Chapter 14

8 1 0
                                    

Someone's Point of View

'Rexis Casino. 4th floor, VIP room. 10:00 pm sharp.'

"Tsk. Where are those morons?" Inip na saad ng isang taong balot ng itim na kasuotan. Nakatanaw ito mula sa isang rooftop, nagmamatyag sa isang silid gamit ang teleskopyong hawak nito.

Kapansin-pansin rin ang isang sniper rifle na naka-set up sa tabi nito.

"I need to finish this quick." Nagugutom na ako.

Pumwesto na rin ito sa harap ng rifle at matyagang nag-antay.

Then, there it is. "Target locked." Isang ngisi ang lumabas sa labi nito habang nakatutok sa isang tao.

"See you in hell, Sen. Cortez."

*****

Raven's Point of View

SATURDAY. Nakasalampak lang ako sa kama at nilalasap ang katahimikan ng kwarto ko.

At last, some time alone.

Weekends are really my favorite days in a week.

Hinila ko pataas ang kumot ko at pumukit. I wanna sleep.

*phone rings*

Argh! Who?!

Tamad na inabot ko ang cellphone ko habang naka-higa pa rin. This better be important, tss.

Pero biglang nawala ang pagkairita ko at agad akong napa-upo sa kama ng makita kung sino ang tumawag.

Dad Calling...

Shit! Agad kong sinagot ang tawag, "Hello?" Seryoso ang boses ko, pati ang ekspresyon sa mukha ko ay agad ring nagbago.

"Raven..." Napalunok ako ng marinig ko ang boses ni dad sa kabilang linya. It's even more stern and colder that lolo's.

The great, Alejandro Takashi, and the spitting image and more strict version of my lolo. You'll have chills if you meet him in person. Tsk.

"You called, Dad?" I waited patiently. Hindi ako sigurado kung anong dahilan kaya siya tumawag, but I do have an idea.

But, wasn't his right hand man supposed to contact me about that matter?

"Your mom insisted on visiting you there. We'll be dropping by before going to Thailand for an official business." Have they finished their business in Dubai?

Well, masyado silang dikit sa isa't-isa kaya kahit saang bansa na kailangang puntahan ng isa para sa negosasyon, buntot ang isa. And the tail, is obviously my mom.

I sighed,"When will you come?" I asked him.

"Now." Hobby talaga nilang i-inform ako kung kailan kaorasan na noh? Argh! So much for alone time. "Are you in the mansion?" Shoot.

"Uh... no. I'm in my apartment, Dad." Silence. Right.

"Haven't we told you to stay in the mansion?" His voice is even more serious this time. "Dad, I have five bodyguards outside my door. A few snipers allocated to who knows where—ordered by Gramps to protect me, and don't forget that I am trained enough not to die."

Ilang minuto pa kaming nag-usap after that. And I eventually convinced him na hayaan na akong mag stay dito sa apartment ko.

After that call, bumalik lang ako sa pag-higa at tumitig sa kisame.

"Things are proceeding slower than expected. Be careful, maaring ikaw ang target nila." Bumalik sa isip ko ang mga katagang binitawan ni dad kanina sa call.

Actually, from the start ay alam ko ang dahilan kaya sa Crawford High ako pinalipat nila Dad.

As you know, my grandfather and the matriarch of the family who owns C.H. are close friends, aside from that, Luke's grandfather is also deeply connected to my grandfather's hidden empire.

The empire that will one day fall in my hands. This entire thing, is planned.

Who's the prey, and who's the predator? No one knows. But one thing's for sure, I will not die in my own battle, this is just the start.

5:25 p.m.

I'm wearing a simple jeans, a black t-shirt, a rubber shoes, and a jacket. Hapon na at papunta ako sa mansion kung nasaan sila Mom and Dad. It's scheduled na sama sama kaming mag-di-dinner ngayon. I'm pretty sure na andun din si Leon.

Hindi na rin ako nag-abalang magdala ng damit dahil meron naman na ako dun. At most ay isang gabi rin lang naman akong mag stay sa mansyon.

Pagkalabas ko ng apartment ay nakita ko agad ang ilang sasakyan na pagmamay-ari ng mga nagbabantay sa akin na tauhan ni lolo. Pinabayaan ko na rin lang at dumiretso ako sa big bike ko.

Thankfully, pagkatapos ng mahabang pakiusapan ay pinayagan ako ni lolo na gamitin ang motor ko imbis na sumakay sa sasakyan ng mga tauhan niya.

I started driving towards the direction of our mansion. Binilisan ko rin para makarating ako agad.

After minutes of driving, sa wakas ay natanaw ko na ang gate namin. Unlike the main mansion where lolo lives, imbis na mag drive pa ng malayo pagkapasok ng gate para lang marating ang mansion, ours is actually just simple dahil pagpasok pa lang gate ay nasa bukana ka na agad mg bahay.

The guard opened the gate for me, and the moment that I entered the gate, narinig ko agad ang tili ni mom.

"Kyaaaaaaahhhhh!!! Baby Z!!!" Bumaba ako ng big bike at tinanggal ang helmet ko habang si mom ay tumakbo palapit saakin at yinakap agad ako.

"I missed you so much Baby Z!" Mauubusan pa ata ako ng hangin sa higpit ng yakap ni mom. But nonetheless, binalik ko na lang ang yakap niya. "I missed you too, Mom."

After a few moments ay bumitaw na rin siya at ang laki ng ngiting tumingin sa akin. "Finally, I'm able to see your beautiful face again!" Gusto kong mapailing. Mom's really childish, in a good way though.

"Where's Dad?" Tanong ko habang naglalakad na kami papasok ng pinto.

"He's in the library, kausap si Leon. No worries, bababa na rin yun in a while." Dumiretso na kami sa sala, binati rin ako ng mga maids na naka-kita sa akin.

Halatang mga abala sila sa paghahanda ng dinner namin.

Well, who wouldn't? After months ay ngayon na naman lang bumalik at nakompleto ang mga amo nila.

We stayed there in the living room for a while. Nag-kwento lang si mom ng kung ano-anong nangyari sa mga business trips nila ni Dad kaya wala akong ibang ginawa kung hindi makinig sa kanya.

Crawford High: Hearts and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon