CHAPTER 5

8 1 5
                                    


ZAYN'S POV

Lumipas na ang 1 week ganun ang naging routine namin ni Shawn minsan na we-weirdan ako sa kaniya. Tinuturing niya akong babae.

Habang tumatagal rin ay mas lalo kaming nagiging close ni Shawn at Tiana.

"Guys gala tayo?!" Tiana.

"Sige g lang ako" Shawn

"Sige paalam lang ako kay mommy"

"Napaka mommy's boy naman Ang cute" Saad ni Shawn.

"Ano raw cute?" sabi ko sa isip ko

"eh kasi only child lang ako baka pag nawala ako mawala na ng magandang anak si Mommy" pabiro kong sagot.

"Di ka naman mawawala iingatan naman kita" Shawn.

"Oh tama na landian" Tiana

"Gaga! Sumagot na si Mommy okay lang daw sakaniya" Saad ko

"Tara na!" Saad ni Tiana "Shawn sayo nalang kami sasakay ha!"

"Syempre saan pa ba tayo sasakay" Saad ni Shawn

May pag ka pilyo rin itong si Shawn pero mabait naman. Or sa akin lang mabait, oh assuming ang acla.

At naka eating na nga kami sa mall, bumababa na kami ng sasakyan nila Shawn.

"Kain muna tayo" saad ni Tiana

"Sige may alam kong resto na masarap dito" sagot naman ni Shawn.

Habang nag lalakad kami papunta ron sa resto na sinasabi ni Shawn may naka salubong kami at binati si Shawn.

"Uy bro ngayon nalang kita nakita" Saad ni Jonas

"eh kayo lang naman di nag papakita sa akin, kapag kayo nag kaka-jowa nakakalimutan niyo na ako" at nag sad face si Shawn.

"Asus! Jowain mo na kasi si Z-" biglang na putol ang sasabihin ni Jonas dahil tinakpan ni Shawn ang bibig nito.

"Btw Jonas nga pala" pag papakilala sa amin ni Jonas saming dalawa ni Tiana.

"Zayn nga pala"

"Tiana" sabay turo sa sarili.

"Alis na kami ha!" Saad ni Jonas "Ingatan mo yang si Zayn." Saad ni Jonas habang papalakad papalayo

"Siraulo talaga yon, wag niyo nalang pansinin" nahihiyang saad sa amin ni Shawn.

Naka rating na kami sa resto na sinasabi ni Jonas. Sabi rin niya eh treat na raw niya gusto ko pa ngang tumanggi kaso itong Tiana pinigilan ako.

Mag katabi kami ni Tiana tapos nasa harap ko si Shawn. Napapansin ko na tingin sa akin ng tingin si Shawn pero diko ito pinapansin. Ng biglang nag salita si Tiana.

"Oh tama na Shawn, baka matunaw yang friend ko." sabay tawa ni Tiana.

Sumagot naman ako ng "Gaga ka talaga, wag mo nalang pansinin Shawn".

Habang kami ay kumakain may nakita akong pamilyar na lalaki. May kasama itong babae. Kung si Lennox ang iniisip kiyo pwes may tama kayo.

Bigla na naman akong naka ramdam ng sakit sa aking dibdib kaya ang sabi ko kila Shawn mag C-cr lang ako.

"G-Guys C-cr lang ako." garalgal kong sabi sa kanila.

"Bakit kaya? Parang naiiyak si Zayn." tanong ni Shawn kay Tiana.

"O.M.G" Tiana

"Bakit?" Shawn

"Ayun si Lennox oh"

"Sinong Lennox"

"Napabalita kasi sa dati naming school na ni-reject ni Lennox si Zayn. At ang balita ko pa eh matagal ng may gusto si Zayn kay Lennox" Saad ni Tiana.

SHAWN'S POV

"kaya siguro pumunta si Zayn sa Cr Kasi nakita niyang may kasama si Lennox na babae" Saad ni Tiana.

