PROLOGUE

10 0 0
                                    

Katatapos lamang naming tumugtog ng mga kabanda ko kaya naman masaya na kaming nakisama sa mga kakilala namin. Biglaang gig lang namin ito dahil ngayong araw lamang kami hindi busy ng mga kabanda ko.

"Ang galing pa rin, Rev. Walang kupas!" Puri ni Steve sa akin saka ako inabutan ng isang shot ng tequila ata agad ko naman iyong tinungga. Napangiwi ako sa pait nito lalo na at wala itong kasamang lemon. "Salamat, Steve!" Sagot ko saka nakipag fist bomb sakanya.

Kaklase ko siya noong college at siya ang may-ari nitong bar na ito dahilan na rin kung bakit hindi naging hassle ang pagtugtog namin. "Woooooohhh!!!" Sigaw ng mga taong nandito sa bar. People are starting to be wild because of the alcohol and the beat of music. Saglit lang akong nakisayaw pero sunod-sunod pa din ang inom ko ng alak dahil maya-maya'y may nag aabot sa akin.

"Cha! Nahihilo na ako upo tayo!" Sigaw ko sa babae kong kabanda saka siya hinila patungo sa couch namin. Natatawa siya sa turan ko habang patuloy siyang hinihila. Halata na lasing na.

"Beb, gusto ko pang sumayaw! Minsan lang ulit ito!" Sigaw niya ng makarating kami sa table namin. Nandoon nakaupo ang iba naming kabanda at may mga kasamang ibang babae na hindi namin kilala.

"Saglit lang na upo Cha, sakit na talaga ng paa ko." Reklamo ko bago naupo. Ganoon din ang ginawa niya kahit na nakasimangot.

"Napagod na agad kayo kasasayaw?" Tanong ni Jasper sa amin ng makita kami. "Oo, ang wild na sa dance floor." Natatawang sagot ko bago kinuha ang cellphone ko sa purse ko para i-check kung nag text ba si Marco sa akin pero ni isang text ay wala akong natanggap maliban na lang sa text ng katrabaho ko na si Shane.

From Shane:
9:48 p.m.
Rev, I saw Marco here at CC Bar and guess what? He's with a girl. I'll send you the pic.
Attached Photo.

Napakunot ang noo ko sa nabasa bago ko ki-lick yung picture. Halos palaglag ang panga ko sa nakita. He's kissing the girl my god!

May kutob na ako noon pa man na nagloloko siya pero wala lang akong proof but now I need to see it physically kaya kahit isang oras na ang nakakalipas ay nireplyan ko si Shane.

To Shane:
10:34 p.m.
Nanjan pa din ba sila?

Agad siyang nagreply.

From Shane:
10:35 p.m.
Yes, he's still with the girl. Pupunta ka ba? I'll wait for you.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na tumayo. Ni hindi ko nga namalayan na kinakausap pala ako ni Jasper.

"Oh? Saan ka pupunta? Uuwi kana?" Tanong ni Jasper ng kunin ko ang purse ko at tumayo. "Oo nga? Akala ko ba sasayaw pa tayo?" Tanong naman ni Cha.

"No. I'm not going home yet pero may huhulihin lang akong aso na nakawala sa kulungan." Malamig na tugon ko.

"O-okay then? Goodluck!" Paalam ni Cha. Hindi ko na hinintay pa na mag salita pa si Jasper at tuluyan ng lumayas doon. I start the engine of my black Ducati at agad na pinaharurot papuntang CC Bar. I need to get off him on cam. Iyon ang laman ng utak ko buong byahe. Wala na akong paki-alam kung over speeding ako ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mahuli siya ng actual.

"Where is he?" Malamig na tanong ko kay Shane nang makarating ako. She waited on me at the parking lot. "Rev, I'm really sorry for telling you. I know na deserve mong malama-"

"You don't have to say that Shane. Just tell me where the hell he is! Nang masampal ko  siya!" Inis na lintanya ko. Wala na akong paki-alam kahit magulo ang itsura ng boy cut hair ko ngayon dahil sa biglaang pagtanggal ko ng helmet ko.

"Tara, sasamahan kita." Sagot niya bago ako iginaya sa loob ng bar. Umakyat kami sa second floor at sa hagdan pa lamang ay kitang kita ko na ang nakalingkis na braso ng babae kay Marco. Hindi ako lumapit agad. Pinanood ko kung paano sila magbulungan at hagikgikan na kulang na lang ay magkapalit sila ng mukha.

Waves of Sky (Billionaire Series 1)Where stories live. Discover now