The entrance of stadium is in chaos. What is happening? Why they're in chaos? Mas binilisan ko pa ang paglakad. Ang lakad ay naging takbo na.
Tena!
Kung 'yong nakita kong sira kanina ay konektado sa nangyayari sa loob, posibleng kanikanina lang nangyari! Ang naunang sasakyan ay hindi ko makita kanina.
Saan 'yon lumapag? Teka sakay no'n sila William at Tania. Posible kayang?....
Napailing ako sa naisip. Naabutan namin nanlalaban sina William at ang ibang task force sa mga lumalapit na bounts. Ang iba ay paunti unting pinapapasok sa loob.
Habang naglalagay ng bala ang kasama ni William ay agad na sinugod iyon ng bount. Binaril ko iyon habang tumatakbo. Pero huli na dahil, naging isa na siya sa mga ito.
Wala ng bala ang hawak ni William kaya ay kinuha niya ang pamalo sa likod at nagsimulang maghahampas. Habang nasa malayo pa ay nagbabaril baril na kami para matulungan sila.
Napakadami pang tao ang nasa likod nila. Nakikita na din namin ang nag-aasong helicopter. Nag overheat? Paanong—.
Natigil ako ng maalalang halos anim na araw ang paggamit non. Kamusta sila? Sigurado akong may nararamdaman silang sakit!
Sunod sunod ang pagbaril ko para walang makalapit sa kanila. Pero patuloy parin sa pagdami ang mga ito. Kailangan maayus iyong dinadaanan ng mga 'to para hindi na makapasok!
May nakita akong nylon naka sabit sa bewang ng isang task force. Walang pahintulot na kinuha ko iyon.
"Asani, Zel!" Tawag ko sa kanila, hinawakan ko ang pala pulsuhan ni Don-don at hinila siya papuntang daanan ng mga bounts.
Sumunod saamin sina Asani. Inihagis ko ang hawak kong nylon sa kanila. Nagtataka man ay sinalo parin.
Walang tigil sa pagbaril. "Pagsinabi kong 'go', hawakan niyo ang bawat dulo niyan. Isa isa, pagsinabi kong 'lipat' isa sa inyo at pupunta sa kabila. Itali niyo ng mahigpit." Pagbigay ko ng instruction sa kanila. Tumango sila.
Pero bago 'yon kay kailangang malinis namin ang unahan. Sa dami ay baka maubusan kami ng bala. Habang abala sa pagpapatumba ay may dumating saamin. Ang ibang task force at sina William kasama niya si Tania na may hawak na ding baril.
Nagulat ako ng makakita ako ng M249 Squad Automatic Weapon! Nakikita 'yon sa pc ni Anton! Iyan ang lagi niyang ginagamit tuwing maglalaro na siya.
"Step!" Ani ng mga ito at humakbang papalapit. "Fire!"
Nagbabaril na din ako, "Go!" Aniya ko, pumwesto si Zel. Naghahandang tumakbo. Ng mediyo malayo layo pa ang bounts ay huminto muna kami sa pagbaril. "Lipat!" Agad na tumakbo sa kabila si Zel.
Nakita kong hindi lang isa ang hawak ni kundi dalawa! Itinali muna nila sa itaas, sa tingin pa lang ay makikitang sobrang higpit ng pagkakainat nito. Sunod ay sa gitna, ganun din ang ginawa nila.
Nang matapus ay nagpatuloy na ulit kami sa pagbaril. Sumali na rin saamin sina Asani. Habang nagrereload kami ay nasaksihan mismo namin ang isang bount ay nahati sa tatlo! Effective ang plano ko!
Isa isa ay dahan dahan kami umatras para makapasok na sa loob ng stadium. May naririnig akong gumagaralgal sa kaliwa namin. Pagtingin ko ay may papalapit na bount sa likod ni William.
Masyadong malapit at mabilis ito, hindi aabutin! Parang huminto ang oras sa nakikita ko, "William!!" Sigaw ko, napalingon naman siya sa akin. Hindi ko na maipinta ang mukha ko sa nangyayari!
"Umalis ka!" Sigaw ng kung sino at itinulak si William sa tabi. Nanlalaki ang mata ko ng makita kung sino.
Si...
BINABASA MO ANG
Optimasksus: Zombie Apocalypse [COMPLETED]
Science FictionThis story is all about of people who run for their lives. You're dead once you got bitten. Once you're infected you will become one of them. It's survival. Let's see, if even a single soul can survive.