He For Him

23 1 1
                                    

Story Promotion No. 66

Title: He for Him

Author: Sebastian_Bautista

Genre: Boys Love, General

Fiction, Coming of Age

Status: On-going

Blurb:

In pursuit of one's happiness and meaning of life, Karl Anthony 'Kai' Ignacio found his self locked behind bars after spending a one week getaway trip with Him. A total stranger with an attractive half-smile who fancies eating a lollipop and meddle with other people's lives.

Prologue:

"Sa mahigit isang linggong nawala at pinaghahanap kayo ng kapulisan, sinasabi niyo ba sa akin ngayon na trip niyo lang umalis ng walang paalam sa mga magulang niyo?"

Kaharap ng isang pulis ang dalawang binatang napabalitang nawala mahigit isang linggo na ang nakalilipas.

"At ano 'to? Burglary, malicious mischief, trespassing, at.. jusko ang dami! Ano bang mga pinaggagawa niyo sa mga buhay niyo?" nagtatakang pagka-klaro pa nito ngunit kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagka-irita dahil sa nalamang impormasyon.

Napa-ismid ang isa sa mga binata at nagde-quatro pa sa harap ng pulis.

"Bakit, ano po bang mali sa ginawa namin? Iba-iba ang trip ng mga tao sa buhay, sadyang nakikiuso lang kami," sarkastikong sagot nito saka binalik sa bibig ang kinakaing lollipop.

Kitang-kita ang tapang at tahas sa pananalita ng binata na pawa bang wala itong kinatatakutang parusa at sanay na sanay sa ganitong klase ng engkwentro.

Makikita naman ang takot at pangamba sa mukha ng binatang kasama niya.

"Umayos ka nga! S-Sorry po," paumanhin nito.

Nainis ang pulis sa inasta ng dalawa at nalukot na lang ang papel na hawak. Ilang sandali pa ay tumayo ito at kinuha ang isang tungkos ng mga susi at binuksan ang maliit na kulungan sa loob ng kwarto.

"Pasok," tanging sambit nito habang matalim na nakatingin sa dalawang binata na kaniyang kausap kanina.

Walang salitang tumayo ang binatang kumakain ng lollipop. Kinuha nito ang kaniyang bag at agad pumasok sa kulungan at naupo sa isang tabi habang kinakalikot ang kaniyang cellphone.

"Ikaw, walang balak?" medyo pagalit na tanong ng pulis sa isa.

"S-sorry po ulit," sagot nito at sumunod sa kasama.

Nang makapsok na ang dalawa, mabilis na kinandado ng pulis ang kulungan at bumalik sa kaniyang pwesto.

"Mananatili kayong nakakulong diyan ng mahigit labing-dalawang oras. Makakalabas lang kayo sa oras na may nag-piyansa at sumundo na sa inyo,"

Napatayo naman ang huling binatang pumasok sa kulungan.

"Pero Sir, paano po kung walang sumundo?" nangangambang tanong nito habang nakakapit sa rehas ng kulungan.

Iritado namang natawa ang pulis at napayukom ng kamao.

"Problema ba 'yon? Di walang uuwi. Mabulok kayo diyan!"

Tulalang napaupo ang binata.

Samu't-saring mga bagay ang pumasok sa kaniyang isipan. Hindi niya lubos magawang mag-isip ng matino dahil sa sitwasyong kinalalagyan.

Nailamutak na nga lang niya ang kaniyang mukha at depres na napatingin sa pwesto ng kasama na ngayon ay nakangiting kumakain ng lollipop.

Kung hindi niya siguro ito lubos na kilala, baka kumunot na ang noo niya at nabadtrip.

Ngunit sa hindi malamang dahilan, unti-unti din siyang napangiti at mahina pang natawa.

"Ano ba 'tong pinasok natin?" tanong nito.

Napabuntong hininga siya at napapikit. Napaisip sa mga susunod pang mangyayari ngunit kahit anong pilit niyang silipin ang pwedeng mangyari, isang bagay lang ang pumapasok sa kaniyang isipan.

Ang imahe ng kaniyang sarili at kasamang binata na nakupo sa bubong ng pulang pickup truck at tahimik na pinapanood ang payapang tanawin ng isang kalmadong bulkan.

Dahan-dahang napangiti ang binata at sa pagmulat ng kaniyang mga mata, kusang bumalik sa kaniyang isipan ang alaala ng lumipas na linggo na binuo ng isang 'medyo kakaiba' ngunit napakagandang memorya.

Dahan-dahang napangiti ang binata at sa pagmulat ng kaniyang mga mata, kusang bumalik sa kaniyang isipan ang alaala ng lumipas na linggo na binuo ng isang 'medyo kakaiba' ngunit napakagandang memorya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wattpad Stories PromotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon