Chapter 21

9 4 0
                                    

"Yes doc."

Nagmulat ako at isang puting kisame ang bumungad sa akin. Nasa hospital ako. Iginalaw ko ang kamay ko, ramdam ko ng nakakabit na dextrose rito.

"Michelle don't move." Si Athena, nakaupo siya sa gilid ng kama ko. Naagaw niya ang atensyon ni Nhicole at Clarity na kausap ang Doctor.

Gulat na lumapit sila sa akin.

"Ayos ka lang ba?"

"May masakit ba sayo?"

Sabay na tanong nilang dalawa. Umiling ako, walang masakit, maliban sa puso ko.

"May kailangan ka ba? Sabihin mo lang samin."

"Gusto kong mapag-isa." Bulong ko. Nagkatinginan silang tatlo.

"Michel--"

"Please?" Ibinalot ko ang kumot sa katawan ko at tumalikod ng higa sa kanila.

Rinig ko ang buntong hininga nila bago ako iwan..

Ipinikit ko ng mga mata ko. Gusto kong magpahinga at gusto kong lumayo, malayo sa lugar na ito.

Nagsisimula na akong antukin ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Magsasalita na sana ako ngunit narinig ko ang boses nila.

"Michelle.." Boses iyon ni Andrey.

Hindi ako gumalaw at nanatiling nakapikit. Aalis din naman sila.

"Tulog ata siya Andrey, bumalik nalang tayo mamaya." Si Nash.

Naramdaman kong may ipinatong sila sa bed side table.

Akala ko'y aalis na sila kaagad ngunit nagsalita si Andrey..

"Bakit ba kasi hindi mo siya inilayo sa Nicolai na iyon?" Mahihimigam ang galit sa boses niya.

"Hindi ko na yan responsibilidad Andrey." Matigas na wika ni Nash.

"Anong hindi? Ang sabi ko'y alagaan mo siya at bantayan."

Gusto kong matulog, bakit dito pa sila nag-away.

"Inalagaan ko naman siya ah."

Nanahimik sila sandali, "Ititigil ko na ito Andrey, ayokong ng magpanggap."

Naguluhan ako sa narinig.

"What do you mean?"

"Hindi naman ako si Ash, Andrey. Hindi na kaya ng kunsensya kong magpanggap, hindi naman ako ang nakilala niya noong bata siya, nagkataon lang na Nash ang pangalan ko."

Nakarinig ako ng galabog, alam kong sinuntok ni Andrey si Nash.

Gusto ko mang magsalita at awatin sila ay hindi ko na kaya. Sapat na ang mga narinig ko.

Nagpalitan pa sila ng suntok ng marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto at kasunod ay ang galit na boses ni Nhicole.

"Ano ba? Dito pa kayo nag-away, nakakahiya kayo."

Ramdam kong natigilan silang dalawa.

"Hindi na kayo naawa kay Michelle, kung may hindi kayo pagkakaintindi ay pwede naman kayong lumabas at sa hallway magbugbugan."

"Nhicole hinaan mo ang boses mo, baka magising si Michelle." Rinig kong saad ni Clarity.

Hindi na kailangan, kanina pa ako gising...

Hindi ko na maramdaman ang katawan ko, namamanhid na ako, grabe-grabe na ang sakit.

Si Nicolai, Si Ash... na hindi naman totoo.

Sino pa ba? Kulang pa ba? Ibigay niyo na ang lahat ng sakit sa akin.

"Pasensya na kayo." Rinig kong saad ni Nash.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin silang lahat.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko'y tuluyan ng umiyak, hindi pa pala tapos...

Tinakpan ko ang bibig ko, natatakot na makalikha ako ng ingay dahil sa pag hikbi.

Sobra-sobra na, hindi ko na kakayanin pa kung may daragdag pa. Hindi ba pwedeng maghinga muna ako. Gusto ko munang magpahinga.

First Love (Writers Love Series #3)Where stories live. Discover now