Chapter 3: Ma-fafall na ba ako? Part 2.

18 1 0
                                    

Nung nagkita kami ni Mary sa school, Thursday ng umaga, kinausap niya agad ako.

"Ken, sorry sa kahapon at kagabi ah. Alam mo namang masakit yung nangyari sa amin ni George, pwede bang kalimutan mo na yun? Hiyang-hiya kasi ako sa'yo eh." Pakiusap ni Mary.

"Mary, hindi mo kailangang mag-sorry sa akin, wala kang kasalanan. OBLIGASYON ko na maging isang kaibigan na tutulong sa'yo kapag lahat ng hindi maganda ay nangyayari sa buhay mo. Yun ang kaibigan, palaging nandyan sa tabi mo, masaya man o hindi." Sabi ko kay Mary.

"Ken, hindi mo obligasyon na maging takbuhan ko kapag nasasaktan ako, hindi ko naman hinihingi yun sa'yo eh." Sabi niya sa akin.

"Eh, basta! Wag ka na ngang makulit, basta tandaan mo LAGI AKONG NANDITO PARA SA'YO!!!! :))) Okay?" Pangungulit ko sa kanya.

"Okay." Sagot niya.

Nung dapat ay lalakad na kami, bigla niya akong niyakap at bigla siyang umiyak sa balikat ko.

"Oh Mary, bakit ka umiyak bigla?" Tanong ko sakanya.

"Ikaw kasi eh! Masyado kang caring. Parang tinuturing mo na akong kapamilya mo kahit kailan lang tayo nagkakilala at naging close sa isa't-isa." Sagot niya.

Sabi niya sa akin.

"Sus! Talaga 'to oh! Para yun lang eh. Alam mo naman yung mga tipo ng tao na kagaya ko, handa kong itaya ang buhay ko para sa mga kaibigan ko, lalo na kung ikaw kasi babae ka eh." Sabi ko sa kanya.

"Sige na nga, Ken. I love you as a friend." Sabay yakap niya ulit.

"Okay, I love you too as a friend." Sagot ko sa i love you niya.

~KENNETH'S POV~

Nung sinabi mo na mahal mo ako bilang kaibigan, hindi ko talaga alan kung saan pupunta yung pagkakaibigan natin eh. Parang magkaibigan LANG tayo pero bakit may nararamdaman ako para sa'yo. Alam kong hindi tama 'to. Pero bakit hindi ko na mapigilan yung nararamdaman ko. Parang, tangina lang! Kahit magselos ako pag mag kasama kang iba, wala akong magawa kasi wala akong karapatan na magselos. Kasi hindi ka naman akin at higit sa lahat hindi naman tayo. Pag nagkaroon ng pagkakataon, chechempuhan ko nalang yung tamang oras para sabihin sayo yung sinasabi ng puso ko para sa'yo. At habang may pagkakataon ako na mahawakan yung mga kamay mo, masulyapan yung mga ngiti mo, at maramdaman ang mga yakap mo.

~MARY'S POV~

September pa lang naman, pero ba't parang ang bilis ko naman ata na-fafall sa'yo. Shit! Bakit ganito yung nararamdaman ko, hindi ko maintindihan hanggang ngayon. Mahal na ba kita o we just need to take one step closer to being lovers? MU muna? Eh babae ako, hindi dapat ako ang gumawa ng first move. Sana naman Ken, makaramdam ka na sana ng kahit konti para sa akin. Alam kong kaibigan lang din ang tingin mo sa'kin pero ako may iba ng nararamdaman eh. Yung tipong kahit makita ko lang yung ngiti mo, mayakap lang kita at yung paghawak ko yung mga kamay mo. Iniisip ko SANA MAGING AKIN KA. Kahit na alam kong wala akong pag-asa dahil nahihiya akong magsabi sa'yo. Hay nako! Ano ba ito?

Are You The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon