1st Coffin

152 17 4
                                    

Labinlimang minuto bago ang ganap na alas-nuebe ng umaga, mataas na kaagad ang araw. Sumasaglit ang ihip ng hangin sa mga puno na may kayang magpalipad ng iilang tuyong dahon. Sa isang sulok ng kalye Rodriguez nakatirik ang may gulang na bahay. Apat na henerasyon na ang tumira roon kaya napaglipasan na ang pintura. Wala nang humahamak pang gumawi sa tapat ng bahay na iyon dahil usap-usapan na may nakatira ritong mangkukulam.

Subalit, mali ang mga mamamayan sa paligid ng Rodriguez St. Ang tinutukoy nilang mangkukulam ay isang dalaga na hindi kakilala ng araw. Hindi ito lumalabas at wala ring kinakausap na kapitbahay. Mapayapa itong namumuhay sa loob ng bahay. Nagbago lang ang takbo ng oras dahil sa pagkakamaling ginawa niya noong nakalipas na isang gabi.

Kung gaano ka-luma ang itsura ng bahay sa labas, ganoon naman ang kaibahan nito sa loob. Puti ang pintura ng bawat pader at kulay kahoy naman ang mga gamit.

Sa kusina kasalukuyang nanatili ang isang lalaki at isang babae. Kumpleto sa gamit pangluto ang loob. May gas stove, pressure cooker, 5ft refrigerator, at mga kabinet para sa kaldero, blender at oven.

Nakabukas ang bintanang parating tikom dati. Nakaupo sa tapat nito ang isang binatang literal na nag-uusok. Samantalang, mas mainit pa sa pinakulong tubig ang ulo ng dalagang nakatira rito.

"Masyadong matabang 'to, Medea," ani ng binata matapos ang ikawalong baso na itinimpla sa kanya ng isang dalaga.

Inilapag nito ang tasa sa center island ng kusina. Bumalik ulit ito sa tapat ng bintana. Nakatingin lang ito sa labas at mukhang naaaliw sa mga tuyong dahon na nakakalat sa paligid.

"Hindi ka ba mamamatay dahil sa pagtapat mo sa araw?" Hindi mapigilang tanong ni Medea.

"Mamamatay," diretsong sagot ng binata. "Subalit, kung ikaw ang nasa katayuan ko, magugustuhan mo ring batiin ang haring araw matapos ang mahabang panahon ng pagtulog."

Umirap si Medea. "Whatever." Bumalik na lang ang dalaga sa muling pagtitimpla ng kape.

Gusto na lang ni Medea na ipapapak sa kasama ang isang pack ng nescafe black. Kanina pa ito nagrereklamo tungkol sa lasa ng kape habang siya naman ay gawa nang gawa.

Ibinagsak na lang niya ang tasa sa lababo. Hinihintay niya ang pag-init ng takure kaya naghugas muna siya ng plato't tasa.

"Medea, nagugutom ako."

Kung pwede lang niyang ibigay ang sariling dugo para sa binata, gagawin niya.

"Ayaw mo ba ng dugo ko?" tanong niya habang itinatapat sa gripo ang isang babasaging plato.

"Ayoko," walang pakundangang sagot ng binata. "Mapakla ka."

Parang stake na sumaksak sa puso niya ang sinabi ng kausap.

"Ito na nga, gagawa na ulit ako ng kape mo."

Dahil sa pagkairita ni Medea, ibinuhos niya ang isang 25 grams na nescafe black sa babasaging pitsel. Sa pagtitig niya sa umuusok na takure, nagsisimula nang dalawin ng pagsisisi ang puso niya.

Sana hindi na lang niya binuksan ang kabaong ng bampirang si Josh Cullen, ang mortal na kaaway ng pamilya nila.

The Coffin is OpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon