"REVERIE! May padala na naman ang ex mo." Bungad agad sa akin ni Cha matapos kong makapasok sa opisina namin. Kaagad ko ding nakita ang isang bungkos ng mga tulips sa harap ko at isang wrapped box. Napailing na lang ako.
Kaagad kong kinuha ang mga iyon at tinatapon sa trash bin at ang regalo naman ay inilay ko sa isang karton kung saan nandoon din ang mga nauna pang ipinadala ni Marco sa akin. It's been six months simula noong niloko ako ni Marco at matapos iyon, sinusuyo niya ako sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga bulaklak at regalo.
Nagka-usap na kami tungkol dito, I already told him that I don't want us to go back pero masyado siyang mapilit. Hindi ko na lang ini-entertain dahil naiirita lang ako lalo.
"Wow naman beb. Ang taas talaga ng pride huh? Anim na buwan na ang nakakalipas oh! Hindi mo pa din napapatawad?" Puna ni Cha, kabanda ko slash katrabaho. Hindi pa din niya ako nilulubayan simula ng sinalubong niya ako sa pintuan ng office namin.
"Cha, you know me. Kapag sinabi ko na ayaw ko, ayaw ko. Kaya kahit padalhan niya ako ng bulaklak ng patay, hindi ako matitinag sakaniya." Sagot ko saka naupo sa swivel chair ko. Napasimangot siya.
"Pero Rev, mukha namang nagsisisi at nagbago na iyong tao." Kontra niya. Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Once a cheater always a cheater, Cha. Tsaka akala ko ba kaibigan kita at galit ka sakaniya huh? Bakit parang kinakampihan mo na siya ngayon?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Pinanliitan ko siya ng mata.
"Gaga! Hindi sa ganon! Naaawa lang ako sa tao kasi mukhang nagsisisi na." Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang mukha ngang tama siya. It seems like, Marco really changed. Hindi na madalas sa bar and he's more focused on his business now. Based sa kwento sa akin ng mga barkada ko. Bukod doon, halos araw-araw niya din akong sinusundo sa trabaho kaya araw-araw ko din siyang tinatangihan. I know that, I was too harsh but, can you blame me? He cheated on me at sinira niya na ang tiwala ko.
Isa pa, ayaw ko na ding makipagbalikan pa. I wanted to enjoy my life right now, iyong single. Iyong walang iniisip na problema about love life. I wanted to enjoy it for now.
"Kaya ka na-uuto agad e! Masyado kang nagpapaniwala sa mga palabas na effort ng mga lalaki." Sagot ko lang kay Cha. Napasinghap siya handa na din akong batukan dahil sa mga sinabi ko. Dahil iyon naman talaga ang totoo.
Marupok siya. Kahit na ilang beses na siyang niloloko ng jowa niya, konting flowers at gifts lang nabibilog na agad siya.
"Hoy! Grabe ka ha! Masama bang magmahal ha!" Reklamo niya matapos hilain ang hanggang balikat ko na buhok.
"Oo, masama! Lalo na kapag sayo!" Singhal ko. Magkikipagtalo pa sana siya ng pumasok na ang head architect namin.
"Good morning, Architect Esperanza!" Bati ng mga ilang co-worker namin. Ganoon din si Cha.
"Morning." Malamig na bati nito bago tuluyan na pumasok sa sarili nitong opisina. "Sheeet! Ang gwapo talaga niya, Rev! Kapag talaga niloko pa ako ni Anton hindi ko na siya babalikan, si Architect Esperanza na ang jojowain ko." Si Cha na pinagpapantasyahan na naman ang Head Architect namin.
Sabagay, sino namang hindi? Gwapo, matalino, masipag, matangkad tapos mukhang may anim na pandesal! Sino ang hindi maakit sa appearance niya na iyon? Ang kaso, good luck sa ugali dahil kung malamig ang yelo, mas malamig ang head architect namin. Ni hindi ko nga alam kung may emosyon ba iyon o wala.
"Gaga! Para namang papatulan ka niyan!" Inirapan ako ni Cha. "Diyan kana nga! Ang KJ mo lagi sa mga pantasya ko." Aniya at padabog na nagmartsa patungong table niya. Tinawanan ko lang siya saka nag-umpisa na ding magtrabaho.
Interior Designer ako sa company ng childhood best friend ko na si Trevan Thomas Thompson. Their company, Thompson Empire, is very known not only here in the Philippines but also outside the country. They owned a lot of hotels, beach, malls, and a lot more kaya naman, kahit sino ay magtataka kung bakit naging matalik na kaibigan ko si Trevan Thompson at sobrang close ko ang pamilya niya samantalang I am not an elite. Minsan pa nga ay may mga nagsasabi na kaya ako nakakapagtrabaho sa kumpanya nila ay hindi dahil sa mga abilities ko kundi dahil kaibigan ko yung anak ng may-ari. I don't care about it, sanay na ako na husgahan. Ang mahalaga lang naman sa akin kaya dito ko naiisipan na magtrabaho after kong gumraduate ay dahil malaki ang utang na loob ko sakanila. Aside from it, tauhan na nila ang tatay ko noon pa man.
YOU ARE READING
Waves of Sky (Billionaire Series 1)
RomanceIt was a very long night for Natasia Reverie Pascual after seeing her boyfriend cheated on her. In order to forget that night, she just found herself drunk and making out with a multi-billionaire.