Chapter 2.2

91 5 18
                                    

Continuation....

(Cylene's POV)

"Good morning class!"  Sabi ng teacher sa harapan namin ngayon.

"Good Morning Ma'am" tugon naman namin sakaniya

"My name is Meiann Alcantara,you can call me Ma'am Meiann.I will be your adviser  and Math teacher for this school year,bago lang ako dito at hindi naman ako masyadong mahigpit sa mga students ko kaya alam kong magkakasundo tayo" sabi ng aming new teacher at adviser namin at ngumiti,mukhang mabait nga siya,makakasundo namin,sigurado akong magiging masaya ang school year namin ngayon

"Ahmm dahil first day naman ngayon,di muna ako magtuturo,gusto ko muna kasi kayo makilala ng maayos,so introduce yourself   sa harapan anak" sabi ni ma'am ulit at tinuro ang kaklase naming si rio,naku loko loko pa naman to..ayun nagpakilala na siya,tapos sunod sunod na ang saya nga eh kasi ang dami nilang sinasabing kalokohan pag nagpapakilala sila kaya si ma'am natatawa rin.Eto na sunod na si neil..

"Hi classmate ako si Russel Neil Gomez,ang jairus aquino ng section zapto.Hahaha! biro lang,16 years na sa mundong ibabaw.yun lang *wink tapos flying kiss*" kaya itong mga babae naming kaklase kung magtilian tila dumating ang 1D.pagkatapos nun ay tumingin siya kay cristel at ngumisi tapos tumingin din ako kay bebs at natawa ako ng mahina dahil tila nagpipigil na siya at gusto niya ng sumuntok kaso napairap na lang siya.sumunod na si andre

"Andre Shen Vilyegaz.16 years old.yun lang *smirk*" napaka-iksi talaga magsalita nitong singkit na to..tapos tumingin siya saglit sa aming tatlo nila cristel pero mas tumagal tingin niya kay danica pero iniwas niya agad nung nakita niyang nakatingin ako sakanya ng may pagtataka tapos kumindat.pinanlakihan ko lang siya ng mata.at eto namang bruha na si bebe yumuko at halatang namumula tapos hinawakan kami ni bebs sa braso at....

"Aray!" sabay naming sabi ng pabulong ni bebs cristel..paano ba naman kasi kinurot kami.

"Ay! Sorry sorry! Nadala lang ako"  sabi niya sa amin,tumango lang kami.ang sakit ha! Sumunod na tumayo si unggoy pero bago siya pumunta sa harap kininditan niya muna ako tapos ngumisi,whoo ang inet,naka aircon naman ah.inirapan ko na lang siya,tapos siya naman tumawa ng mahina.

"Hello my name is Carenz Mavy Dela Rosa.you can get my number if you want  *Wink* 16 years nang nageexist sa mundo pero parang di naman ako nageexist kay beybehlabs ko *tingin sakin sabay pout* hahaha biro lang"  tinaasan ko lang siya ng kaliwang kilay tapos inirapan siya.yung mga kaklase ko naman nagsi "ayiiiieee" na tapos etong sila bebs tinutusok tusok pko sa tagiliran,hays epal talaga nitong unggoy na to.umupo na siya sa harap ko at tumingin sakin tapos binelatan ako at nag peace sign pa.ay ako na pala susunod sa unggoy na to.tumayo na ko sa harap..

"Hi guys! Im Cylene Macy Rivera,16 years old singing is my hobby ahmm that's all and para sa lalaking nagngangalang Carenz,wag mo ko mabeybeh-beybehlabs diyan baka masuntok kita,k?" Pagpapakilala ko sa harapan at ngumiti ng kay tamis tamis at pumunta na sa upuan ko..

"Kinilig ka ba pig *smirk*?"  Humarap si carenz sakin at tinanong yan.

"Kailan pa ako kinilig sayo unggoy? Ha-ha neveerrr! Di mangyayari yun che!" Pagkatapos ay inayos ko muna ang bag ko,sumunod na si bebe magpakilala..

"Good morning,ako po si Marie Danica Asenas ahm 16 years old, mahilig ako maglaro ng badminton.yun lang." Tapos napansin kong kanina pa nakatitig sa kanya si andre at eto namang si bebe ngumiti at nakayukong pumunta sa upuan niya.hmm i smell something nemo este fishy..sunod na nagpakilala yung pinaka lokaret saming tatlo,si cristel,tumayo na siya at papunta na sana sa harapan kaso hinawakan siya sa braso ni neil at kinindatan eto namang si bebs hinampas yung kamay ni neil..ay naku napaka playboy talaga nito.

My Oh-So-Called Evil TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon