Nakagisngan kong wala na si Boss sa malawak na couch na tinulugan niya kagabi. Well, for me, the couch is really big but it's too small for Boss. Gayunpaman ay nagtiis na ito ro’n at doon na nga natulog.
After doing my morning routine ay kumain naman ako ng breakfast. May nakahain na kasi sa mesa. It’s the usual breakfast: fried egg, bacon, fried rice and veggie salad.
Mayamaya naman ay dumating si Akira sa suite namin kaya hindi ko na rin halos napansin na wala si Boss.
“Anong ganap? May dilig ka na?” mapanukso niyang tanong agad kaya mabilis na kumunot ang noo ko.
“You, you’re trying to match me with your friend, aren't you?” naniningkit ang mga mata kong tanong sa kanya.
“What? Gusto mo rin naman!” pang-aasar niya ulit kaya binato ko siya ng throw pillow na nahagip ko.
“Gaga ka, Akira!” humagalpak na siya ng tawa kaya napailing na lang ako. She’s been spotting me for her trippings. Palibhasa mayaman at walang magawa sa buhay niya.
“Siya nga pala, nakita ko amo mo ro’n sa gym ah. Daming chics na naman ang lalapit do’n.”
“So? Pakialam ko naman?” pangsa-sarkastiko ko naman.
“Sus, kunwari unbothered pero mamaya mag-o-overthink na ‘yan.”
“Ang aga mong mang-trip, Akira.” irap ko na lamang sa kanya na nginisian niya lang.
Matapos niya akong asar-asarin ay inaya niya akong mag-mall daw. Dahil hindi rin naman niya ako titigilan ay agad na lang akong umoo.
To: Boss
Good morning, Boss! Sinamahan ko lang si Akira
I messaged him kasi baka hanapin niya ako at ma-beast mode na naman siya kasi may ipapagawa siya tapos wala ako pagdating niya.
Kung saan-saang department kami napadpad ni Akira at halos lahat yata ay kinuhanan niya ng products. Hanggang sa mapunta kami sa clothing line.
“May gathering mamaya sa bar, pili ka ng dress mo. Ako ang magbabayad.” she instructed.
Naalala ko tuloy na mayroon nga palang bar sa 50th floor ng hotel niya. Ewan ko ba sa kanya, napakarandom ng ideas niya e.
“May dala naman akong jeans at crop top, ‘yon na lang ang isusuot ko.” I insisted and she consistently shook her head.
“Ayoko nga, pipili ka o ako ang pipili.” namimilit niyang utos kaya wala na rin akong nagawa kundi ang umuli sa lugar para pumili ng dress.
Natuon ang atensyon ko sa isang itim na dress. See through top ito, fitted at mukhang malambot ang tela. Ang haba nito ay lampas sa tuhod at may slit sa kaliwang bahagi noon, mula sa kalahati iyon ng hita hanggang sa dulo. It’s pretty cool and elegant. Plain black lang pero pang-expensive ang dating.
“Miss, kukunin namin ‘to.” biglang sabi ni Akira na nasa likod ko na pala. Mabilis namang tumalima ang babaeng naroon para i-wrap up ang dress.
“Bagay ‘yon sa’yo for sure, baka maglaway ang pareng Tres ko.” tukso niya pa habang nakangisi.
“Siraulo, may girlfriend ‘yon.”
“Kayo na? Hindi ko man lang alam?”
“Girlfriend niya ‘yong napakaraming cases sa table niya, sobrang committed nga e.”
“Ang hina umi-score ng manok ko, kaasar.” irap niya saka sumunod do’n sa babae para kuhanin ang dress.
Bandang alas nuebe na nang nakauwi kami at naghiwalay. Ang sabi niya sa akin ay magkita na lang ulit kami mamayang alas otso, roon daw ako sa suite niya magbihis. Ang daming pa-kineme.
YOU ARE READING
Alyanah Elyria Del Fuego: Claimed
ChickLitRATED SPG-MATURE THEMES AHEAD | 🔞 | PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! WARNING‼️: MY MAIN LEADS ARE NOT PERFECT PO JUST LIKE HOW REAL PEOPLE ARE. ALL CHAPTERS ARE RAW AND THERE ARE GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS. THERE ARE SCENES THAT CONTAINS VI...