Chapter 1

221 15 5
                                    

Two days before the meet up...

Hiyawan. Sigawan. Tilian. Mga babaeng tila nakawala sa hawla. May halos mahimatay pa dahil sa nakikita nilang limang lalaki ngayon na kasalukuyang tumutugtog ngayon sa stage.

Ako?

Wala akong pakialam.

Imbes na sabayan sila sa mga kalokohan nila ay ito lang ako, humihikab at naghihintay na matapos na ang gig ng banda.

Bored akong napasandal sa pader at napacrossed arm, Inaantok na pinapanood ngayon ang banda na naggi-gig ngayon sa Club na nagngangalang 'ILY Club'.

Kung hindi lang talaga ako mabait edi sana natutulog na ako ngayon sa kwarto o di kaya kumakain na, eh kaso sadyang mabait akong tao kaya nandito ako ngayon, sumama sa kabaliwan ng kaibigan kong si Maesie na isang top fan sa bandang 'RTR Band o ang ibig sabihin Rags To Riches'. Ang bandang ito ay laging naggi-gig sa kung saang lupalop man ng mga resort, club at kahit outdoor foodcamp pa.

Sa pagkakaalam ko mga nasa 10k followers ang group page nila. Hindi naman ganoon kasikat ang banda at sa pagkakaalam ko rin ay tanging pampalipas oras lang talaga nila ang paggi-gig at pagtugtog ng musika. At itong baliw kong kaibigan ay mukhang bundot nila na walang pinalampas at laging uma-attend sa mga gig nila kahit gaano pa kalayo ito.

At dahil sa mukha akong pagkain at patay gutom, nakombinsi ako ng kaibigan na samahan siya sa mga gig ng bandang gusto niya. Alam niyang ayaw kong sumasama sa mga ganitong event dahil hindi naman ako fan sa bandang to kaya sa tuwing may mga gig ito ay lagi niya akong tinatawagan, nagpapasama lagi at ang suhol? Syempre pagkain!

Kilala niya ako. Pag pagkain na ang pinag-uusapan ay wala akong pinapalampas. Grab the opportunity para happy tummy!

Kaya ngayon, kahit na ang lively ng paligid ay hindi ako nito nahahawaan. Gutom na ako at kapag gutom ako wala ng ibang laman ang utak ko kundi pagkain.

Napatingin ako sa wrist watch ko. Mas lalo akong napahikab. 7:23PM na. Nangako sakin si Maesie na pagkatapos ng gig nitong bandang kinababaliwan niya ay kakain na agad kami at syempre libre niya ako dahil sa pagsama ko sakanya ngayon dito. Thankful kasi ito sakin dahil hindi siya pinapayagan ng magulang niyang gumala ng mga ganitong oras kapag hindi ako ang kasama. May tiwala sakin sina Tita at Tito dahil ako lang naman ang nag-iisang babaeng kaibigan ng anak nila na nagtagal sa kabaliwan nito.

Oo, sa edad na beinte tres ay tila baby parin siya kung ituring ng magulang niya lalo na at miracle baby ito at only child lang kaya grabe kaalaga at ka overprotective ang mga magulang niya sakanya.

Sumasakit nga ang ulo ko minsan at nababahala na baka ako pa ang mapagbintangan kung sakaling may mangyari sakanyang masama. Ako pa ang sisihin dahil ako ang kasama kaya minsan ay nababatukan ko siya sa mga kalokohan niya sa buhay na dinadamay pa talaga ako.

Ilang oras din ang lumipas bago matapos ang Banda at ang pinakahihintay ko sa lahat, Pagkain Time na!

Kaya ngayon, dinala ako ni Maesie sa isang 'Beach House' na malapit lang sa pinag gig ng banda. Nagulat pa nga ako dahil nandoon din ang mga bandang kinababaliwan niya. Napag-alaman ko na kaya pala medyo maraming tao ngayon dahil may pakunting handog na celebration pala ang banda para sa mga fans nilang walang sawang nag suporta at nagpupunta sa mga gigs nila kaya ito, inanunsyo nilang may salo-salo sila dito sa isang beach house na kasama ang banda.

Hindi ko alam kung anong resort itong pinuntahan namin dahil hindi rin naman ako nagtanong basta gutom lang ako at gusto ko ng kumain.

"Steff, eat well ka lang dyan okay? Kakarengkeng muna ako sa Bias ko besh! Omygosh! Ang gwapo niya. Bye!" Napakurap nalamang ako nang mabilis niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi na may panggigigil. Nakangiwi ko nalamang tinignan si Maesie na nag tatalong naglakad papunta sa lalaking guitarist ng Banda, sa pagkaka-alam ko siya si Duke Koen? Hindi ako sure, basta lagi siyang bukambibig sakin ni Maesie at kulang nalang isamba niya ang sarili sa lalaki.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon