Chapter 2

18 1 0
                                    

Stevan

AGAD kong nilapitan ang lalakeng nagligtas sa'kin at nakita kong may dugo ang umagos sa labi nito, agad naman akong nakaramdam ng takot.

Oo takot ako sa dugo.

Parang nanlambot ang buo kong katawan at dahan-dahang ginising ang walang malay na lalakeng nagligtas sa'kin kanina, dahan-dahan akong napalingon kay stevan na ngayon ay seryoso lang na nakatingin sa'kin.

“Y-you killed him...” bigla naman siyang natawa kaya agad naman akong nainis.

Ang lakas talagang mang-insulto ng lalakeng 'to, akala ko ba sa ibang school na siya nag-aaral? bakit siya nandito?

“Chill alora he's still alive” natatawa niyang saad kaya isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya.

“Walangya ka talaga stevan” napahawak siya sa pisngi niya sabay tingin sa'kin.

“Ang sakit naman ng pasalubong mo sa'kin, pwede namang yakap na lang” inirapan ko na lang siya at saka muling pinilit na gisingin ang lalakeng nagligtas sa'kin kanina.

“Pft buhay nga 'yan alora nag-iinarte lang 'yan” tumawa pa siya ng mahina.

“E kung ako ang sumuntok sa'yo?” sa halip na matakot ay mas lalo pa siyang ngumiti sa'kin at ang ikinagulat ko pa ay ang mas lalo nitong paglapit sa'kin.

“Go on...miss chinita” agad na nanlaki ang mga mata ko kaya nasampal de gulat ko siya.

“Aray ko naman!” reklamo niya at saka hinilot-hilot ang pisngi niya.

Lumingon ulit ako sa lalake na ngayon ay gising na pala, “Hmm...” napatingin ito sa'kin kaya agad naman akong napalunok ng laway.

“K-kamusta ka na?” ayun agad ang lumabas sa bibig ko, agad namang kumunot ang noo niya.

“Ofcourse i'm not okay” seryoso nitong saad at tangkang babangon nang biglang may parang buto ang tumunog.

Nagka-tinginan kaming dalawa at saka sabay na napa-iwas ng tingin, “A-aalalayan na kitang bumangon” pag-aalok ko kaya tumango naman siya.

“Thanks” ani niya kaya ngumiti lang ako.

Lilingunin ko na sana si stevan kaso nakita ko naman siyang nakatayo na habang nakatingin sa'min, “Tss what a nice love birds” sarcastic nitong saad sabay alis.

“Boxing-ero ba yun? sakit ng suntok niya sa'kin eh” tanong niya sa'kin habang nakahawak sa pisngi niya na may pasa.

“Patingin nga ng pisngi mo” parang nagulat pa siya sa sinabi ko kaya agad siyang napa-urong.

“N-no need-” nakita kong nanlaki ang mga mata niya nang hawakan ko ang kanang pisngi niya.

Nginitian ko lang siya at saka tumayo, inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

“Tara?” tanong ko dito.

“S-saan?” tanong din niya sa'kin.

“Sa bahay namin” sagot ko at tangka siyang magsasalita nang hilahin ko na siya patayo at saka siya hinila para mag-umpisa na kaming maglakad papunta sa bahay.

Wala pa kasi sila dad at mom kaya okay lang na dalhin ko sa bahay ang lalakeng nagligtas sa'kin, “A-aray” daing niya ng madiin ko sa pasa niya ang cold compress na hawak-hawak ko.

“S-sorry” panghihingi ko ng pasensya.

“Salamat nga pala kanina,” saad ko dito kaya napatingin siya sa'kin.

“Wala yun, pero sa totoo lang ang sakit ng suntok nung lalake sa'kin kanina” bigla akong natawa.

“Ah si stevan” stevan is my childhood bestfriend na medyo may kalog sa utak, chick boy, medyo maputi, gwapo pero mabait.

“Oh nabanggit na naman yung pangalan ko” nagulat ako nang biglang may magsalita sa pintuan.

“S-stevan” agad siyang ngumiti nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, “Yes miss chinita?” agad akong napalunok sa sarili kong laway nang banggitin niya ang salitang iyon.

Oo aaminin ko naging crush ko siya noon 1st year college ako pero deymm chick boy siya noon, well hanggang ngayon din naman. “Stop staring at me miss alora, bahala ka baka ma-fall ako nyan sa'yo” pang-aasar niya pa kaya agad akong kumuha ng unan sa sofa at saka siya binato.

“Kapal mo!” agad naman siyang natawa at saka lumapit sa'min ni...wait di ko pa alam name ng lalakeng nagligtas sa'kin eh.

Lumingon naman ako kay ano, basta yung lalakeng nagligtas sa'kin kanina, nakita ko itong nagpipigil ng tawa.

At nang makita niya kong nakatingin sa kanya at agad siyang umayos ng upo, “Alam ko na kung anong itatanong mo sa'kin,” he suddenly said while staring at me.

“A-ano?” tanong ko dito.

“My name? I'm Dalton lucas, 2nd year college like you” saad niya at saka ngumiti, akala ko pa naman serious type 'tong si dalton.

Teka wait, paano niya nalamang 2nd year college ako?

“And you're alora constana, right?”

“Paano mo nalaman?” tanong ko sa kanya.

“Well, you're a famous model and a nursing student and don't get me wrong ikaw ang rank 4 sa school natin, kaya sino ba naman ang hindi makakakilala sa'yo” he laughed pero agad na napawi yun nang makita niyang nakatingin lang si stevan sa kanya.

Bl na ba this?

“Stalker ka ba ni alora? bakit alam mo na rank 4 siya sa school niya? you're stalking her? hmm” seryoso na tanong ni stevan kay dalton.

“H-hoy stevan wag kang ngang gumawa ng away, tsaka ano ka ba? i-shut na lang ang mouth, hm?” agad na napa-irap si stevan sa'kin at saka tumabi sa'kin sa sofa.

“Tss tinatanong ko lang siya” sabi pa nito.

“Ako nga hindi mo ko niyakap kanina nung nakita mo ko eh, tss naging model ka lang nakalimutan mo na agad ako” parang bata nitong saad at saka nag-cross arms.

“Hoy di ah!” hinampas ko siya sa braso.

“Tss”

“Gusto mong yakapin kita?” tanong ko dito kaya agad naman siyang tumingin sa'kin.

“Oo nga!” agad naman akong natawa.

“Mag-sorry ka muna kay dalton, pinatulog mo sa suntok eh” agad naman siyang napa-irap pero kalaunan ay tumingin din kay dalton.

“Sorry dre” panghihingi ng tawad ni stevan kay dalton.

“Okay na yun dre tsaka oo nga pala hindi ako dayo dito, ang totoo niyan kaka-lipat lang namin dito sa village” agad naman akong napa-tango.

“So okay na kayo? mag-shake hands nga kayo” agad naman na nag-shake hands ang dalawa.

Agad naman akong napangiti, “Yiee okay na sila” siniko-siko ko si stevan kaya sinamaan lang ako nito ng tingin.

“Pasalamat ka talaga chinita...tsk” natawa ulit ako.

Humarap sa'kin si dalton, “Friends?” agad naman akong ngumiti.

"Friends!" nakangiti kong saad.

“Hoy hoy hoy! kasali ako dyan ah” sabat naman ni stevan kaya sabay kaming tumawa ni dalton.

Falling inlove again (College romance series #1)Where stories live. Discover now