Chapter 25

81 5 3
                                    

TATLONG linggong nakalipas simula nong huli kong nakasama ang pamilya ni Matthew doon sa airport. Balik buhay nanaman tayo at kahit linggo man ang lumipas ay wala namang masyadong nangyari, maliban sa nagpatuloy parin yung pagtatrabaho ko roon sa restaurant ni Matt ay halos makasundo ko narin ang lahat ng mga staff doon. So far wala namang kababalaghan na nangyari nong pinagdiwang namin ang araw ng mga patay, maliban sa dumalo sa misa at nagkaron din kami ng mumunting handaan sa bahay, maliit na celebration lang for bonding.

Basta nagkanya-kanya lang kaming salo-salo sa mga pamilya namin at tanging pagvi-video call lang yung daan sa pagbati at pagkikipag-usap sa mga kaibigan ko, maliban kay Matthew at lalo na kay Leo na wala ng paramdam sa iilang linggo.

Naging smooth lang yung araw namin sa trabaho, lalo na rin yung buhay ko sa bahay kasama sina Lola, Stacey at Mariella. Si Auntie ay hindi parin bumabalik samantalang si Uncle Jeynard naman ay pumupunta lang doon para magbigay sustento at mga pangangailangan ng dalawa niyang anak.

"Here you go, let's eat, nakakagutom yung enrollment. It's been a year na rin kasi nong huli kong maranasan ang haba ng pila" napangiti ako sa sinabi ni Maesie. Isa-isa pa niyang nilapag ang dala niyang tray na puno ng mga inorder niya samantalang ako ay naghihintay lang sakanya dito sa table namin. Siya na yung nag insist na maghintay nalang ako dito, isa pa, abala rin ako dito sa pag arrange nitong mga dala kong requirements for enrollment.

January pa naman yung opening of class nila for second semester, day off ko rin ngayon sa trabaho kaya nagpasya akong mag apply na at mag enroll, iprocess ang lahat. Sakto at nagyaya si Maesie sakin na gumala, syempre tumanggi ako sa gusto niyang gala dahil may lakad ako ngayon, masyadong supportive si Maesie sa naging desisyon ko kaya imbes na matuloy yung gala naming apat na kasama sina Kian at Quinn ay hindi na iyon na tuloy.

Kaya ito, buong araw ay sinamahan niya ako doon sa campus sa Saint Villa University. Kahit na may stable na akong trabaho at kahit papaano ay hindi naman kami kinakapos na sa ngayon, balak ko parin ipagpatuloy iyong naudlot kong pag-aaral, tila isa kasi ito sa bubuo sa goals ko sa buhay, ang makapagtapos ng kolehiyo at makatanggap ng college diploma. Total lahat naman tayo ay may mga pangarap talaga, at sa ngayon ay ito ang una kong pangarap. Tatapusin ko na ito sa ngayon pagkatapos ay balak kong magtayo ng mumunting business about foods.

Sapat na rin iyong naipon ko sa bangko para maipag-aral ko ang sarili ko ngayong 2nd semester sa 2nd year. This is it, Steff! This time hindi ka na panghihinaan na ng loob, iba na ngayon ang sitwasyon mo kompara noon. Mas malakas ka na ngayon, hindi ka na bata para maging mahina.

"Thank you talaga Maesie ah"

"Duh, ano ka ba. Wala lang sakin to noh, basta I'm very happy for you, if you need anything just call me right away kahit na ako na mismo ang magbayad diyan sa tuition fee mo"

"Sira, kahit bigyan mo ako ng pera hindi ko yan tatanggapin o ipangbabayad sa anomang bayarin sa school, kahit na for miscellaneous pa yan" napangiwi siya na may kasamang pag-irap.

"Oh yeah, kahit nga nong inalokan ka nina Mom na pa-aralin ka nila eh hindi mo parin tinanggap" napayuko ako at itinuon nalamang ang atensyon sa spaghetti na pinag-abalahan kong pinaikot-ikot sa tinidor.

"Nakakahiya, isa pa ay hindi nila ako responsibilidad, hindi obligasyon ng magulang mo ang pag-aralin ako. Masyado rin akong down noon, na maski pag-isip ng tama o anomang positive thoughts sa buhay ay hindi ko magawa"

"Pero at least, going strong ka parin. Mas pinili mong magpaka independent" natawa ako bigla.

"Wala akong choice, basta nalang kasi ako iniwan sa ere, mabuti nalang kinupkop ako ni Lola"

Tila may gusto itong itanong sakin dahil sa biglaan niyang paglunok sa nginunguya niyang chicken joy. Halatang gutom na gutom nga talaga siya sa naging lakad namin kanina.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon