FAST FORWARD
2nd semester na di ko akalain na kakayanin ko ang strand na STEM kasi maraming nag sasabi na mahirap daw ito pero kinaya ko naman.
Tungkol naman kay Shawn ay ganun parin naman kami friends, aaminin ko may feelings ako sa kaniya, pero maliit lamang ito.
Ewan ko ba love language ko talaga eh ‘Act of service’ kaya ganun nalang ako mabilis na attached kay Shawn.
Wala naman akong balak mag confess sa kaniya baka ma-reject uli ako katulad ng ginawa sa akin ni Lennox. Masaya na ako kung ano ang meron sa amin ngayon.
Tsaka naka move on naman na ako kay Lennox. Nakikita ko parin siya kung saan-saan pero wala na akong pake.
ZAYN'S POV
“Uy birthday ko na nga pala next week” Saad ni Tiana. “Invite ko kayo nomnoms tayo hahaha”
Naka inom naman na ako ng alak, si mommy pa nga ang nag papa-inom sa akin. Ako lang talaga ang may ayaw. Ewan ko ba.
“Umiinom kaba Zayn?” tanong sa akin ni Shawn.
“Oo pero ayoko” sagot ko
Napagusapan namin ni Shawn na after class eh bibili kami ng regalo namin kay Tiana para sa birthday na. Next week pa ang birthday nito pero sa Sunday ito gaganapin.
“Saan kayo pupunta?” pag tatanong sa amin ni Tiana.
“Ah-eh basta.” sagot ko
“Mag de-date kayo noh?”
“O-Oo” nagulat ako sa sagot ni Shawn
“O Sige bibigyan ko kayo ng space para mag date.”
Si Shawn nga pala ang nag drive dahil may Student license naman na raw siya, actually ayoko pa nga kasi natatakot ako, pero binigayan ko ni Shawn ng assurance EME!
Habang nag da-drive si Shawn agad ko siyang tinanong tungkol sa sinabi niya kanina.
“Bakit mo sinabing mag de-date tayo!?” Medyo pa galit kong sabi kay Shawn.
“Bakit ayaw mo ba?” tumatawang sagot nito.
“Gago!” sagot ko “paano kung isipin non na nag de-date tayo!”
SHAWN'S POV
“Eh ano naman kung isipin niya na mag de-date tayo, Wala namang masama kung mag date tayo...” Medyo nagulat ako sa sinabi ko “Friendly date lang naman”.
Natahimik kaming dalawa ni Zayn. At miya-miya ay naka rating na rin kami sa mall.
“Ano ba reregalo mo kay Tiana?” Tanong ni Zayn.
“Ewan ko nga eh, iniisip ko pabango nalang”
Naka bili na kaming dalawa ng regalo namin para kay Tiana. At medyo gutom na rin kaming dalawa. At medyo gabi narin.
“Shawn sa bahay nalang tayo mag dinner maaga naka uwi si Mommy ko eh kaya sabay kami ni Mommy mag dinner.” Saad ni Zayn
“Okay hatid na kita.”
“Nabanggit ko rin kasi kay Mommy na kasama kita kaya sabi sakin nito sa bahay ka na rin daw mag dinner” Saad sa akin ni Zayn.
ZAYN'S POV
nakarating na rin kami sa bahay. Wala sila Lola at Lolo ngayon dahil nag babakasyon sila sa tita ko sa US kaya kaming dalawa lang ni Mommy ang nasa bahay.
Binuksan na namin ang pintuan at nakita ko si Manang Dia.
“Manang asan si Mommy?”
“Ay naka upo na sa iniintay nalang kayo” sagot ni Manang Dia.
Pumunta na kami kay Mommy. Naka ngiti ng makita kaming dalawa ni Shawn.
“Oh tagal niyo naman gutom na ako eh” Saad ni Mommy “Nag date kayong dalawa noh” sabay tawa.
“Mommy!” Saad ko
Si Shawn naman ay naka ngiti lang sa sinabi ni Mommy.
“Oh joke lang kain na kayong dalawa. ”
Umupo na kaming dalawa ni Shawn at kumain.Habang naka upo tinanong kami ni Mommy kung saan ba kami galing ni Shawn.
“Bumili lang kami ng regalo para kay Tiana, Birthday niya kasi sa Sunday Mommy” Di pa ako nag papaalam Kay mommy pero naka bili na ako ng regalo.
“Paniguradong iinom ron noh?” Saad ni Mommy.
“Mommy. Di naman ako umiinom” sagot ko.
“Asus okay lang naman sa akin kung iinom basta si Shawn ang kasama mo.”
Habang kami ay kumakain, napansin mo sa labas ay lumalakas na ang ulan.
“Shawn makaka-uwi kaba? Mukhang delikado na sa daan.” Saad ni Mommy.
“Kung di ka makakauwi pwede ka naman dito nalang matulog.”
“Sa kwarto ka ni Shawn matulog.”
“Okay lang naman po Tita, text nalang po ako Kila Mom na di ako makaka uwi.”
“Mommy saan ako matutulog!?!” tanong ko.
“Tabi kayo”
“What!!?!?” gulat ako sa sinabi ni Mommy gumagawa talaga ng way si Mommy para sa amin ni Shawn. Mamaya mabuntis itong baby boy niya.
“Bakit? Friends naman kayo diba?”
“Okay fine...”
Umakyat na kami papunta sa room ko. Di naman nakakahiya itong room ko kasi malinis ako sa room ayoko ng makalat.
“Wow ang organized ah!” Saad ni Shawn.
“Thanks ayoko kasi ng makalat. Kaya try mo lang mag kalat!”
“Di naman ako makalat at tsaka ngayong gabi lang naman ako matutulog”
Nag punta ako sa closet ko para mag hanap ng damit na medyo malaki yung kaysa kay Shawn.
Naka hanap ako ng T-shirt at pajama.
“Oh eto damit oh mag bihis kana.”
Biglang nag hubad si Shawn sa harapan ko.
“ANO BA! AYUN ANG CR OH!”
Pumunta si Shawn sa CR habang tumatawa.
Nakahiga na ako at nakahiga na rin si Shawn medjo malayo ang agwat namin dahil malaki naman ang higaan ko.
“Parang layong layo ka naman sa akin? Mabaho ba ako?”
“Oo ang baho mo”tapos tumawa.
“Ah talaga? Ayan amuyin mo!” bigla akong niyakap at pina amoy ang leeg nito sa akin.
“Ano ba Shawn!”
Amoy na amoy ang pang lalaking pabango ni Shawn.
Tinamaan na kaming ng antok.
Mga alas-tres na ng madaling araw ng marinig ko si Shawn na nag sasalita may binabanggit itong pangalan ng babae.
Ginising ko ito at nahimasmasan.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Alphabet ends with letter "Z", but my life ends with "U".
RomanceBased on my true love story