Chapter 22

8 3 0
                                    

Nakalabas na ako ng hospital, ilang araw din akong namalagi doon. Umayos naman ang pakiramdam ko, physically. Ramdam ko pa rin ang walang buhay kong loob. Tila may parte sa akin na namatay.

Pinayuhan ako ng Doctor na magpahinga muna kahit isang linggo bago bumalik sa trabaho kaya't nagpaalam ako sa Company, pumayag naman sila upang makapagpahinga ako. Valid naman ang reason ko at naiintindihan nila iyon.

Nabalitaan kong na postponed ang engagement party nila Nicolai dahil sa nangyari ngunit nabalitaan ko ring next month na ang kasal nila.

I sincerely wish them a happy and healthy life.

Nalaman ko ring nag resign si Marpy sa Company, ngunit nag-iwan siya ng sulat para sa akin.

Hawak ko ngayon ang isang puting sobre na naglalaman ng sulat niya. Malalim akong huminga bago iyon binuksan.

To: Michelle.

I don't know what to react. I know that you're there. Why you didn't tell me that you and Nicolai have a thing before? Sana ay hindi nalang kita binigyan ng invitation. Nasira ang engagement party ko dahil sa kaibigan mo. Oo, nag resign ako para lumayo sayo, ayokong pati ang kasal namin ni Nicolai ay masira. Please stay away from Nicolai.

Nilukot ko iyon sa aking kamay. Ramdam ko ang namumuong galit sa akin. Tumayo ako at itinapon iyon sa trash bin.

Makalipas ang isang linggo ay nakabalik na rin ako sa trabaho. Hindi ko alam kung dapat ko pang ikatuwa ang pag re-resign ni Marpy. Gumaan ang pakiramdam ko dahil hindi ko na kailangan pang makita siya rito.

Kahit isa sa kanilang dalawa ay hindi ko na gustong makita pa.

"Seryoso ka ba?" Pang-ilang tanong na ito ni Clarity.

Tumango ako, "Oo, gusto ko talagang i-take ang opportunity, sayang rin kasi."

Nagkaroon ng offer sa akin ang Company namin, gusto nilang ako ang ipadala sa ibang bansa upang humawak ng gagawing project doon. Sandali lang naman ako roon, pagkatapos ng project ay uuwi rin ako kaagad ng Pilipinas.

"Kung iyan ang gusto mo." Pagsuko niya.

Noong una ay gusto kong tumanggi dahil nalaman kong si Nash ang Engineer na makakasama ko. Pinag-isipan kong mabuti ang pagsama, hindi ko naman siguro siya kailangang kausapin. At isa pa, sabi ng Company ay kami na raw ang bahala kung saan namin gustong tumuloy habang nasa ibang bansa kami. Ilalagay daw nila sa Allowance ang para doon.

Isang buntong hininga ang ginawa ko bago pumasok sa Airport...

Mabuti nalang at hindi namin kailangang magsabay ni Nash, pero ang Company ang nag book ng flight kaya't paniguradong magkatabi ang seat namin.

Kagaya ng inaasahan ay katabi ko nga siya. Nagsuot ako ng earphones at pumikit, hindi ko siya kayang kausapin, hindi pa sa ngayon.

Hihintayin ko muna hanggang sa kaya ko na, hanggang sa maghilom ang mga sugat.

Ilang oras din ang naging flight namin papuntang America. May branch ang Company namin dito ngunit hindi ko alam kung bakit sa Pilipinas pa sila kumuha ng Architect at Engineer sa magiging project.

Kaagad akong pumunta sa hotel kung saan ako nag book. Si Nash ay umalis na rin. Alam kong nararamdaman niyang hindi ko siya kinakausap.

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now