15th Coffin

30 4 11
                                    

Walang balitang lumalampas sa tainga ng isang dakilang tsismosa.

Tsismis ang pangunahing hanapbuhay ni Chim. Literal na hanapbuhay dahil naghahanap siya ng buhay na mapapakialaman at mapag-uusapan. Pangalawa na lang ang talagang hanap buhay niya na isang milktea shop. Pangalawa nga ba o nasa hulihan na?

Bakit pa ba siya mababahala sa pagpapatakbo ng negosyo kung maayos naman ang buhay niya?

Si Chim lang naman ang unica hija ni Mayor Avidez. Past time na nga lang niya ito dahil mas priority niya ang mangialam sa buhay ng iba.

"Oh, ano 'yan?" bulong ni Chim. Sakto lang iyon sa pandinig ng kasama niya.

Nakaturo ang nguso ng dalaga sa labas ng glass window. Sa mismong tapat ng milktea shop niya. Kasalukuyan kasing pinipinturahan ng itim ang dating coffee shop ng karibal niya.

"Bagong coffee shop na naman, Ma'am," sagot sa kanya ng barista.

"Bago? Kakaalis lang nung Grave, may bago na naman?!" Halos mag-usok ang ilong at tainga ni Chim sa nalaman.

Mukhang ang balita na ito ang naglakas-loob na lumampas sa pandinig niya.

Mas lumapit si Chim sa glass window para panuorin ang nagpipintura. Isang babaeng  naka-piggy bun at may berde na dress na pinaibabawan ng isang puting apron. Kasalukuyan nitong binabalot ng itim na pintura ang labas ng pwesto.

"Ba't itim 'yan? Ang pangit naman. Imbis na dadayuhin ng customer, lamok lang ang pupunta d'yan."

Umismid ang barista sa narinig at bumalik na lang sa kusina. Alam niyang uulan na naman ng panlalait sa shop. Mas minabuti nitong huwag na lamang pakinggan ang babae. Baka paminta pa ang mailagay nito sa milktea imbes na pearls.

Narinig ng barista ang pagtunog ng chime bell. May bago silang customer. Mabuti naman. May dahilan na ito para hindi pakinggan ang mga salita ng amo.

Sinilip ng barista ang bagong dating. Natulala na lamang siya sa ganda ng customer.

Samantalang, nangungulubot na ang noo ni Chim. Mahaba na rin ang nguso dahil sa pang-uusisa niya. Hindi na rin napigilan pa ang sarili na lumabas sa shop.

Mabibilis ang mga hakbang niya papalapit sa babaeng nagpipintura pa rin sa ilalim ng kasikatan ng araw.

"Bago ka rito?" tanong ni Chim. Gusto niyang malaman ang pangalan nito para mai-report sa kanyang daddy.

Lumingon ang babae na may spectacles pa. Tumaas ang kilay ni Chim dahil sa kinis at morena nitong balat.

"Ay, matagal na 'ko dito. Taga-Rodriguez lang ako," sagot ng babae sa kanya.

"Anong pangalan mo?"

Nakita ni Chim ang pagtaas ng kilay ng kausap niya kaya mas tinaasan pa ang kanya.

"Uh... Medea. Sa opening pala namin, punta ka ha. Libre kita."

Hindi napigilan ni Chim ang pag-ismid. Anong libre? Hindi ba kilala ng Medea na ito kung sino ang kausap niya?

"No need na Medea. Owner ako ng milktea shop d'yan sa tapat," saad ni Chim. Itinaas rin niya ang gilid ng labi. Ilang sandali lang ay nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig.

"Oh? Owner ka pala? Eh 'di, ako na lang ang ilibre mo."

Humalukipkip si Chim. Hindi niya hahayaan ang oportunista na ito na magkaroon ng negosyo sa mismong tapat ng negosyo niya.

"Magkano ba ang kailangan mo para mapaalis kita dito?"

Kumunot ang noo ni Medea. Ibinaba rin nito ang hawak na paint brush. Baka hindi nito mapigilan ang sarili na pinturahan si Chim.

The Coffin is OpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon