Chapter 9

249 10 0
                                    

Ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa puyat. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nagawa kong kalapastangan sa harapan ni Prinsipe Akriel. Narinig niya ako, alam niyang nagsasalita ako ng ingles.

Sinabunutan ko ang buhok ko. "Argh! Nakakainis!"

"Ambrosia! Gising na!" malakas na sigaw ni Jeanne. Mabilis naman akong gumalaw at hinanda ang sarili bago lumabas.

Bumungad sa paningin ko sina Jeanne, Hiru at Hera. Kapwa sila may hawak na baso. Anong meron?

"Magandang umaga, Ambrosia. Kamusta ang tulog mo?"

"Mukhang hindi maganda," komento ni Jeanne. Napansin niya yata ang pamamaga ng mga mata ko. Talagang hindi maganda ang tulog ko dahil sa kakaisip kay Akriel, pambihira. Makakalimutan niya naman siguro iyon hindi ba? Hindi naman ako importante, makakalimutan niya rin ako.

"Ah, mukhang tunay ngang hi---"

"Hindi na nga maganda ang tulog ko, mas lalo pang nasira ang araw ko." Dumaan si Akriel sa aming harapan. Yumuko naman kami sa presensya niya.

"Anong nangyari sa Prinsipe?"

"Mukhang hindi rin maganda ang tulog ng Prinsipe, Jeanne." Sagot naman ni Hiru. Tumango kaming dalawa ni Hera at tinungo ang kinaroroonan ng mga kasamahan namin.

Inanunsyo ni Miss Santos na aalis na kami ngayong araw dahil mahaba-haba pa ang aming tatahaking daan. Nagsihanda at nagsi-ayos naman kaagad kami ng mga kagamitan. Nagpasalamat ako kina Hiru at Hera sa kabaitan nila, ayaw pa nga akong paalisin ni Hera.

Nangako ako na pagkatapos ng pagsusulit ay babalik ako sa kanilang lugar. Hindi ko alam kung kailan, sa tingin ko'y matatagalan pa. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko sa pagsusulit na ito, tila gagamit kami ng kapangyarihan sa unang pagsusulit, nararadaman ko.

"Narinig ko ang pinag-uusapan ng mga maharlika kanina,"

"Anong pinag-uusapan nila?"

"Patungkol sa unang pagsusulit na gagawin,"

"Ano?"

"Sasabak tayo sa isang labanan, Ambrosia."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Inimbita raw ni Miss Santos ang mga estudyante mula sa Ponderosas Academy. Bago rin ang iilan sa kanila at ito ang pangalawang pagsusulit na gagawin nila."

"Ang ibig mo bang iparating ay lalabanan natin ang mga iyon?"

"Oo, Ambrosia," bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Nag-aalala ako para saiyo, kagagaling mo lang kasi."

Ngumiti ako. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "Huwag kang mag-aalala, Jeanne. Hindi ako pumasok ng Aviola Academy para umatras at sumuko sa laban. Nandito ako dahil gusto kong matuto at malaman ang kapangyarihan na bumabalot sa buong katawan ko."

"Ngunit..."

"Mag-iingat ka, Jeanne. Huwag mo akong alalahanin, ito ang unang pagsusulit natin, kailangan natin itong magawa ng tama."

Sa unang pagsusulit ay kakalabanin namin ang mga estudyante mula sa Ponderosas Academy. Hindi ako pamilyar sa kanila, malalakas rin siguro ang mga iyon.

Nakalipas ang ilang oras na pamamalagi sa loob ng kalesa ay nakarating kami sa isang malawak na lupain. Sumalubong sa amin ang sariwang hangin, sikat ng araw at ang mga estudyante na nasa harapan. Ito na yata ang estudyanteng nag-aaral sa Ponderosas Academy.

"Hindi ko na kailangang ipakilala sainyo kung sino at kung saan nanggaling ang mga estudyanteng nasa harapan ninyo. Ang pagpapakilala ay wala sa aking listahan at walang kinalaman sa unang pagsusulit ng mga Aviolansé at pangalawang pagsusulit ng Ponderyosas."

Aviola Academy: School for RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon