Chapter 5 (Church/Date?)

51 3 1
                                    


(Cylene's POV)

*yawn* Sunday na pala ngayon.May pasok na bukas.Tanghali nanaman ako nagising,for sure nagsimba na sila mama.Ako nalang magsisimba mamayang hapon. Inayos ko na higaan ko at naghilamos muna bago bumaba.

"Good morning everyoneeee!" sigaw ko ng nakababa na ko.

"Teh,tanghali na no! Good morning ka dyan *irap*" tugon ni Mylene sakin,grabe siya oh.

"Oh tama na yan,kumain kana dyan Cylene dahil kami ay tapos na kanina pa. At nakapasok na ang papa mo"sabi ni mama sakin,may pasok kasi si papa kahit sunday. Saturday naman ang pinaka Family Bonding namin.

"Sige po ma,ay nga pala aalis po ako mamaya.di ako nakasama kanina sainyo mag simba eh. Pagkatapos ko po mag-simba pwede bang mag gala gala po muna ako?" Pag paalam ko kay mama habang kumukuha ng pagkain ko.

"Sige nak,basta wag magpapagabi masyado ha? Text mo ko pag pauwi ka na." Sabi ni mama sakin.

"Yun oh! Thank you aking mudraaa! " Sabi ko tsaka ko siya niyakap.

"Mama,ate alis muna ako ha? Punta lang ako sa bahay ng classmate ko,may project po kasi kami na kailangan tapusin agad eh." Pag paalam din ni Mylene samin at nakita namin na nakabihis na.

"Sus ma,makikipag date lang yan." Biro ko kay Mylene.

"Luh? Hindi kaya! Baka nga ikaw dyan ang makipag kita eh." Asar din niya sakin.

"Aba aba ik--" di ko natapos sasabihin ko nang sumingit si mama.

"Oh tama na yan baka mag away pa kayo dyan,sige na lumakad kana Mylene. Text mo din ako pag pauwi kana. Ingat ha" sabi ni mama kay Mylene.

"Opo ma,salamat iloveyou byebyeee" kumiss siya sa pisngi ni mama at binelatan ako sabay alis.

"At ikaw,kumain ka na dyan para makaligo at makaalis ka na." Sabi ni mudra,aba pinapalayas agad ako.

"Opo ma,pinapalayas mo naman ako agad eh." Tugon ko kay mama.

"Eh para di ka gabihin masyado,oh sya didiligan ko muna yung mga halaman sa labas." Sabi ni mama.

"Sige ma." Sabi ko naman,at pinagpatuloy na yung pagkain ko.
---
Pagkatapos ko kumain hinugasan ko muna yung pinagkainan ko tapos umakyat na ko sa kwarto ko para maligo. Nang matapos ako,pumili ako ng susuotin. Jeans at shirt lang naman napili ko tas teternuhan ko ng Converse,di naman ako ganun ka-bongga manamit katulad ni Danica. Nag blower din ako ng buhok at tinali ito ng pa-messy bun tapos nilagay ko sa shoulder bag ko yung mga kailangan ko. Nagpulbo at naglagay lang ako ng lip balm tsaka ako bumaba.

"Ma! Aalis na ang maganda mong anak." Sabi ko kay mama na siyang ikinatawa naman niya. Akala siguro nagbibiro ako.

"Feelingera ka talaga nak,lumayas ka na nga!" sabi ni mama sakin habang tumatawa.

"Aww grabe siya oh hahahaha sige na nga ma alis na ko iloveyou" sabi ko kay mama tapos bumeso ako sakanya.

"Sige ingat sila sayo este ingat ka! Wag magpapa-gabi ha!" Sabi ni mama,tumango nalang ako. Hindi na ko nag pahatid kay manong dahil trip ko mag commute ngayon.

My Oh-So-Called Evil TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon