VII

197 12 0
                                    

Meet  the boss

"GISINGIN niyo, papunta na dito sila boss." Rinig kong sabi ng lalaking kapapasok lang. Hindi ko makita dahil may sakong nakalagay sa ulo ko.

Bigla namang nakaramdam ako ng lamig, bwesit! Binuhusan ako ng malamig na tubig! Nagkumawala ako, nagbabasakaling mahulog man lang 'yong sako.

Pati 'yong baba ko ay may tali rin, kaya kung sumigaw ako ay hindi gaanong kalakas. Pag nakawala lang ako dito malalagot kayo!

"Gising na, hyper na hyper oh." Kahit hindi ko makita ay alam kong nakangisi na 'to. Hindi ko magalaw ultimo 'yung mga paa ko. Itinali ba naman, takot atang masaktan ko sila.

"Kamusta," Tanong ng kakadating lang. "Nabanatan niyo ba?" 'Yon 'yung babaeng nakaaway ko!

"Hindi pa boss—" 'di pa tapus magsalita 'yong isa ay bigla nalang may lumagapak sa sahig.

"BAKIT HINDI NIYO PA BINUGBUG!! KITA NIYO NAMAN 'YUNG GINAWA NIYA SAKIN!!" Pisteng babaeng 'to gusto akong balatan ng buhay!

Ramdam ko namang may nagmamadaling naglakad papalapit sa pwesto ko. Agad ako nakaramdam ng sakit nang biglang hakmain nito iyong dalawa kong pisnge.

Piste kung inggit na inggit ka sa pisnge ko, sayo nalang. Nakakasakit kanang putrages ka!

"Wala ka ng takas sakin ngayon!" Kung makapanggigil din 'tong babae na 'to. Mamaya ka sakin.

Tinanggal niya 'yong sako kaya naman ay nakita ko na 'yong nanggagalait na mukha niya. Tinanggal niya 'yong tali sa bibig ko ng marahas. Masakit, malamang! Dinuraan ko siya, sabay ngisi ng malaki.

"You." Sabay turo sa pagmumukha ko. "YOUR DISGUSTING!!" Sabay sampal sakin ng malakas, at magkambal pa! Napadura ako ng dugo sa gilid ko. Nabali ata 'yong panga ko sa ginawa niya.

Ininat-inat ko pa muna ang baba ko bago matalim na tinignan siya.

"The hell, you. You. Are. The. One. Who. Is. Disgusting." Akmang sasampalin niya nanaman ako ng linakihan ko lang siya ng mata.

"Try it. You'll see the hell once I get out of here." Malamig na sabi ko. Imbis na makinig ay pinagsampal sampal niya ako ng maulit ulit. Namanhid na ata ang mukha ko sa ginawa niya.

"Kung makikita ko ang impyerno, ide sulitin natin." Sarkastikong sabi niya habang nakangisi.

Sasagot na sana ako ng pabalang nang may maramdaman akong tumutulo sa bibig ko, galing sa ilong! Shit naman, nagdudugo 'yong ilong ko. Hindi talaga ako aalis dito ng hindi din napapadugo 'yang pagmumukha niya!

"Ohh, look how ugly you are!" Ano nanaman 'to? Trashtalkan?

"Pakealam mo? Ikaw nga, nangingitim na 'yang eye bags mo!" Malaking ngisi ang ipinakita ko sa kaniya.

"Bobo!! Make up yan!" Sinampal niya nanaman ako, humalakhak nalang ako. 'Di ko na maramdaman 'yong sakit, namanhid na e.

"Ahh make up pala yan, grabe naman 'yan, para kang sinuntok e." Sabi ko pa. Dinuro-duro niya pa ako.

"Ang lakas ng loob mong magsabi ng ganiyan, bakit? Nakikita mo ba sarili mo?! Manalamin ka nga!!" Sinikmuraan niya naman ako, hindi ko mahawakan ang tiyan ko para sana iipit at nagbabasakaling maibsan 'yong sakit kaso hindi, nakatali din 'yung kamay ko! Ang nagawa ko lang ay iniinda ang sakit na nararamdaman habang nakayuko.

Nang unti unti nang gumaan at hindi na gaanung kasakit ay tinignan ko siya. At nanginginig na bumuntong hininga. Bwesit! Ramdam ko 'yong luha ko sa gilid! Tutulo na!

"Ohh, nagmatapang tas iiyak din naman. Bravo!!" Sigaw niya, at sininyasan ang mga kasama na tanggalin ako sa pagkakatali.

Una nilang tinanggal ay 'yung nasa paa ko, hinintay ko pang tuluyan nilang matanggal ang nasa kamay ko. Nang tuluyan nang matanggal ay hinawakan ko muna ang palapulsuhan ko ay ininat inat.

Optimasksus: Zombie Apocalypse [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon