CHAPTER 34

1.3K 32 1
                                    

Masusi naming pinagplanuhan ni Flavio ang napagkasunduan namin. Madalas ay lumalabas kami para mas makapag-usap nang maayos. Somehow nakahanap ako ng bagong kakampi, in short we became friends.

Flavio is an outgoing type of man, isang reason kung bakit madalas na rin ako sa labas ngayon. Isa ring reason kung bakit ako nalilibang sa kabila ng bigat na kinikimkim ko sa aking dibdib.

Nothing changed, ganoon pa rin ang pagtitiis ko na huwag kausapin si Tres. Although I know that I should sleep early at night for my baby, I just can't simply do that. Gabi-gabi akong nakakatulog dahil sa pag-iyak.

Miss na miss ko na talaga siya pero wala naman akong magawa. I badly want to talk to him. It's been a month since we separated.

I can still receive his messages and I read them every night. Sometimes I do reply but it's in the simplest way. I can't even tell him how much I miss him and of how much I love him.

Hindi namin hinayaan na lumabas ang balitang buntis na ako, ang buong pamilya ko lamang ang may alam at ang doctor ko.

“When are you going to pick your dress, Yana?” tanong ni Flav habang nakatambay kami sa ilalim ng puno.

“Hindi ko alam, babalik muna ako sa Pinas para tapusin ang relasyon namin. Siguro pagbalik ko na lang.” malalim akong bumuntong hininga. Yes, he knows who my boyfriend is.

Nasabi niya rin na na-meet niya na ito at kilala niya si Tres.

“Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang plano, Yana? Para balikan mo siya kapag nakaupo ka na sa trono.” suhestiyon ni Flav. At first, naisip ko na talaga iyon.

“Paano kung hindi ako makabalik, Flav? I want him to be safe. Sa palagay mo ba magsasawalang bahala na lang basta si Tres? Kung hindi ko siya itutulak palayo, uubusin niya ang sarili niya para sa akin at ayoko ‘yon. Papatayin siya ni Papà, mas kaya kong makita siyang masaya sa ibang babae kaysa ang makita siyang walang buhay.” mabilis na pinunas ko ang aking luha. Ang bigat pa rin, ang sakit pa rin.

Hinila niya ako nang marahan para isandal sa kanyang balikat saka niya hinaplos ang aking buhok para patahanin ako, naalala ko tuloy si Tres. I miss him so much.

“Naiintindihan kita, Yana. I just hope na after this long fight, sana maging masaya ka. You deserve it, no matter how you pretend that you're bad, you can't hide the fact that you're a sweet, selfless lady who is deprived of freedom.”

“Don’t worry, habang wala si Tres, maninitili ako sa'yo. Aalagaan ko kayo ng baby niyo, you're like a younger sister to me, Yana.” dugtong pa niya. Nag-iisang anak kasi si Flav kaya may pangungulila siya sa kapatid.

Flav tried his best to entertain me, dinala niya ako sa finest restaurant nila. Sunod ay sa parks at kilalang garden para makapag-unwind daw ako, dagdag pa niya ay maganda raw iyon para sa baby ko.

Hapon na nang matapos niya akong igala. Actually, what I liked about hanging out with him is that there's only a few of guards.

Tumigil kami saglit sa coffee shop, bumili ako ng frappe at chocolate cookies. Iyon ang kinain ko habang nasa byahe, I dipped every cookies in my frappe. Napapangiwi na lang si Flavio sa akin.

“I don't really get why pregnancy is like that, so weird.” ngiwi niya sa akin.

“Flavio,” I called him, mabilis niya naman akong inukulan ng atensyon.

“What is it?”

“Ayokong umuwi. Can we just stay in your hotel?”

“Hmm, ‘wag sa hotel. Masyadong maraming mata roon si Mamà, sa penthouse ko na lang. Is it okay to you?” I nodded in his offer.

Alyanah Elyria Del Fuego: ClaimedWhere stories live. Discover now