Agad naman akong pumunta sa CR para hanapin si Zayn. At may narinig akong umiiyak.

"Zayn! Open mo ito, Ako to si Shawn." Saad ko

Binuksan ni Zayn ang door. At bigla akong niyakap. Nagulat ako kasi bigla akong niyakap ni Zayn eh kadalasan nahihiya ito sa akin.

"Ang sakit parin Shawn" Saad nito habang umiiyak.

"Tahan kana Zayn. Nandito naman ako" nabigla rin ako sa sinabi ko kaya dinagdagan ko ito "Nandito ako friends tayo diba?" tumango ito.

Alam kong gusto ko na si Zayn pero kinikilala ko parin ito ng lubos.

Kaya rin siguro ito umiiyak nung nakita ko siya sa CR noon. Dahil sa lalaking yon, Ang kapal naman niya para i-reject si Zayn.

Alam ko naman kung bakit umiiyak si Zayn pero gusto ko pa rin siyang tanungin kung bakit siya umiiyak.

"bakit kaba umiyak?" mahinahon kong tanong sakanya.

"Nakita ko kasi yung dating kong napupusuang lalaki. Alam ko naman na di naging kami pero minahal ko kasi ng wagas, Shawn ayun kasi problema sa akin kapag nag mahal ko wagas kahit di pa nagiging kami minamahal ko na, pero pinipilit kong bahuhin yung pag iisip na ganun"

"Dimo naman kailangan baguhin ang sarili mo, kailangan mo lang makahanap ng taong para sayo Zayn."

"At ako yung tamang tao para sa iyo Zayn" sabi ko sa sarili ko.

"tara na mag punas kana, gagawin natin ang lahat para maka limutan na natin yung gagong yon" Saad kayo sakanyan

Lumabas na kami at bumalik na kami Kay Tiana.

"Tagal niyo ha" Saad ni Tiana "Ano ginawa niyo ha?!" pa-birong tanong ni Tiana.

"Gaga, kumain na nga tayo!" sagot ni Zayn.

ZAYN POV

nag saya lang kami hanggang gumabi na. Halos lahat ng binili ko at kinain eh treat ni Shawn ayokong isipin na may gusto sa akin si Shawn dahil lalaki ito siguro mabait at mayaman lang talaga siya.

Nag text sa akin si Mommy na sabay raw kami mag Dinner. Hinatid namin muna sa Tiana sa bahay niya mauuna yung bahay niya, at hinatid ako ni Shawn sa bahay namin actually Hanggang pinto. Binati niya si Mommy.

"Oh ijo ikaw pala pasok ka, sumabay kana sa amin, tutal kami lang naman dalawa ni Zayn."

"Ah eh-" naputol na ang sasabihin ni Shawn sa sinabi ni Mommy.

"Oh wag ka ng mahiya, Tara na." Saad ni Mommy.

Kumakain na kaming tatlo. Nag kwekwentuhan sila mommy at Shawn. Ng biglang ang topic ay ako na.

"Alam mo ba itong baby boy ko" Saad ni Mommy. "No boyfriend since birth yan" Napangisi naman si Shawn.

"Mommy!?!" nahihiya kong saad kay mommy.

"Ewan ko ba r'yan tagal kasing inintay yung Lennox nayun eh ayan na reject naman" Medyo okay naman ako kahit pa paano kapag si Lennox ay nabanggit.

"Si Mommy naman nakakahiya kay Shawn oh!"

"Boto ako sayo Shawn para sa an-" naputol na sasabihin ni Mommy

"Mommy ano ba!" Saad ko napa ngiti naman si Shawn.

"oh joke lang anak"

Tapos na kaming kumain at nag paalam na rin si Shawn na umuwi.

"Balik ka Shawn ha!" mommy

"Opo tita"

To be continued...

Alphabet ends with letter "Z", but my life ends with "U".Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon