12th Coffin

43 9 16
                                    

Natagpuan na naman ni Medea ang mga paa paakyat sa lugar na ayaw na niyang balikan. Nakatatak muli sa isip niya ang sumpang pinilit na niyang kalimutan: ang sumpa ng mga Morales sa kanya. Tunay naman niyang kadugo ito pero sa isang bagay lang makukumpirma kung bakit nagkaganito ang pamilya nila.

Malalim ang bawat paghinga ni Medea habang humahakbang. Nanginginig rin ang kanyang tuhod. Ganito pa rin naman ang mga gamit sa attic. Walang pinagbago sa loob ng iilang linggo.

Nagtungo siya sa isang may di kalakihang itim na kahon. Kinuha niya mula rito ang isang maliit na libro. Sa pabalat nito nakaukit ang titulo.

Maryll & Matilda

Binuklat iyon ni Medea. Sa amoy pa lang ng lumang pahina ay nakaramdam na siya ng antok, subalit, nilabanan niya ang sarili. Hindi siya pupwedeng tamarin sa pagbabasa ngayong oras.

Ang tagal na niyang iniwasan ang paghahanap ng dahilan pero ngayon, hindi na siya pwedeng pumikit pa. Kailangan niyang dumilat sa katotohanan.

Binasa niya ang nasa pahina.

Maryll Morales.
Matilda Morales.

Sa aming pitong magkakapatid, pangatlo si Maryll. Samantalang pang-apat naman ako. Malalaki ang agwat ng taon namin maliban sa aming dalawa. Kaya kami lang ang nagkaka-intindihan at nagkakasundo.

Ayaw naming dalawa na maisailalim sa kontrol ng aming ama. Isa itong kilalang manlulupig ng ibang nilalang. Ang turing kay ama ay isang tagapagligtas. Silang dalawa ng kaibigan ng aming pamilya, ang mga Salvacion.

Para may tagapagmana ang ama, pito kaming nag-aaral ng buhay niya. Musmos pa lang ay naituro na sa amin ang tamang paghawak ng punyal. Mas maiging sa gitna kami nito humawak. Mas akma rin kung buong kamay ang gamit. Sa aming lahat, si Maryll lang ang may perpektong kakayahan.

Tuwang-tuwa si ama kay Maryll. Kahit ako rin ay napapalakpak noong unang nakahuli ng bampira ang kapatid ko. Mabilis pa nga itong iginapos at binawian ng buhay. Habang ang lahat ay namamangha sa kanya, bigla akong tumahimik.

Kitang-kita ko ang mga mata ni Maryll, wala na itong buhay. Blangko na ito. Halatang pagod na pagod na. Gusto kong itanong kay ama kung ano ang ginawa niya sa kapatid ko subalit natatakot ako sa pagiging istrikto niya. Ayokong mapag-initan ako. Lalong-lalo na si Maryll.

Ang naalala kong sinabi ng aming panganay na kapatid, kaya raw ganoon si Maryll ay dahil nakuha nito ang reincarnation. Sa aming magkakapatid, siya ang may kakayahan na mabuhay sa sunod pang henerasyon kahit na mortal.

Noong nakaraang linggo, naging usap-usapan ang mga diwata. Bantay raw ito ng ilang angkan dito sa sitio. Gusto ko ngang itanong kay ama kung meron ba kami nito. Kung meron, pwede ba naming makita, makausap o makalaro?

Nang makauwi ako sa bahay, narinig ko ang pagtatalo nila ng kaibigan na mula sa angkan ng mga Salvacion.

"Hindi pwedeng magkaroon ng Bantay ang mga angkan natin!"

"Anong hindi pwede?! Mas lalo nga tayong lalakas kung meron tayo kahit isa lang." Malinaw na naman ang pagiging gahaman ni ama.

The Coffin is OpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon