Chapter 4

10 2 0
                                    

Staring is rude, dude.

Raven's Point of View

AFTER KONG lumabas ng NBS ay nag-ikot-ikot na rin ako sa mall, then kumain ako sa isang fastfood chain dahil nga gutom na ako.

Dala ang McFloat na ni-take-out ko pa after kumain ay muli akong naglakad-lakad. May nakita kasi ako kaninang Archade at duon ko balak pumunta ngayon.

I was sipping in my float when my phone suddenly rang. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan ang caller 's id.

"Shit! Dang it." I immediately swiped the answer button. "Hello, lolo."

"Good day Ms. Raven, this is Jessa, your grandfather 's secretary." para akong nabunutan ng malaking tinik.

"What is it? May pinapasabi ba si Lolo?" I know jessa, she's almost the same age as me. Siguro ay ahead lang siya ng five to six years sa akin.

"Yes Miss. He told me to inform you that you'll be accompanying him in a party soon. Mr. Sivero specifically told you to come visit him in two days time for the other details." A party huh?

"Okay, I got it."

The moment I set my foot inside the Archade, alam ko na kaagad kung ano ang gagawin ko. I need to release my stress and relax, thinking of what Gramps told me the last time that I visit him plus this sudden party, I have a bad feeling about it.

Nagpaikot-ikot ako sa loob hanggang sa makita ko na yung basketball machine. One of my favorite sports is basketball, and I think I could make do with this tiny machine right now.

Since nakabili naman na ako ng tokens kanina ay agad nalang akong dumiretso sa machine habang sinisipsip ko pa ang float ko. A cold drink and basketball, I hope it'll help me in relaxing.

The game started and I also started shooting. Lahat ng tira ko ay pasok sa ring, even when the ring started moving. Maybe because I'm also a varsity years back?

I was so focused in playing ng maramdaman ko na parang may naka-tingin sa akin. Lumingon ako sa gilid and I was right. Four dudes keeps looking at my direction, two of those held familiarity in their eyes while the other two looks confused as to why their friends are staring at me.

"Staring in rude." Saka ako muling bumalik sa paglalaro. Hindi ko na lang rin pinahalata na nakilala ko yung isa, the guy in the bookstore.

Aside from him though, I'm not familiar with the other three. Kaya nagtataka ako sa tingin nung isa pa, mukha kasing kilala niya ako.

Nararamdaman ko naman na may naka-tingin pa rin saakin, pero this time, isang tao nalang. Kunot - noo akong lumingon ulit sa direksiyon nung mga lalaki, and the moment that I did, nakasalubong ko ang tingin ng isa sa kanila. The other who seems to be familiar with me.

Tumingin lang kami sa isa't isa. Mata sa mata, walang gustong magpatalo. I sharpened my gaze para malaman niyang bad trip ako sa kakatingin niya. I just looked at him, trying to figure out if nakita ko na ba siya. He seems to know me, pero talaga siya familiar.

Napalalim ata ang pag-iisip ko. And the time that I snapped out of it, nakita ko kung paanong bumaba ang tingin nung lalaki sa labi ko.

Tss. Trip pa ata ako ng isang ito.

Ngumisi ako, tapos sabay talikod na at lakad paalis sa lugar na iyon.

"Great..." Imbis na maaliw at ma-relax ay lalo lang akong nainis. Those two guys are so damn weird, lalo na yung nakatitigan ko kanina.

Lumabas na lang ako ng mall at nagpag desisyonan ko na umuwi na lang. There's nothing left for me to do in there anyways, at baka may ma meet na naman akong weird na mga tao. Baka talaga maka sapak na ako.

Nang makarating sa garahe ay agad kong hinanap yung big bike ko, then sumakay na ako dun at nag drive na pauwi.

It's been a long tiring day. Hayst.

MONDAY. Maaga akong gumising dahil may pasok - though palagi naman talaga akong maaga gumising. I did my morning routine, ate my breakfast, and then drove to school.

Pagkarating ko sa Crawford High, pinarada ko lang saglit yung sasakyan ko bago ako pumasok. Medyo nahirapan akong maghanap ng parking area this time dahil kotse ang dala ko. Why? Because I'm wearing a freaking mini skirt, since yun ang uniform ng C.H.

After entering the campus, ayun na naman po tayo sa mga tingin ng ibang estudyante. Kulang nalang ay may humarang saakin, wattpad na wattpad na.

At mukhang narinig ng mga damuho ang utak ko dahil ilang hakbang pa ay may babaeng nanlilisik ang mata ang biglang humarang sa dadaanan ko. At may kasama pa siyang isang alipores.

"You slut! Malandi ka!" Nagpapapadyak ito ng paa niya at tila gigil na gigil sa galit. And meanwhile, I was like, wtf?

"Me? What?" Tinitigan ko yung nanlilisik niyang mata habang naka-kunot ang nuo ko. Did she mistook me for someone? Or did she think that I am her mirror?

"Inagaw mo yung boyfriend ko! At wag ka ng magkaila, my friend here, Edna, saw you flirting with him! And now he wants to break up with me!" para akong natanga. Inagaw? Boyfriend? Flirting? Is this bit h insane?

Sofia's Point of View

"WHERE'S EDNA?" Nandito kami ngayon ni Fiona sa caf eating our breakfast. Nakasanayan na kasi namin na tuwing hindi kami nakakakain sa kanya-kanya naming bahay ay tatambay kami dito to grab some food. That's why I'm looking for Edna, since as far as I know, alam niya na nandito kami ngayon ni Fiona and we even told her to go here.

Umangat ng tingin si Fiona mula sa phone niya, "Oh her? She told me that something came up. May kailangan daw siyang gawin kaya she won't be joining us for breakfast."

"Sinabi niya ba kung anong gagawin niya?" why do I have a weird feeling? I feel like my friend would do something stupid again.

Crawford High: Hearts and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon