CHAPTER 2

10 0 0
                                    

AGAD kong clinick ang attachment na sinend ni Ely.

I was redirected to Vio's Facebook post. She posted her pictures yesterday with a caption;

Hello, new journey! Hoping for good college life and more friends to come!

She attached her two pictures wearing a brown tube top with a cream white cardigan and high-waisted pants. The picture was taken of only half of her body.

I clicked the comment section to find the comment of Aria. Nakita ko naman agad  'yon kasi andami nang replies.

Gerald Aquino
Ganda mo, miss. Paisa muna para maging friends tayo 😉

"Aba, tangina neto ha," nasabi ko na lang pagkabasa ko ng comment na 'yon.

Gigil na gigil na agad ako habang pinipindot ko ang 'view all replies'  sa comment na 'yon.

Vionne Cielo
Huh? You're funny naman haha

Gerald Aquino
Joke lang, lods. Meet up nga tayo

Vionne Cielo
Sorry, I'm busy these days eh

Patrick Reyes
May bago ka na namang target, tol. Laki ng hinarap, tol jackpot ka jan.

What the fuck?

Tristan De Guzman
Kami din, paisa.

Aria Skye Del Rio
bakit may naligaw sa account mong mga gago, Vionne?

Patrick Reyes
@Gerald Aquino Gago ka daw oh hahaha

Gerald Aquino
@Aria Del Rio Sino ka naman, epal ka dito

Tristan De Guzman
Joke lang naman, boss. Ito naman ang hirap pasayahin

Aria Skye Del Rio
@Tristan De Guzman eh kung pasayahin ko yang ulo mo?

Aria Skye Del Rio
@Gerald Aquino i-behave mo yang bayag mo, boi. kung ayaw mong putilin ko yan

Aria Skye Del Rio
@Patrick Reyes isa ka pa tarantado ka

Gerald Aquino
@Aria Del Rio Andame mong ebas

Aria Skye Del Rio
╭────༺♡༻────╮
      𝓼𝓪𝓷𝓪 𝓪𝓵𝓵 𝓶𝓪𝓹𝓪𝓷𝓰𝓱𝓮
╰────༺♡༻────╯

Tristan De Guzman
@Aria Del Rio bakit ka ba galit na galit? hindi ka naman namin inaano, binibiro lang namin si Vionne

Aria Skye Del Rio
@Tristan De Guzman biro ba yang pambabastos niyo? eh kung ipa-guidance kita makakapagbiro pa kaya kayo nang ganyan?

Gerald Aquino
@Aria Del Rio Manahimik kang babae ka, kababaeng tao mo

Aria Skye Del Rio
@Gerald Aquino nugagawen ko sa "kababaeng tao" comment mo? feeling superior ka na niyan?

Patrick Reyes
@Aria Del Rio Manahimik ka na. Si Vionne nga hindi nagalit tapos ikaw parang kiti-kiti na jan

Aria Skye Del Rio
@Patrick Reyes 'di porket hindi siya nagalit sa comment niyo okay na ang pambabastos niyo, grabe may nag e-exist pa palang tulad niyo

Gerald Aquino
@Aria Del Rio Nakikipagkaibigan lang naman ako. Tigil mo na yan kakadakdak mo jan

Aria Skye Del Rio
@Gerald Aquino ay hindi! walang titigil kakadakdak, kaibiganin mo yang bayag mo. hindi kami papayag na lapitan mo 'yang si Vionne. hindi belong sa circle of friends ni Vionne ang bastos at tarantado

CrossedWhere stories live. Discover now