Chapter 8

26 4 2
                                    

(Cylene's POV)

Buong klase tahimik lang ako. Magsasalita lang ako kung magtatanong sila Cristel at ang mga teacher. Hanggang ngayon kasi naa-awkwardan parin ako kay Carenz. Nasa isip ko parin kasi yung nangyari kahapon, ayoko siyang kausapin baka banggitin lang niya yun at asar asarin ako.

Nung breaktime naman kinuha ko yung earphone at cellphone ko para di nila ako kausapin. Nag soundtrip lang ako. Habang naglalakad kaming tatlo nila Danica, may nagtext sakin.

10:21AM

From: +6395025*****

Oy asan ka?

Luh? Sino nanaman to? Anonymous nanaman ba to? Si Carenz kaya to?

To: +6395025*****

Sino ka nanaman ba?!

Sent!

Pagkaraan ng ilang segundo,nag reply siya agad.

10:22AM

From: +6395025*****

Hulaan mo,pinaka gwapong nilalang sa mundo.

Sabi na eh,kahanginan palang alam ko na agad kung sino.

To: +6395025*****

Hoy unggoy! Wala ako sa mood makipag biruan sayo!

Sent!

Aish di pa nga ko nakakamove on sa mga pinagsasabi niya kahapon tapos dadagdagan nanaman niya. Maya maya ay nagreply na siya ulit.

10:24AM

From: +6395025*****

'To naman! Beastmode agad! Si gwapong insan mo 'to!

Eh?! Yung pinsan kong mayabang nakabalik na dito sa pinas galing U.S?

To: +6395025*****

Ay weh?

Sent!

Nagreply naman siya agad.

10:26AM

From: +6395025*****

Ah ganun? Ayaw mo maniwala? Bahala ka di ko bibigay mga pasalubong ko sayo.

Ano daw? "MGA pasalubong" ba kamo?

To: +6395025*****

Waaaaaahhh! Favorite kong pinsan! Pasalubong ko?! Yung mga chocolate ko asan na?!

Sent!

Nakapila na nga pala kami dito sa canteen,pero yung dalawang kasama ko nakatingin sakin kaya inalis ko yung isang earphone sa tenga ko.

"Uhmm bakit?" Tanong ko sakanila pero yung mukha nila nagtataka parin.

"Sino katext mo?" Tanong ni Cristel. At pilit tinitignan ang cellphone ko.

"At bakit ngumingiti ngiti ka dyan?" Tanong naman ni Danica. Natawa lang ako sa kanila,mga usisera talaga.

"Wag mo nga kaming pagtawanan! Tinatanong ka ng maayos eh! Ate isa ngang sandwich tapos spaghetti tapos fries tapos tubig" sabi ni Cristel, ang dami nanaman niyang order.

"Ate akin isang fries at isang sandwich at iced tea" order naman ni Danica. Health concious 'to eh.

"ate akin katulad na nung kanya. Hahaha pinsan ko lang katext ko,nakabalik na kasi galing U.S masyado kayong usisera eh" sabi ko sakanila at kinuha na order ko. Nagtext naman ulit yung pinsan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Oh-So-Called Evil TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon