking ako sa KFC. Favorite namin 'to ni Kath eh. Bumaba agad ako para alalayan si Kath pababa ng kotse. At sabay kaming pumasok sa KFC.
Daniel- "Anong gusto mo Kath?
Kath- "One piece chicken, bucket of fries, tsaka Krushers lang sakin."
Daniel- "Ah sige dito ka lang ah? Sandali lang ako."
Dumeretso agad ako sa counter para pumila. Alam ko naman na favorite flavor ni Kath pagdating sa Krushers eh.
Cashier- "May I take your order sir?"
Daniel- "Ahh dalawang one piece chicken. Dalawang bucket of fries. Tsaka dalawang cookies and cream krushers."
Cashier- "That will be for 350 pesos sir. For dine in or for take out?"
Daniel- "Ah eto oh *sabay abot ng pera* for dine in."
Cashier- "Okay sir. Here's your order. Thank you!"
Kinuha ko na yung order at mabilis na lumapit sa table namin ni Kath. Gutom na gutom na yan panigurado.
Daniel- "Kath oh."
Di na siya sumagot at kinuha na lang yung pagkain. Gutom na gutom na nga. Hahahaha! Kumain lang kami ng kumain. Walang umiimik kahit na isa saming dalawa. Gutom pareho eh. Maya maya ay tapos na kong kumain.
Daniel- "Kath tara na. Sa kotse mo na lang ubusin yang fries at krushers mo. 6:30 na oh. Baka hinahanap ka na ni Tita Min at tsaka ng boyfriend mo."
Kath- "Hindi dito na lang. Ubos na rin naman yung fries ko eh. Paubos na rin 'tong krushers ko."
Tumango na lang ako. After ilang minutes tapos na rin siyang uminom. Dumeretso agad kami sa kotse. Hinatid ko na siya pauwi kasi panogurado hinahanap na siya. Di pa naman 'to mahilig mag-check ng cellphone.
Daniel- "Kath nandito na tayo."
Bumaba ako at inalalayan siya pababa.
Daniel- "Pano Kath? Kita na lang tayo bukas. Goodnight!"
Kath- "Sige goodnight! Salamat sa dinner at tsaka sa movie."
Nag-smile siya kaya nag-smile na lang din ako.
Daniel- "Wala yun ano ka ba? Haha!"
Kath- "Sige pasok na ko, ingat!"
Tapos hinintay ko na siya makapasok bago ako umalis. Hay! Masaya na ko sa ingat at ngiti niya.
-----------------------------
FOOT NOTE
Okay po ba Chapter 2? Haha! Medyo maikli pero okay lang naman diba?
Kawawa naman pala si Daniel sa flashback. Tsk tsk may asawa na kasi eh. Haha!
PS: Next time na chapter 3 pag sinipag ako. Peaceee peeps!✌️❤️
~Gwennie💕
BINABASA MO ANG
I'm A Mistress? (KathNiel)
FanficAko si KATHRYN CHANDRIA BERNARDO. Nag-mahal sa lalaking may asawa na pala. Masakit kasi di ko man lang nalaman na may asawa na pala siya. May sasalo pa kaya sa'kin pagka-tapos ko maging kabit? O wala na, dahil yun ang karma ko? Yan ang dapat nating...