Unlike the other days, the company felt like a vast ocean. It is silent and calm but I can also feel that there’s a pressure.
Sa mga nagdaang araw kasi, kada pasok ko rito sa opisina ay bulungan agad ang nadaratnan ko saka sila paulit-ulit na sumusulyap sa akin but today’s different.
Lahat ng nakakasalubong ko ay nag-iiwas ng tingin, tila nagbago ang ihip ng hangin bigla. Naunang pumasok si Boss sa akin kasama si Luis.
Napapakunot tuloy ang noo ko, anong na naman bang ganap? Maging si Raine ay nag-iba ng tinatahak na daan nang makita niyang makakasalubong niya ako.
“En serio? Lo que está sucediendo?” (Seriously? What’s happening?) napapaisip kong tanong.
Dahil nasa office ni Boss si Luis ay dumiretso na muna ako ro’n.
“Uhm, kuhanin ko na muna si Luis. Sa office ko na muna s’ya.” I informed him.
Bubog lang naman kasi ang pumapagitan sa office namin kaya para rin kaming nasa isang room dahil kitang-kita pa rin naman namin ang isa’t-isa mula sa bubog.
“It’s okay to have him here, I don’t mind.”
“Dito po muna ako mag-stay, Ate Mommy. Later po ako pupunta sa’yo.” tumango na lang ako sa bata.
“Sige, don’t be stubborn, okay?” bilin ko na lang rito. Alam ko naman kasi na palaging abala si Boss.
Actually, kahapon ay halos hindi na siya tumatagal dito sa office dahil sa dami niyang court trial na pinupuntahan. Kasama niya palagi iyong si Bianca, his secretary.
Paminsan-minsan kong sinisilip si Luis habang nagta-trabaho ako. Puro reply lang naman ang ginagawa ko sa e-mails niya at halos pare-pareho naman ang format no’n. Ang sabi pa ni Boss ay ‘leave it short’ daw kaya sinunod ko na lang din. Of course, he’s the Boss e.
Bagaman ang pakay kong tingnan ay ang bata, palagi pa ring lumiliwas ang tingin ko papunta sa abalang si Boss. He’s dashing hot while working on his laptop. I really don’t know how he can do that so naturally. ‘Yong iba kasi kailangan pang ayusin ang posture at kung ano-ano para lang maging attractive but he’s really different.
Kulang na nga lang ay pati ang paghinga niya ay hangaan ko. You’re really doom, Yana.
Tulad ng nakagawian ko ay ako na ang bumili ng lunch namin. Actually, medyo gusto kong sulitin ang time ko with Luis today dahil mamayang hapon ay kukuhanin na ito sa amin ni Sir Simeon.
Isang beses ko lamang itong nakausap at thru video call pa ‘yon. Mukhang half American siya base sa hitsura niya. Matangkad kasi tapos maputi at ang kulay ng buhok ay dilaw. Payat din ito pero mabait naman talaga.
Ilang beses itong nagpasalamat sa amin ni Tres kaya natutuwa naman ako. Thankfully, maayos naman naming naipaliwanag ang lahat kay Luis at ang hiling nito ay ang makausap lang muli ang nakalakhan niyang ama.
Sakto naman at pinaplano na pala ni Sir Simeon na manatili na lang dito sa Pinas dahil ipapamana na raw niya sa kanyang panganay na anak ang mga business niya.
“Ate Mommy, uwi raw po tayo tapos nood daw tayong movie.” si Luis habang iniimis ko na ang pinagkainan namin. Iniaabot niya sa akin ang utensils na ginamit namin.
“Hmm? Tayong dalawa lang ba?”
“No po, kasama po natin si Kuya Daddy ko po.”
“Really? I thought you have a lot of work.” baling ko kay Boss na nakatutok lang sa laptop niya.
“I can make time.” simple niyang sagot sa’kin.
“So anong oras tayo aalis?”
“Ngayon na.” aniya sabay sarado ng laptop niya.
YOU ARE READING
Alyanah Elyria Del Fuego: Claimed
ChickLitRATED SPG-MATURE THEMES AHEAD | 🔞 | PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! WARNING‼️: MY MAIN LEADS ARE NOT PERFECT PO JUST LIKE HOW REAL PEOPLE ARE. ALL CHAPTERS ARE RAW AND THERE ARE GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS. THERE ARE SCENES THAT CONTAINS VI...