CHAPTER 31

1.4K 34 5
                                    

I hear multiple knocks which wakes me up. Nagpakurap-kurap ako hanggang sa maaninag ko si Dorothy sa may pinto. Bored itong nakatingin sa akin na tila ba inip na inip talaga siya.

“Wake up, Collin and the other boys are here. Adel’s already awake and she badly wants to go up here.” malamig niyang untag saka tinapunan ng tingin ang nasa tabi ko.

Noon ko lang napagtanto na payapang natutulog pa rin si Tres sa tabi ko habang mahigpit itong nakayakap sa akin. Napalunok ako.

Nang bumalik ang tingin ko kay Dorothy ay nakataas na ang sulok ng labi niya at maangas na nakatingin sa akin.

“Of course I know, sa tingin pa lang niya sa'yo ay halatang-halata na.” umiling siya sa akin saka sinarado ang pinto para makaalis na siya.

Did we just get caught? Sana ay kung anong reaction ni Dorothy ay ganoon na lang din ang reaction ni Papà but it's too impossible lalo na at pinakilala na niya sa akin ang napili niyang prinsipe.

Nais kong magalit ngunit anong magagawa ko? Sa ngayon ay magiging masaya muna ako sa piling ni Tres, saka ko na iisipin ang mga problema ko. 

I picked my phone up, bumalik ako sa higaan at saka ako nagtake ng selfies kahit tulog ang katabi ko. It looked so cute, nakayakap lamang siya sa akin habang mahimbing ang tulog.

Ayoko pa sana siyang gisingin pero naririnig ko na ang ingay ng mga kapatid ko kaya napilitin akong abalahin ang kanyang tulog.

Marahan ko siyang tinapik.

“Hmm, love?” his morning voice croaked.

“They are already awake, I think you have to go back to your room.” mahinahon kong pag-iimporma sa kanya, doon lang siya tuluyang dumilat.

“Oh fuck,” aniya saka mabilis na humalik sa aking noo.

Pinanood ko siyang tila eksperto nang tumawid siya sa bintana upang mapunta siya sa kabilang kwarto. Napailing na lang ako.

Nag-abyad na ako ng aking sarili bago ako bumaba. Tulad ng inaasahan ko, nagkakagulo na roon ang mga kapatid ko habang abala sa pagluluto si Tres sa isang tabi ng kusina.

Saglit na nagtama ang tingin namin at kinuha niya agad ang pagkakataon na iyon para kumindat sa akin, naiiling na napangiti na lamang ako. Hindi ko talaga ma-imagine dati ang ganitong side niya.

He's a stoic and strict prosecutor while me? I don't know what happened too. I thought that my sweet and soft side has already subsided but it turned out that it is still here.

Dahil sa isang tao muli kong naramdaman ang milyong emosyon na akala ko ay nakalimutan na ng aking puso. It really just takes the right person to reveal who you really are.

“Food is ready, Your Highness. You can now dig in.” biglang ani ni Tres na nakapagpatigil sa kulitan ng mga kapatid ko.

Mabilis na nag-occupy sila ng upuan at pinagpiyesta nila ang mga mata nila sa niluto ni Tres.

Ako ang nahuling umupo kasunod noon ay paglapag ng tasa sa aking tabi.

“Hot chocolate for mi lady...” his hoarse voice said, dahil nasa may likod ko lamang siya ay amoy na amoy ko na naman ang paborito kong bango niya.

Naramdaman ko ang mga matang nanonood sa amin kaya napatikhim ako.

“Sarap magluto ng royal guard mo, Ate. Pwede bang i-recruit ‘yan?” baling sa akin ni Raye na may ngisi sa labi, nadaan pa ng aking tingin si Javier na may nanunuring tingin kay Tres habang si Collin ay maangas na nakangisi lamang.

Of course Collin knows something.

“Masarap talaga ang luto niyan, para ba naman sa MAHAL niyang prinsesa e.” pagdiriin ni Collin.

Alyanah Elyria Del Fuego: ClaimedWhere stories live. Discover now