Carl Santos POV
Sobrang ganda talaga ng view dito sa dagat kaya gustong-gusto ko ang pagmamasid dito. Mahaba man ang byahe papunta dito sa San Juan, Launion hindi ako mapapagod na umuwi dito tuwing day off ko, kahit dalawang araw lang ang day off ko talagang uuwi ako sa probinsya namin.
Sobrang ganda dito lalo na sa bandang Agoo, yung mga taniman, mga puno ng saging at mais sobrang ganda talaga. Isama mopa ang simoy ng hangin purong-puro walang halong polusyon.
Kailan lang nabalitaan ko na lumubog daw ang malaking barko dito sa mismong dagat na tinitignan ko ngayon, nakakalungkot pero sobrang daming nawalan ng buhay at maraming nawala na empleyado at hanggang ngayon wala pa silang balita sa mga ito.
" Tulong! "
Saan nanggagaling 'yon?
" Tulon- "
" Nasaan ka? Saan 'yon? " Tanong ko sa sarili ko. Naglakad-lakad ako sa gilid ng dagat pero wala akong makita hanggang makita ko ang isang babae na yakap-yakap ang isang malaking maleta at umiiyak.
Mabilisan akong tumalon sa dagat at lumangoy ng kaunti papunta sakanya. Posible kaya na isa siya sa mga pasahero sa malaking barko na lumubog?
" Hindi kita tatanungin kung ayos kalang ba kasi halata naman pero anong nangyari sayo? " Tanong ko dito habang inaalalayan ito sa pagtayo.
" Kasa-ma kami sa lu-mu-bog na bar-ko. " Halos hindi nito matapos ang sinasabi niya dahil sa pag-iyak at nilalamig siya.
" Kami? "
" Yung anak ko, hindi kona makita. Yung ba-by ko, yung ba-by ko tulungan mo a-ko, yung baby koooo. " Halos umupo na ito sa kinatatayuan namin ngayon at naiiyak na rin ako sa nangyayari sakanya.
" Tulungan mo'ko, buhay pa yung baby ko. Kakasilang kolang kay Rachelle. Tulungan mo ako please, " wala akong magawa kung hindi matahimik nalang dahil alam kong wala na ang anak niya at malabo ng makita ito.
" Tahan na, hahanapin natin ang anak mo. " Tumahan siya at biglang natahimik ang paligid namin.
" Ano ang pangalan mo Ate? " Matagal bago ito sumagot. Mukhang pinag-iisipan niya ang sasabihin niya.
" Yza, oo Yza ang pangalan ko. Ikaw ba? " May weird sa sagot nito saakin at mukhang ayaw niya na magbigay pa ng ibang information about her.
" Carl, dito lang ako sa San Juan nakatira. "
" So nandito tayo sa Launion? " Tumango ako bilang sagot.
" Sige na, mukhang giniginaw kana ate. Matands ka naman siguro ng ilang taon sakin tama? "
" 26, ikaw? "
" 24 ako, " ate konga yung kausap ko. " Oo nga pala, pwede kang mag-stay saamin hanggang sa makarecover ka at makahanap ka ng titirhan mo. Hindi kita pinapaalis ha? Mabait naman mga magulang ko for sure aasikasuhin ka ka nila. "
" Okay sige. Malapit lang naman ako dit- " napupulot lang sinasabi niya pero sapat na 'yon para maintindihan ko. May part sa tao na ito na nagtatago sa kung kanino at ayaw ipakilala ang sarili niya ng maayos. Pero naiintindihan ko naman.
" Maiba ako, hindi niyo kasama sa byahe ang asawa mo o ang tatay ng anak mo? " Napayuko ito sa tanong ko.
" Hindi kami mahal ng asawa ko, dahil sa ginawa niya nawalan ako ng anak. " Puno ng galit ang mga salita na lumalabas sa bibig nito. " Sa oras na makita ko ulit ang asawa ko, sisiguraduhin ko na mararamdaman niya ang naramdaman ko. "
Inalalayan ko nalang si Ate Yza papunta sa bahay namin baka ako pa ang mapatay niya. Ang daming nangyari sa araw na 'to. Hindi ko man maintindihan si Ate Yza ngayon sa mga sinasabi niya tungkol sa asawa niya pero naiintindihan ko siya sa part na nawalan siya ng anak.
Tutulungan namin si Ate Yza hanggang kaya namin sa ngayon sa bahay na muna siya mag s-stay.
Pero bago pa kami makarating sa bahay may isang bagay na napansin ako sakanya, yung kwintas niya na may mukha ng isang lalaki. Maliit lang ito pero sapat na para makita mo na isa nga itong lalaki. Parang artista nga ang dating nung lalaki, siguro idol niya ito pero may side sa isip ko na hindi niya idol lang o ano. Hindi kaya ang asawa niya ang nasa kwintas niya?
Sino ka ba talaga Ate Yza?
BINABASA MO ANG
HIS TERRIFIED MARRIAGE
Storie breviHIS TERRIFIED MARRIAGE BL/MPREG Story Written by: @Aboutfictionx Carl Santos dreams of getting married like what he sees on television, but what if the marriage he hopes has a twist? Isang lalaki na hindi nakapag-tapos sa pag-aaral dahil sa kahirapa...