Chapter 8

277 16 1
                                    

Ambrosia's POV

Ito ang unang pagsusulit sa aming klase. Tutungo kami ngayon sa Fair View Village upang isagawa ang pagsusulit. Wala akong ideya kung anong klaseng pagsusulit itong gagawin namin. Hindi naman siguro ito katulad nu'ng sa Stark Forest. Muntikan pa akong nawalan ng buhay roon dahil sa pilak na bato. Marami pa akong mga nakasalamuhang mga nilalang. Mga lobo, bampira, at mga tao. Nalaman ko rin kung saan ang lugar ng mga lobo, marami sila roon, ngunit ang pinagtataka ko lang bakit naroon ang iilang mga bampira? Hindi ba't magkalaban ang kanilang uri? Sa tingin ko rin bampira 'yung lalaking nakasalamuha ko roon, mahaba ang buhok niya at pula ang kaniyang mga mata. Nagpakilala siya sa akin at sinabi niyang siya si Ak Bredwardin. Kaano-ano niya kaya si Akriel? Bredwardin din kasi iyon, narinig ko mula kay Miss Valentina.

"Ambrosia!" Napalingon ako kay Jeanne. Masayang-masaya ang mukha niya ngayon, may dala siyang basket at palakol na naman. Saan niya naman kaya gagamitin iyan.

"Mabuti nalang talaga nakalabas kana!"

"Salamat sa pag-aalaga, Jeanne, at sa halamang gamot."

"Hindi ako ang nagbigay nu'n, Ambrosia." Kumunot ang noo ko. Dahil sa halamang gamot na ininom ko kahapon medyo gumaling at humupa ang mga pasang natamo ko. Ang bilis nga, wala pang isang minuto gumaling kaagad. At akala ko rin nanggaling iyon kay Jeanne dahil siya ang nagbigay sa akin.

"Sino?"

"Hindi ko rin kilala eh. Nakita ko lang sa labas ng silid natin, may nakasulat na para daw iyon sa mga sugat mo."

"Hindi ka man lang ba nagdadalawang isip? Paano kapag lason pala iyon?" biro ko sa kaniya habang hinahanda ang sariling mga gamit na dadalhin.

Nasa labas kami ngayon ng silid namin naghahanda ng mga dadalhin para sa unang pagsusulit. Duon daw kasi kami matutulog at uuwi kinaumagahan. Pero ang uuwi lamang ay iyong mga estudyanteng nakapasa sa pagsusulit. Maiiwan ang hindi at muling sasabak na naman. Pakiramdam ko'y masusugatan at babalik na naman ako sa Infirmary pagkatapos. Unang araw ko sa Aviola, nagkasala ako at muntikan pang balian ng mga buto dahil sa ginawa ni Akriel.

"Oo nga no? Pero wala namang nangyari saiyo kaya hindi iyon lason." Ngumiti siya. Kung sino man 'yung nagbigay nu'n ay nagpapasalamat ako dahil gumaling ako. Sana hindi na muling mag tagpo ang landas namin ni Akriel.

"May gusto siguro iyong nagbigay saiyo nu'n," mabilis na umarko ang kilay ko.

"Huwag mo akong binibiro ng ganiyan, Jeanne!"

"Baka lang naman. Paano kaya nalaman ng taong iyon na may mga pasa ka sa katawan ano?"

Oo nga. "Baka gusto niya lang tumulong." Sagot ko tsaka nilagay ang mga gamit sa sasakyan naming kalesa. May kani-kaniya kasi kaming mga sasakyan. Kaming dalawa ni Jeanne sa isang kalesa dahil kami ang inatasang maging kapares sa unang pagsusulit, ganu'n din naman ang ginawa ng ibang kaklase namin.

"Siguro. Tapos ka na ba sa pagliligpit?"

"Oo, tara na?"

"Sandali, hintayin muna natin si Miss Santos. Ang tagal naman kasi niya, kanina pa tayo naghihintay dito oh,"

"Baka nauna na."

"Sabi niya kahapon sabay sabay daw tayong aalis dahil may mga pakalat-kalat raw roon na mga kalaban,"

"Kalaban?"

"Taga ibang school daw iyon, mahigpit na kalaban ng Aviola Academy. Hindi ko kilala kung sino ang mga iyon, hindi naman kasi sinabi lahat ni Miss Santos." Sabi niya at pumasok na sa loob ng kalesa.

Nagpasya narin akong pumasok sabay nahagip ko ang mga kasamahan naming papunta sa malaking gate ng Aviola Academy. Nangunguna ang kalesa nina Prinsipe Akriel, kakaiba ang kanilang kalesa, maharlika eh. Pero sino kaya--

Aviola Academy: School for RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon