CHAPTER 2

6 0 0
                                    

"WHERE are you going?" He asked matapos tumabi sa akin at makumutan ang hubad kong katawan. I stood up and pick up my clothes to get dressed. I'm done tonight, I need to go home. Ni wala na nga din ang tama ng alak sa sistema ko.

"I'm going home." Malamig na sagot ko habang siya ay matiim akong pinapanood sa pagbibihis. Tangina! Nakakakilang!

"Eh? You don't want to... cuddle?" He asked again. I raised my eyebrows and face him. He smirked when he saw my reaction.

"I was just asking since I was your first... baka you need to... you know? To feel better because I am pretty sure you are sore right now." He continued. I breath in. Trying to control my anger because it seems like, he's insulting me.

"Im sorry, but I don't need to cuddle even it is my first. I am just here for experience. Nothing more, nothing less." He pursed his lips and it seems like he didn't like what I told him.

"And I gave you a best experience, right?" Hoping that he will get a satisfaction rate but of course, I won't give what he want. Pilya ako e.

I smirked. "Pwede na...kahit papaano." Sagot ko saka siya tinalikuran.

Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis dahil sa ginawa ko ngayong gabi. Tangina! Ang tanga-tanga mo Natasia Reverie Pascual! Ilang beses mong tinanggihan si Marco na boyfriend mo tapos ngayon? Sa isang lalaki na hindi mo naman kilala mo ibinigay ang virginity mo! Ang tanga mo talaga! You let your emotions eats you.

Nang bumukas ang elevator, agad akong dumeretso sa reception at nagbayad. Ayoko na isumbat ng lalaki iyon ang pagbabayad kapag magkita kami. I doubt it. I am pretty sure na hindi na pero kapag talagang minamalas ka nga naman. Kaibigan pa nila Trevan itong lalaki na ito.

"Yuan, si Reverie childhood best friend ko at si Shane, kaibigan ni Rev." Pakilala ni Trevan. "Rev, si Yuan,kaibigan ko." Wala akong maintindihan sa nangyayari ngayon. Parang nalutang ang utak ko.

"Ah... excuse me. Rest room lang ako." At agad na tumayo. Dere-deretso ako sa banyo ni hindi ko nga inabot ang kamay ng Yuan na iyon dahil sa gulat.

Potangina! Ang buong akala ko hindi na kami magkikita.

"Shit naman kasi Natasia Reverie! Bakit ba kasi naiisipan mong gawin iyon?" Sermon ko sa sarili ko katapat ang salamin. Ako lang ang mag-isa dito.

Anong gagawin ko? Babalik ba ako doon o uuwi na?

What if, umuwi na lang ako? Sabihin ko may mga paper works pa akong kailangang tapusin. Pero paano kung isipin ng Yuan na iyon na affected pa din ako Kahit na six months na ang nakakalipas? What if isipin niya na kaya ako umiiwas dahil hindi ko makalimutan kung paano niya ako pinaligaya noong gabing iyon?

Tangina talaga! Hindi! I won't go home. Kailangan kong ipakita na hindi ako apektado.

Tama! Iyon ang tama!

Pagkabalik ko ay agad akong naupo upuan ko kanina. "Uhm, I'm sorry about earlier... I'm Reverie but you can call me, Rev." Poker face ang mukha ko nang sinabi ko iyon saka naglahad ng kamay. He gave me a smirked saka hinawakan ang kamay ko.

"Yuan. It's nice to see you... again." Makahulugang sabi niya at bahagyang pinisil ang kamay ko. Agad kong binawi iyon. Mas lalo siyang napangisi.

"Nagkita na kayo?" Agad na tanong ni Trevan.

"Yeah. Actually-"

"Yes. Sa bar ni Steve...noong tumugtog kami." Putol ko agad sa sagot niya. He licked his lower lips to stop himself from smirking pero kahit na ganon, naiirita pa din ako. He's making fun of me obviously!

"Oh! That's good then. Yuan also into music. For sure magkakasundo kayo." Si Diego.

I narrow my eyes at this Yuan and he's looking at me intently. "Yeah, I'm into music. We can hang out next time if you want." Nakangiting turan nito. I get my glass saka ininom iyon ng deretso.

Waves of Sky (Billionaire Series 1)Where stories live. Discover now